Chapter Fourteen

341 10 0
                                    

Gem took a deep breath bago niya binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at lumabas. She was even surprised to see Gian standing in front of her doorstep at akmang kakatok sa pinto niya. Mukhang nagulat rin ito dahil nabitin sa ere ang kamao nito. Tumikhim muna ito saka bawi ng kamay at inilagay sa bulsa nito

"Ahmm... Kakatukin na sana kita," anito. "Aalis na tayo baka kasi tanghaliin tayo sa daan. Nakastandby na rin kasi sa Altamirano Tower ang helicopter na maghahatid sa atin sa resort."

 Right. Ngayong araw na pala sila pupunta sa Casa Quimica para sa anniversary noon.

 "Ganoon ba. Sige kunin ko lang muna yung gamit ko tapos susunod ako sa'yo," iyon lang at mabilis na pinagsarhan ito ng pinto. Nanghihinang napasandal siya sa hamba ng pinto. She took few deep breaths bago kumalma ang sistema niya. Mabilis na kinuha niya ang travelling bag na inimpake niya noong nagdaang gabi at lumabas ng kwarto niya.

 Nagulat pa siya nang makitang prenteng nakasandal sa gilid ng pinto niya si Gian. Kinuha nito sa kamay niya ang travelling bag. "I'll take this. Wala ka na bang nakalimutan?"

 "Wala na," she managed to say.

Tumango tango ito. "Let's go." At nauna na itong bumaba sa kanya. Sumunod naman siya dito.

Mayamaya'y tinatahak na nila ang highway papunta sa Altamirano Towers. Thry rode in silence. Halos maputol na rin ang leeg niya sa kakatanaw sa labas ng bintana. After what happened two days ago, things became awkward to them. Halos hindi na rin sila nag-uusap na dalawa. Parang may nabuong dingsing sa pagitan nila. Kung bakit naman kasi hindi niya inawat ito, kung hindi pa mag-ring ang telepono nito ay hindi sila matatauhan.

 Sus! Pero aminin mo ginusto mo rin yun noh! Ani ng isang bahagi ng isip niya.

 Shut up! It was a mistake okay? Kontra naman ng isang bahagi.

 Anong mistake? Mag-asawa kaya kayo, kaya may karapatan kayong gawin iyon!

 Kahit na! We're still on getting to know each other stage kaya dapat di pa magyari yun!

 Gaga! Parte yun ng 'let's make our marriage work' scheme niyo!

 Mabilis na ipinilig niya ulo bago pa siya masiraan ng bait. Nakontento na lang siya sa pagbibilang ng mga building na nadadaanan nila.

 "I'm sorry."

 Takang nilingon niya si Gian nang magsalita ito. Tamang tama naman at nag-red light at naharap siya nito.

 "I'm sorry for what happened two days ago," paliwanag nito. "Alam kong naiilang ka na sa akin. If I have just controlled myself more, hindi sana tayo aabot sa ganoong sitwasyon."

 Parang may kumurot sa kanya nang marinig ang sinabi nito. For heaven's sake he was apologizing for what happened? Nagsosorry ito dahil lang sa may muntik nang may mangyari sa kanila? Was he sorry for kissing her? Ganoon ba siya kasama humalik at nagsisisi ito? God! Parang ora mismo gusto niyang maghurumentado sa harap nito.

 "Gem?" Untag nito sa kanya nang hindi siya nagsalita at pinagmamasdan lang ito.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon