1
"Ano to?"
Gem rolled her eyes dahil sa obvious na tanong ng kaibigang si Gelyne.
"Wedding invitation" she answered her matter-of-factly.
"Oo nakikita kong wedding invitation 'to. What Imean is bakit pangalan mo ang nababasa ko dito? At sino naman itong pontio pilatong nakalagay ditong groom mo?" nakataas ang kilay na tanong nito habang halos ipagduldulan na sa mukha niya ang iniabot ditong invitation.
She took a sip on her frappe bago ito sinagot. "Simple lang. I'm getting married and I want you to be the maid of honor for my wedding. As for the answer for your second question..."
"What?"
"Hindi ko rin kilala eh. Mamimeet ko palang siya sa mismong araw ng kasal namin" aniya na parang wala lang.
"Ano?!" halos masira ang eardrums dahil sa sigaw nito.
Alanging ngumiti siya sa mga costumers na napatingin sa kanila at halatang nagulat sa pagsigaw ng kaibigan.
"Yah, tone down your voice baka kung ano ang isipin ng ibang costumers dito sa shop mo"
"Hell I care. This is my shop, so sisigaw ako kung gusto ko. And hell again! Tone down my voice? Shit Gem how can I tone down my voice kung bigla bigla ka lang magbabalita sa akin na ikakasal ka na at sa pontio pilatong ito na ni hindi mo pa nakikilala?!"
Umiling iling na lang siya. "Gel may pangalan yung tao o. Gian. Gian Mickael Altamirano. Cute nga ng name niya eh. Swabeng swabeng" binuntunan niya pa iyon ng mahing tawa.
Gelyne rolled her eyes and stood up. "That's it I'm calling Kim."
She shugged her shoulders. "Okie dokies. Nag-expire na rin yung load ko kaya di ko matawagan ang isang yun."
Pinandilatan siya nito at akmang ibabato sa kanya ang maliit na flower vase na palamuti sa mesa nila. Agad agad naman siyang nagpeace sign dito.
"Dyan ka lang gigisahin ka pa namin ni Kim" pahabol nito at dumiretso sa mini office nito.
Naiwan siyang nginunguta ang inorder na frappe at chococolate cake. Pagkuwa'y napatingin siya sa wedding invitation niya na halos magusot na dahil sa panggigigil doon ni Gelyne.
She silently uttered the name of her soon to be husband. Gian. To be honest she really don't know the guy. Ang alam niya lang anak ito ng constituent ng kanyang ama sa sabong at mahjong. At sa litratong binigay ng kanyang papa pa lng niya nakikita ang binata.
At kagaya ng reaksyon ng kanyang kaibigan kanina, halos maghurumentado rin siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal siya sa taong ito. Muntik na nga niyang itakwil ang ama dahil sa sinabi nito. Heck! They were already in the 21st century! Sinong gago ang maniniwala pa sa arranged marriage at isa pa wala naman silang dugong chinese at lalong lalo nang hindi sila mayaman. Middle class family lang sila. Eh sa pagkakaalam pa naman niya isa ang mga Altamirano sa mga may kayang pamilya sa bayan nila. In short mayaman. Altamiranos are well known in construction business and hotel & resorts businesses kaya nga pasabong sabong at pamahjong mahjong na lang ang matandang Altamirano.
She even tried to contact this Gian guy here para mapigil ang kalokohang pinauso ng kani-kanilang ama pero sa tuwing tatawag siya sa opisina nito ay kung hindi nasa meeting ay nasa business trip naman ang binata.
Hay nakakaloka.
She was given no choice kundi patulan ang pesteng kasalan na iyon. Ano pa nga naman ang mahihiling niya? Gian is handsome, yung tipong mapapalingon ka talaga 'pag dumaan ito not to mention that he has this aura that can make any woman kneel before him. Maganda rin ang backgrounds nito both family and education. Kung baga all in package na.
One thing that she didn't argue with this whole wedding thing is she had a crush at first sight in the guy. Napangiti tuloy siya.
She was awaken on her self communication nang marinig niya ang tinig ng isa pa niyang kaibigan na si Kim.
"Where is she?" mataray nitong tanong sa isang crew.
At dahil bff nila ang may ari ng coffee shop na iyon alam na alam na ng mga crew kung sino ang hinanap nito. She saw the crew points at her direction. Agad namang tinapunan ng tingin ni Kim ang pwesto niya. She happily waved her hand at her friend. Tinaguhan nito ang crew at malalaki ang hakabang na lumapit sa kanya.
"Ano itong narinig ko kay Gelyne na ikakasal ka na?" bungad agad nito sa kanya.
She sighed at naghalungkat sa dala niyang sling bag. She reach out another invitation at binigay iyon sa kaibigan. Kinuha naman iyon ni Kim at ora oradang tiningnan.
"And may I know kung sino tong Gian Altamirano?" anito at itinuro pa ang pangalan ng binata sa imbitasyon.
"The future Mrs. Gemelie Suarez," nakangising wika niya.
Her friend gave her a sullen look. "Hoy Suarez wala akong panahong makipaglokohan sa'yo kaya kung pwede pakisagot ng matino ang tanong ko."
Inismiran niya lang ito at sumipsip sa frappe niya. Sa peripheral vision naman niua ay nakita niyang papalapit sa kanila ang kaibigang si Gelyne.
"Bilis mo ah," anito kay Kim pagkuwa'y binalingan siya nito. "Ngayong andito na si Kim. Why don't you explain this whole wedding thing."
"At ang gusto namin every detail," dadag ni Kim at talagang inemphasize ang every.
She looked at her two best friends at napabuga ng hangin. "Fine."
Wala na siyang nagawa kundi ikwento sa mga ito ang lahat lahat tungkol sa biglaang kasal niya. And as expected abot abot ang sermon ng dalawa sa kanya kesyo bakit hindi daw siya tumutol, bakit hindi niya daw sinabi kaagad sa kanila para daw naipakidnap ang groom niya at nang naitapon na sa Marianas Trench. Hay ewan minsan talaga inaabot ng kabaliwan ang mga kaibigan niya.
"One year, wait scratch that, make it six months" mayamaya'y sabi ni Kim. "Sa loob ng six months na nakikita namin hindi ka masaya sa married life mo at nakikita naming walang pakialam ang Gian na to sa'yo ako mismo ang magpa file at hahawak sa annulment case mo."
Oo nga pala lawyer nga pala ang kaibigan nilang ito. But wait...
"What?! Grabe ka naman Kim hindi pa nga kami kasal annulment na agad ang nasa isip mo," reklamo niya dito.
"Kim naman! Payag kang nang makasal itong bruhang to sa Gian na yan?!" sabad naman ni Gelyne.
Hinarap nito ang kaibigan. "Gel hindi naman sa totally na paumapayag ako. But what else can we do? The wedding's in two days’ time," bumaling ulit ito sa kanya. "Kaya ikaw Suarez siguruhin mong sasaya ka sa married life mo kundi hahuntingin kita sa ospital na pinagtatrabahuhan mo at kakaladarin kita papuntang korte para maifile ang annulment niyo. Intiendes?"
She sat up straight at sumaludo dito. "Aye, aye ma'am!"
"Che! Magsilayas na nga kayong dalawa kayo. Pinapasakit niyo ang ulo ko" ani Gelyne at kunwaring hinihilot ang sentido.
"Hindi mo man lang ba ako papainum ng favorite kong cappuccino at papakainin ng chocolate chip muffin mo?" ani Kim.
Aangal sana si Gelyne nang magsalita ulit si Kim. "Aba Gel, napagod rin akong talakan itong kaibigan natin not to mention iniwan ko lang ng basta basta ang team ko in the middle of our brainstorming for our new case"
"Aish. Fine. Grace a cup of cappuccino ang chocolate chip muffin for this witch here." anito sa crew ng coffee shop. "Malulugi ako sa inyong dalawa." pahabol nito at iniwan silang dalawa.
Nagkatinginan silang dalawa ni Kim at natawa na lang. Paano kasi every time na maliligaw sila sa lungga ng kaibigan libre lahat ng kinukuha nila pero sympre minsan nagbabayad din sila. Kawawa naman si Gelyne pagnalugi ng tuluyan dahil sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...