Napatanga na lang si Gem habang nakatingin sa cellphone niya. Kakatapos pa lang siyang tawagan ni Gelyne and man! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in sa utak niya lahat ng sinabi ng kaibigan. Sinabi lang naman kasi nito anh explanation ng lahat ng nangyari sa shop nito the other day. Muntik na nga niyang mabitawan ang cellphone nang sabihin nitong kasapi na ito ng..... isang Underground Organization! Ang lalaki kasing humalik dito ay isang kasapi ng underground organization na Black Pentagon..not to mention that he was the Boss. At dahil nainvovle na ang kaibigan dito ay automatic na isa na rin ang kaibigan sa mga kasapi ng organization na iyon dahil kung hindi, patay ang kaibigan niya.
Kaya nga nirequest ng kaibigan na magkita kita silang tatlo sa araw ding iyon. Siniguro naman ni Gelyne na hindi sila madadamay sa underground society na iyon. Pinangako kasi iyon ni Akihiro Hibari na mas kilala daw bilang Decimo o ika-sampung boss.
She shook her head at bumuga ng hangin. Pagkatapos ay naghanda para sa pagalis.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakahanda na siya. Kumuha siya ng sticky note at nagsulat kay Gian na baka gabihin siya ng uwi. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. She was about to pass Gian's room nang may marinig siyang kalampag at mahinang ubo sa kwarto nito.
Napatigil siya at pinakiramdaman ulit. Imposible kasing nandito pa si Gian. Past ten na at sigurado siyang nasa opisina na ito. Nang marinig ulit ang mahinang ubo at kalamapag dito ay agad siyang lumapit sa pinto at kumatok.
"Gian? Gian, nandyan ka ba? Anong nangyayari sayo?" nag-aalalang sabi niya. Pero masakit na ang kanyang kamao ay walang sagot dito.
Hinawakan niya ang seradura at nakahinga ng maluwag ng hindi iyon nakalock.
Pumasok na siya sa loob. Wala si Gian sa kama nito. She checked the bathroom kung nadoon ito.
"Gian!" bulalas niya ng makita ito sa loob ng c.r at nakikipagkomprehensiya sa toilet bowl. Nagsusu-suka ito. Agad niya itong dinaluhan at marahang hinagod ang likod nito.
"What happened? Anong kinain mo at nagsususuka ka? May ibang masakit ba sayo?" sunod sunod niyang tanong.
Sinipat niya ang pulsuhan nit at binilang ang bawat pagpulso. Medyo mabilis iyo pero normal naman. She check his stomach at diniinan iyon. "Masakit ba kapag diniinan ko dito?" umiling ito. Diniinan niya ulit sa kabilang bahagi. "Eh dito?" umiling ulit ito.
She shook her head and inhaled deeply. No signs of food poison lalong hindi rin appendicities.
Hinagod niya ulit ang likod nito hangggang sa mailabas nito ang lahat ng kinain. She reached out a towel and wiped away his sweat. Namumutla na rin ito. Sinipat niya.ang noo nito. "Oh my god! You're burning!"
He helped him get up at inakay papunta sa kama. Kumuha siya ng sando sa closet nito. Mabilis din siyang bumaba para kumuha ng mainit na tubig at alcohol. Pinatay niya rin ang aircon ng kwarto.
She helped him get his tshirt off. Pagkatapos ay nilublob niya ang towel sa maligamgam na tubig na hinaluan niya ng alcohol. Pinigaan niya iyon at maingat pinunasan ang mukha ng asawa. Unti unti nang bumabalik sa dating kulay ang mukha nito. Nilublob niya ulit sa palanggana ang tuwalya at pinigaan iyon. Napalunok pa siya ng dumako ang tingin niya sa matipunong dibdib nito.
Temptation lumayo ka!
Utang na loob Gem may sakit na nga ang asawa mo.pinagnanasaan mo pa! Be professional! Pasyente siya!
Pikit mata niyang pinunasan iyon. Nangiginig pa nga ang kamay niya ng ginagawa iyon. Napatigil siya sa ginagawa ng mapadako sa impis na puson nito ang pagpupunas niya. Napadako tuloy ang tingin niya sa ibaba pang bahagi ng puson nito.
Nakita niya ang medyo umbok sa gitna ng mga binti nito. She instantly looked away at mabilis na tinapos ang pagpupunas dito. Mabuti na lang at hindi nito nakita iyon. Nakapikit kasi ito all along. Agad niya itobng binihisan at inaayos ang pagkakahiga sa kama. Inayos niya rin ang ginamit sa pagpupubas dito at mabilis na pumunta ng banyo.
Nanghihinang inilapag niya sa lababo ang mga ginamit at sinapo ang kanyang diddib.
Shit! Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at tiningnan mo 'yun'?!
Feeling niya iyon na ata ang pinakamahabang limang minuto sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...