Isang linggo. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang mangaling sila sa Casa Quimica. Isang linggo mula nang mangyari ang komprotasyon nila ni Gem sa tabing dagat. At isang linggo na rin siyang iniiwasan ng asawa niya.
On that same night nagpahatid ang asawa niya kay L pabalik ng Manila. He went after her kaya nang makabalik si L sa resort ay siya naman ang nagpahatid patungong Manila. Pero hindi niya naman naabutan ito sa kanilang bahay. He got to know na sa ospital ito dumiretso which was a relief for him.
Hindi naman talaga niya intensyon na hindi ito siputin sa dinner date nila. Biglaan kasing dumating sa resort ang isang importanteng investor na matagal ng nililigawan ng kompanya nila at hindi niya pwedeng balewalain iyon. He tried to escape from Mr. Aragon pero bantay sarado siya and when he got the chance to get away from his sight it was too late. Masyado ng gabi at isang galit na Gem na ang naabutan niya. It was the first time she saw his wife got angry. Much more confessing her feeling for him.
If only things ain't complicated that time, piping usal niya.
He impatiently tapped his fingers on the kitchen counter pagkuwa'y sinipat ang oras sa relong pambisig. 7:20 Am. Ilang minuto na lang at darating na si Gem. For the past week ganoon ang schedule nito dahil nabago ang shift nito sa ospital. Napastraight siya ng upo nang marinig ang pagbukas ng front door. He slowly got up from his seat at walang ingay na sumilip sa kitchen door.
Parang gusto niyang lapitan ito at yakapin. She looked damn tired. Dark circles are already visible in her eyes. Pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan ng asawa niya. He saw her reached for her phone, mukhang may tumatawag dito.
"O, Gel? Kararating ko lang ng bahay. Maliligo lang ako tapos pupunta na ako dyan sa coffe shop para sabay sabay na tayong pumunta ng Divisoria," she said. Ilang segundo rin itong natahimik para pakinggan ang kabilang linya. "Ok. Sige bye."
Hindi na niya napigilang magsalita. "Aalis kayo nina Gelyne?"
Gulat na nilingon siya nito. She just looked at him, no emotions at all. "Oo." Iyon lang at pumanhik na ito sa taas.
Sumunod naman siya dito. "Aalis ka ng hindi man lang pa natutulog? Masama yan sa katawan."
"Oh tapos, anong ipinaglalaban mo?" Tila bored pa nitong tanong.
Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito. "Get some rest first before going somewhere."
Tumigil ito sa pag-akyat at hinarap siya. "Oh, now you care about me? Wag ka mag-alala kaya ko ang sarili. Hindi ako mamamatay kung hindi man ako matulog." The she went on going up again leaving him hanging.
Naisuklay na lang niya ang mga daliri sa buhok niya at napabuga ng hangin. Padaskol na umakyat siya sa kanyang kwarto at nahiga sa kama.
Hindi niya alam pero parang asar na asar siya sa mga nangyayari. Naasar siya sa pag-uusap nila ni Gem. One week silang hindi nag-uusap tapos walang kwenta pa yung naging conversation nila kanina. He can't explain what he's feeling whenever Gem's trying to avoid him. He hated it whenever she treats him like some thin air. And he misses all those exchanging of notes and preparing breakfast for her. God what is happening to me?
Dagdag pa sa pagkaasar niya sina Kim at Gelyne. Sukdulan ba namang magpadala sa kanya ng annulment papers! God! Hindi niya alam kung anong pumasok sa mga utak ng kaibigan ng asawa at pinadalhan siya noon at talagang pirmado pa ni Gem! Kulang na lang ay hamunin niya ng suntukan si Kim the moment na narecieve niya ang mga papeles na yun. But he controlled himself, matagal na siyang nagbago at isa pa baka mas lalo silang mag-away ng asawa niya.
Napabuntong hininga na lang siya. Inabot niya ang telepono sa bedside table niya at idinial ang numero ni Jan-jan.
"I need your help, please," iyon agad ang sinabi niya nang sagutin nito ang tawag niya. He perfectly know that he and Jan-jan did not get alog well during their first meeting pero ito lang talaga ang pupwede iyang hingan ng tulong patungkol sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...