"Gian, wag ka munang matulog. Kumain ka muna ng sopas na niluto ko para magkalaman ang tiyan mo at nang makainom ka na rin ng gamot," aniya at marahang tinapik ang braso nito.
Iminulat naman nito ang mata nito.
"Wala akong ganang kumain."
"Ay yan ang hindi pwede. Kumain ka kahit konti. Dali na."
Wala na itong nagawa nang alalayan niya itong umupo. Kinuha niya ang mangkong naglalaman ng sopas. Akmang kukunin nito ang mangko sa kanya nang iiwas niya iyon dito.
"Ah, ah, ah. Ako nang nagpapakain sa iyo. Relax ka lang dyan."
She scooped a spoonful of soup at hinipan iyon. Pagkatapos ay iniumang niya sa bibig nito. Napangalahati na nito ang sopas nang umayaw na ito. Hindi na niya ipinilit na ubusin ang sopas dahil baka lalong sumama ang pakiramdaman nito. Inilapag niya ang mangko sa bedside table at kinuha ang isang baso ng tubig at iniabot dito. Kinuha naman niya ang isang paracetamol at iniabot iyon dito.
Maang na tiningnan siya ni Gian. "Ano yan?"
"Gamot."
"Oo alam kong gamot yan pero bakit binibigay mo sa akin?"
Napaarko ang kilay niya sa sinabi nito. "Malamang para inumin mo. At Duh! Para bumaba ang lagnat mo."
"Ayoko," he said flatly at ipinatong ang baso sa bedside table.
Lalong tumaas ang kilay niya. "Anong ayaw mo? Hoy tumigil ka nga dyan Mr. Altamirano. Inumin mo 'toh."
Pero ang adik bigla na lang nagtaklukbong ng kumot.
"Aba't..." hinila niya pababa ang kumot.
"Ano ba?! Nilalamig ako," angal nito.
Inuumang niya sa mukha nito ang gamot. "Inumin mo 'toh."
"Ayoko nga sabi eh!"
Umupo siya sa kama at pilit na pinapaupo ito. "Daig mo pa ang bata. Paracetamol lang 'to."
"I hate medicines. Ilayo mo yan sa akin."
Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. "You hate medicines, huh? Okay madali naman akong kausap eh."
She stood up and reached for her phone. Kunwari ay nag dial siya ng numero.
"Hello? Jan-Jan, pwede bang makisuyo? Dalhan mo naman ako dito ng isang bote ng dextrose saka i.v tube." she looked at Gian's expression. Para itong nakakita ng multo namutla rin bigla ito. Now she know, takot ang asawa niya sa ineksyon at mga gamot. "Oo may makulit kasi ako ditong pasyente ayaw uminom ng gamot. Isabay mo na rin sa mga dadalhin mo ang hmm..mga dalawa sigurong syringe..yes yes..address? oh.. #19 Cherry Blossoms---" hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng biglang agawin sa kanya ni Gian at walang habas na itinapon ang cellphone niya.
Papagalitan sana niya ito nang mabigla siyang pikit mata nitong ininom ang gamot na kanina ay ayaw nitong inumin.
Natawa siya sa itsura nito. Halos maubos nito ang isang basong tubig. Nagmake face din itong tila nandidiri. Saka siya tiningnan ng masama.
"Happy?" masungit nitong sabi.
Linapitan niya ito at inayos ang kumot. "Asus! Ikaw naman kasi pinapainom lang ng gamot gusto pang dinadaan sa dahas."
Iniwasan lang siya nito ng tingin. Pabirong pinindot niya naman ang pisngi nito. "Uy si Mr. Altamirano takot pala sa injection at dextrose. Takot ding uminom ng gamot. Ayiiee--"
Muntik na siyang mapasubsob sa dibdib nito ng bigla na lang nitong hawakan ang kamay niya at kinabig siya palapit dito. Now their faces were only inches apart.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...