Chapter Three

368 7 0
                                    

                                                                3

"I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride"

Wala sa sariling nilingon ni Gem ang ngayo'y asawa na nga niyang si Gian.

She can feel her heartbeat beating so fast habang tila slow motion na humarap sa kanya ang asawa at marahang iniaangat ang kanyang wedding veil.

Tiningnan siya nito as if asking for permission to kiss her. She smiled at him as an answer.

Gians face slowly dipped into hers. Not long she felt his lips on her. His kiss was gentle as if ingat na ingat ito sa kanya. She just closed her eyes and savor his kiss.

Narinig niya ang masayang hiyawan ng mga taong dumalo sa kanilang kasal. Muntik na nga siyang umangal nang tapusin nito ang halik. He smiled at her and to her surprise, hinalikan siya nito sa noo tuloy mas lalong naghiyawan ang mga tao. She felt her cheeks grew hot dahil sa ginawa nito mabuti na lang at hindi nito iyon napansin but she can see her friends' devilish smile to her, mukhang nakita nito ang reaksyon niya kanina. Pasimple na lang niyang dinilaan ang mga ito.

 Pasimpleng ipinadyak ni Gem ang kanyang mga paa. Kanina pa kasi masakit at nangagalay ang mga iyon hindi rin kasi siya sanay magheels dahil hindi naman required sa trabaho niya ang magheels.

"Aish... Kung mahaba lang itong gown na pinampalit ko nagpaa na ako," aniya sa sarili.

Sinipat niya ang kanyang paa. Napangiwi siya ng makitang may paltos na siya at nagsisimula nang magblisters ang kanyang paa.

"Gem may problema ba?" tinig iyon ni Gian.

Nakatalikod siya sa asawa kaya nagkaroon pa siya ng time para ayusin ang lukot niyang mukha. She turned around and greeted him with a smile on her face.

"Ah.. Wala naman. Walang problema,"

"You sure?" tumango lang siya dito kahit ang totoo gustong gusto na niyang hubarin ang pesteng heels niya.

"Okay if you say so." he reached out his hand to her. "C'mon. Hinahanap na tayo nina Mama at hinahanap ka na rin ng ibang bisita."

"O-okay." She accepted his hands. She felt his warm hands envelope hers. Marahan ding pinisil iyon ni Gian as if assuring her. Nginitian naman niya ito.

"Tara."

Pero nakakaisang hakbang palang sila ng kumirot na ang kanyang paa. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kamay nito.

"Hey what's wrong? May masakit ba sa'yo?" masuyong tanong nito sa kanya.

She let go of his hand and took a deep breath. "Teka lang ah. Pwede bang mag paa na lang ako? Ang sakit na kasi talaga ng paa ko at nangngalay na rin dahil dito sa sapatos ko eh."

"What? Let me see." at umuklo ito sa harap niya.

Narinig niya ang mahina nitong pagmura at tumayo ulit. "Stay here. May kukunin lang ako."

Nakita niya itong pumasok sa isang kwarto at paglabas nito ay may dala na itong isang first aid kit at isang paper bag.

Kinuha rin nito ang nadaanang upuan bago lumapit sa kanya. "Here take a sit first." tumalima naman siya sa sinabi nito. Aangal pa ba siya eh kanina pa gustong bumigay ng kanyang mga paa?

Nagulat pa siya nang lumuhod ulit ito sa harapan niya at inalis sa paa niya ang sapatos na nagpapahirap sa kanya. She felt some relief ng tila nakahinga ang paa niya mula sa heels na suot.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon