A/N: At long last naupdate ko rin :) hehehe Sorry for a late update. Sad news is, four chapters na lang ang natitira sa love story nina Gian and Gem and I,ll be posting it today. Huhuhu, hirap bitawan si Gian. Anyway, enjoy and happy reading! :)
Dalawang araw na silang hindi nagkikibuan ni Gian. They treated each other like some thin air. Hiwalay rin ang kwartong tinutulugan nila. Masakit man sa parte niya she have to endure it. Not until Gian tells her the truth. Dahil nga sa nangyari, nagleave muna siya sa ospital dahil baka hindi niya magawa ng maayos ang trabaho niya. Pero hindi iyon alam ni Gian. Well paano nga naman nito malalaman eh war nga silang dalawa.
She was strolling in the mall when she felt someone walked beside her. Wala sa sariling nilingon niya ito.
"Hi." Nakangiting mukha ni Silver ang nakita niya.
"Hi?" Alanging sagot niya.
"You seemed not yourself today, something happened?" Tanong nito.
Dapat mainis siya sa tanong nito. Obvious naman kasi sa mukha niya na hindi siya ok eh. Pero ewan niya ba, she actually felt relieved dahil sa tanong nito. Unang beses kasing may nagtanong sa kanya kung okay ba siya mula nang mag-away sila ng asawa niya. Kahit kasi sina Gelyne hindi alam na nag-away sila. Hindi rin kasi siya nagpapakita sa mga ito.
"No I am definitely not ok," sagot niya dito.
"Want to share it over a cup coffee?" Alok nito.
Pinaunlakan naman niya ang alok nito tutal may mga katanungan rin siya dito. They went inside the Starbucks inside the mall. She ordered a frapped while he ordered brewed coffee. Konti pa lang ang tao dahil masyado pang maaga. Naupo sila sa di pansining sulok ng shop.
"So, what happened?" Agad na tanong nitp sa kanya.
But instead of answering his question she leaned back on her seat on crossed her legs. "Two days ago you were in our E.R with you men. Lahat kayo mukhang galing sa rambol; bugbog-sarado, right? Isang tanong isang sagot. Si Gian ba ang kasuntukan mo ng araw na iyon?"
He looked at her amusingly. Sumimsim ito ng kape at binigyan siya ng nakaklokong ngiti. Now I am starting to dislike him. Wait when was even the time that I liked him?
"I guess you saw the state of your husband," he smirked.
Nahugot siya ng hininga. "So my hunch was true. Ikaw nga ang kasuntukan ng asawa ko. Bakit? Anong nangyari?"
Nagkibit balikat lang ito. "I don't think you have the right to know. Gian didn't tell you so I believe ayaw niyang ipaalam sa'yo."
Mahina niyang naihampas ang kamay sa mesa. "Damn it! I have the very right to know! I am his wife for heaven's sake!"
Humalukipkip ito. "Not if you are the one concerned."
Nalilitong tiningnan niya ito. "What?"
The corner of his lips twitch. "You see Gem, not all you see or hear is true. Sometimes these are just decoys."
"I don't know what you are talking about. Please stop talking in riddles."
"Have you ever wondered kung bakit kayo ipinakasal ni Gian?"
"Our father's arranged our marriage," sagot niya dito. She's starting to be nervous. Half of her is saying na dapat na siyang umalis sa lugar na iyon but half of her is saying that she should stay.
Napapalatak ito. "What a lame excuse. I told you not you see or hear are all real. Sa tingin mo bakit hindi man lang umangal sa kalasan na iyon si Gian?"
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...