Chapter Twenty-Two

280 5 0
                                    

A/N: Sorry guys for a late update ^_^v busy lang masyado.. exams here and there. Anyways, enjoy and happy reading! :D

Gem sighed for the nth time that day. Wala sa sariling naglalakad siya papunta sa nurses' station na katapat ng emergency room ng ospital. These past few days she can't concentrate on her work fully not when Gian was acting really weird and bothersome for the last couple of days. Madalas gabi na ito kung umuwi. Alam niyang masyadong busy ito lalo na at may upcoming construction para sa isa na namang resort na nakabase sa Sorsogon sa Bicol. But it was not enough reason for her para majustify ang mga ikinikilos nito. She can feel that something's going on pero hindi lang nito sinasabi— like he was keeping it away from her.  She unconsciously stopped on her tracks. Could it be na kaya ganoon ang kinikilos nito dahil isa siya sa mga concern? Pero bakit?

Mahinang tapik sa sa balikat ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo. She turned around and saw Ericka standing few steps behind her.

"Ang lalim ata ng inisip mo ah. Kulang na lang senti song at pwede nang pang music video," anito sa kanya.

Napailing na lang siya. "Not quite."

Kunot noong tiningnan siya nito. "Bakit? Problem?"

She sighed as she gently brushed her forehead. "Si Gian kasi eh. Ang weird ng ikinikilos niya these past few days."

Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "Baka naman kasi busy. You know how businessmen are with their work. Parang tayo rin yan, twenty-four hours on call."

"I don't think so," aniya at napabuntong-hininga. "I've seen him fuss about with his work but not like this. Gabing-gabi na siyang umuwi tapos ang aga aga namang umalis pag umaga."

"Well, you have mentioned the other day na may bagong resort project sila, baka yun ang pinagkakaabalahan ng irog mo. Kaya, spare your worries maii-stress ka lang," pang-aalo nito sa kanya.

She just forced a smile para wag na itong mag-alala. Sabay silang naglakad na pabalik ng nurses' station. Erica busied herself with some hospital work. She, on the other hand, tried her best not to be distracted about Gian and his weirdness. Ayaw niyang maapektuhan ang trabaho niya lalo na at nakasalalay sa kamay niya ang kalusugan ng mga pasyente. Tinulungan niya si Erica sa mga paper works tutal tapos na siyang mag-assist sa mga doktor kanina and wala masyadong lab test ng araw na iyon. Hindi nila kasama si Jan-Jan dahil off nito ng araw na iyon.

It was past four in the afternoon nang mag-alarm na may isinugod sa ospital nila. Dapat sana ay mag-a-out na siya but the nurses are outnumbered. Yung iba kasi ay nag-a-assist sa isang major operation at yung iba naman ay busy sa pagra-rounds. She saw four men were brought in. Agad silang tumalima ni Erica at ng iba pang nurse na naka-assign sa E.R at binigyan ang mga ito ng first aid. Wala namang major injury except for two of the men suffered from broken ribs. Nagtataka pa sila dahil pulos pasa at ilang sugat lang ang mga natamo ng mga pasyente. Naisip na lang nila na baka nagkaroon ng rambol at doon naisugod sa kanila. But what's odd was there were no police to be seen.

"Nurse Altamirano, please attend to the patient in the bed number five yung kakapasok lang," sabi sa kanya ni Doctor Encisa. Agad naman akong tumalima. "Mas mabuting ikaw na ang mag-asikaso. Ingat ka, he's one heck of a patient mukhang mangangagat."

Napatanga siya sa sinabi nito. She have dealt with patients like what Doctor Encisa have describe pero may kung anong kabang sumipa sa dibdib niya. At sa oras na iyon she felt like abandoning a patient pero mas nanaig ang pagiging nurse niya kesa sa kabang iyon. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng pasyente. Bahagyang natatabingan ng kurtina ang kama nito.

Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita kung sino ang pasyente niya.

"Mr. Aragon?!"

Gulat na nilingon siya nito. "Oh, hi Gem. And by the way, it's Silver. What a shame for me to be seen by you in this state.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon