"Hoy, bawal ang tambay dito sa loob ng coffee shop ko lalo na ang mga taong nagngangalang Gemelie Suarez."
Iiling iling na tiningnan ni Gem ang kaibigang si Gelyne pagkuwa'y ngumisi siya.
"Correction Gel, it's Gemelie Suarez-Altamirano." aniya at diniinan ang pagsambit ng Altamirano. "Altamirano na po ang surname ko."
"Whatever. Hindi ko pa ina-aknowledge na may asawa ka na."
She just shrugged her shoulders at her friend.
Umupo ito sa katapat niyang upuan. "Ano nga palang masamang hangin na nagdala sa'yo dito sa munti kong kaharian?"
"Wala naman. Namimiss ko lang ang frappe mo. Lalo na at libre ito."
Pinaninkintan siya ng tingin ng kaibigan at itinuro siya. "Wag mong sabihing pinaglilihian mo ang frappe ko! No!"
Binato niya ito ng nilukos na tissue. "Gaga! Pinaglilihian ka dyan. Ni hindi nga kami magtabi sa pagtulog kaya paano naman ako mabubuntis. Saka haller! Bakit ko naman basta basta ibibigay ang sarili ko? Kahit asawa ko na siya luluha muna siya ng dugo bago niya ako maangkin no!"
"Wow ha? Nosebleed lang teh! Tigil tigilan mo na ngang magbasa ng mga pocketbooks. Kung ano ano nang pumapasok sa kokote mo eh."
"At ano namang pagkakaabalahang gagawin ko sa bahay, aber? Ang magbilang ng mga paintings?"
May koleksyon kasi ang asawa niya ng paintings. Nalaman niya iyon nang minsang magadventure siya sa kanilang bahay on her one boring day.
Nakita niyang napaisip ito. "Sabagay. Grabe naman kasi kayong dalawa, talaga bang nakatira kayo sa iisang bahay? Or better yet mag-asawa nga ba kayo? Eh ni hindi nga kayo magkakapanagbo sa bahay niyong mas malaki pa sa bahay ng presidente ng village namin eh."
Siya naman tuloy ang napaisip sa sinabi nito. Tama kasi ang mga sinabi nito. Gian and her are married for almost two months now. Pero bibihira silang magkita sa bahay. Ang tanging means of communication nila ay ang mga notes na nakagawian na nilang iwan. Lalo na kapag ang isa sa kanila ay naunang umalis. O di kaya ay kapag gagabihin si Gian ng uwi. Or the other way around. Naputol ang muni muni na nang lumapit ang isa sa mga crew sa kanila.
"Ma'am Gel may isa pong costumer na gusto kayong makausap."
"Bakit daw?" kunot noong tanong nito.
"Hindi ko po alam Ma'am eh. Nakakatakot nga po Ma'am. Para siyang kasapi sa Men in Black."
"O siya sige at kakausapin ko,"binalingan siya nito. "Maiwan muna kita dyan ah. Makikipag espadahan muna ako sa Men in Black na yun."
Tumango na lang siya. "Sumigaw ka lang ng 'darna' kapag kailangan mo ng back up ah."
Tatawa-tawang kinutusan siya nito at umalis.
Siya naman ay naiwang nginunguta ang straw ng kanyang frappe. Naisip niya si Gian. Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Bisitahin ko kaya? Ay wag na pala di ko alam kung saan ang opisina niya at kung alam ko naman baka wala naman ito roon ngayon. Sinipat niya ang relong pambisig. Isa pa malapit ng magsimula ang shift niya sa ospital. She stood up dala ang frappe niya. Magpapaalam na siya sa kaibigan at baka malate pa siya. Isa pa mukhang mainit na ang pakikipagusap nito sa costumer. Naririnig na kasi niyang nagninihonngo si Gelyne. At isa lang ang ibig sabihin kapag nagjajapanese na ang kaibigan niya... Badtrip at galit na ito.
Muntik na niyang malunon ang straw nang makitang marubdob na hinahalikan ng kasapi ng Men in Black ang kaibigan niya. Gulat na nakamulat lang si Gelyne habang mahigpit na nakakapit sa kwelyo ng lalaki. After few seconds the guy broke the kiss at hinapit ang kanyang kaibigan palapit dito. He then turned to lady behind them na noon lang niya napansin na nadoon. Nakaitim din itong suit at paldang itim na umabot lang hanggang sa kalahati ng tuhod nito. She's also wearing a knee-high, high heeled boots. Mukha ito kasapi ng Mafia sa itsura nito. Well at least yun ang alam niyang get up dahil yun ang nakikita niya sa favorite anime na Hitman Reborn.
Tulala pa rin si Gelyne habang si black suit guy naman ay kinausap si black suit girl...in japanese. Hindi niya masyadong naintindahan iyon dahil hindi niya naman master ang nihonggo katulad ni Gelyne. Pero base sa pagkakaintindi niya sa ilang words ay ipinapakilala nito si Gelyne sa black suit girl. She almost spit out the frappe in her mouth ng maintindihan pa ang ibang words na sinabi ng lalaki. My gosh! Ipinakilala lang naman ang kaibigan niya bilang fiance' nito at may kung anong sinabing susunod na reyna what so ever si Gelyne. My golly wow! Ano itong napasukan ng kaibigan niya?!
Pagkatapos niyon ay walang harabas na hinila ni black suit guy ang kaibigan niya. Galit ding sumunod dito ang babaeng kausap na any minute siguro ay bubuga na ng apoy.
Lumapit agad siya sa crew na tulala pa din hanggang ngayon.
"Hey! Kayo muna ang bahala dito sa coffee shop. Tawagan mo rin si Kim at sabihin ang mga nangyari dito. Sabihin mo na rin na hanapin---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang pumasok ulit sa loob ng shop ang kaibigan na mas mapula pa ata sa kamatis ang mukha. Dire diretso lang ito sa office nito. Mayamaya ay yung balck suit guy naman ang pumasok. Hinarap sila nito.
"Where did she go?,"
Napaturo na lang sila sa direksyon ng opisina ng kaibigan. Nilingon naman nito iyon. "Arigatou," yun lang at sinundan na ang kanilang kaibigan.
Binalingan niya ang crew. "Balitaan mo ako sa mangyayari ah. May shift pa kasi ako sa ospital kaya mauuna na ako."
Tumango naman ang crew. Tinanguhan niya rin ito bago lumabas at sumakay ng taxi papuntang SLH.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...