A/N: Sorry medyo nalito ako sa mga chapters na naiupload ko kanina. Inayos ko na po :) Enjoy and happy reading :)
Kanina pa nanlalamig ang kamay ni Gem habang nasa back stage siya na mas lalong nadagdagan nang lumabas na siya. Butterflies were fluttering in her stomach and her mind isn't functioning well. isa lang kasi ang laman ng isip niya. Si Gian. Mabuti na lang at nakanta niya pa ang lyrics ng Speak Now ni Taylor Swift.
At kasalukuyan nga siyang naiipit sa mahigpit na yakapan ng kanyang mga kaibigan. Kung hindi pa nagtawanan ang ilang bisita ay hindi ata bibitaw ang dalawa sa kanya.
Tumikhim muna siya bago magsalita. "Good evening everyone. Sorry for ahm, gate crashing a party. Halatang OP ako noh?" Nagtawanan ang mga bisita dahil totoo ang sinabi niya. Halos lahat ay nakagown at formal atttire habang siya ay parang mamasyal lang sa mall. "Ang totoo niyan kagagaling ko lang sa airport. And my dear Gel, I'm sorry kung hindi ako nakaattend ng ceremony kanina. Sayang hindi ka tuloy namin nakantahan ng Speak Now, kaya eto na lang ang ginawa kong entrance. I got stuck at work and my flight got delayed kaya hindi na ako nakahabol sa simbahan. Sorry. Anyway hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kayo ni Hiro. The last thing I remembered halos magpatayan kayo sa asar sa isa't isa, and now you were married?! Hiro ganoon ba kasarap ang blueberry cheesecake ni Gel?"
The ballroom was once again filled with laughter. Mukhang alam din ng mga bisita ang part na yun ng love story ng kaibigan niya.
"At dahil diyan, I've prepared something that can be, let's say, a remembrance of that cat and dog relationship. Pasensya na ah, yan lang ang nakayanan ng powers ko," she said and cued the technicals to play the AVP she made.
She was all smiles habang pineplay ang five minute AVP na ginawa but at the back of her head she was ready to run. Lalo na nang magtama ang mga mata nila ni Gian. Kahit nasa made up stage siya at ito ay nasa kumpulan ng mga bisita ay mababakas niya sa mukha nito ang pinaghalo halong emosyon ng pagkagulat, saya, lungkot at pagkamiss. And to be honest she wanted to run to him and wrapped her arms around him. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit na mahigpit but she was leashing her own self.
When she left him two years ago and filed an annulment she knew that she was losing him. Pero kailangan niyang gawin iyon para maitama ang lahat. She wanted both of them to reflect the turning of events because of that damn contract. Because of Silver na kung biniyayaan lang siya ng ala-Gin ng Tekken ng lakas ay binugbog na niya. Ang tusong lalaking kasing iyon peke lang naman pala ang kontrata ay kung ano ano pang kalokohan ang pumasok sa isip.
Oo peke lang ang lahat. From the contract na nagsasabing 'binili' siya ni Gian kay Silver hanggang sa pangugulo nito. Naalala niya pa ang nakakalokong ngiti nito matapos ibulong sa kanya ni Silver iyon.
Don't worry, I'm over you. And oh, the contract is fake. Bahala ka ng kastiguhin si Altamirano, those were his exact words to her bago lumabas ng kwarto.
It was a relief for her kahit na andoon pa rin ang hinanakit at hindi maitatagong katotohanan na 'binili' siya ni Gian. She just kept in mind what Hiro told her. Na lahat ng ginawa ni Gian ay para sa kabutihan niya. Nga naman, ni hindi niya ma-imagine na ikasal kay Silver. Yiie! Iisipin pa lang niya kinikilabutan na siya. Silver's just too stiff for her, not to mention he's not her type.
As for her dad, matagal na niyang pinatawad ito. He did it for her mother kaya menus na iyon sa kasalan nito. She just let him sign an oath na hindi na ito mangungutang sa kung sinong Pontio Pilatong miyembrong isang underground organization dahil siya mismo ang magsusurender sa ama kapag dumating ang singilan. Her father took it seriously dahil ito pa mismo ang nagpanotaryo sa pinirmahang oath.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...