Parang sinapian si Gem na kung anong kasipagan sa katawan. All day she was humming at hindi rin maalis sa mukha niya ang ngiti sa labi. Sabi nga ng mga pasyenteng binisita nila blooming daw siya eh. Yung iba tinukso siya, pano naipamalita na ata ni Jan-Jan sa buong ospital na ikinasal na siya.
Buong araw din siya nitong kinukulit na ipakilala niya si Gian dito and she always jokingly answered him with a big no. Pero sympre joke niya lang iyon. She considered Jan-Jan as a brother or rather a sisterette. Sa loob kasi ng halos dalawang taon na pagtatrabaho niya sa SLH ito lang ang nakakaintindi sa kaweirduhan niya sa buhay not to mention that they are both avid fans of Sonia Francesca's works and other pocketbooks. At kung minsan silang dalawa ang pasimuno ng pagpapasaya sa mga pasyente nila tuwing magkakasama sila sa pagro-rounds o kaya naman kapag graveyard shift sila.
"Bakla!"
Speak of the devil.
She turned around and saw him skipping towards her direction.
"Oh?" aniya nang makalapit na ito sa kanya.
"Damayan mo naman ako mamaya oh," sabi nito.
She knotted her forehead. "Damayan saan?"
"Magshopping tayo ng bagong pocketbooks. Kating kati na kasi talaga akong magbasa ng fresh pocketbooks." nakalabing wika nito at iniangkla pa sa braso niya ang isang braso nito.
"Hindi ako pwede 'noh! May date kami ni Gian, remember?."
Inialis nito ang pagkaangkla ng braso nito sa kanya. "Sus! If I know nagpapower trip ka lang kanina. Hindi ako naniniwala na kasal ka na."
"Hoy Juanito Alvarez Junior, inaakusahan mo ba akong sinungaling?"
"Oh my god! Wag mo nga akong tawaging Juanito! Its Jan-Jan girl, Jan-Jan," at flinip pa nito ang imaginary long hair nito.
"Whatever." ipinakita niya dito ang kamay na kinalalagyan ng wedding ring niya. "Ayan oh! May wedding ring na nga. Ayaw mo pang maniwala."
Tiningnan naman nito iyon pagkatapos ay tinapunan siya ng isang nagdududang tingin. "Malay ko ba na trip mo lang magsuot na wedding ring. Naalala ko tuloy yung isa sa novels ni Ms. Sonia. Baka ganon din ang scheme mo ah!"
Kinutusan niya ito.
"Ouch! Bakit ba?"
"Anong bakit ba? Inaakusahan mo akong nangtitrip lang tapos magtatanong ka kung bakit ba? Makikita mo mamaya. Pag ako sinundo ni Gian at napatunayan kong kasal na ako sa kanya, ibibili mo ako ng worth five hundred na libro, of course ako ang pipili."
"At pag hindi ka pinuntahan ng asawaness mo ako naman ang ibibili mo ng worth five hundred pesos na books."
"Deal," at nakipagshake hands pa dito. "Ihanda mo na ang five hundred mo dahil tinitiyak ko sa'yong pupunta dito si Gian."
Buo ang kumpyansa niya na mananalo siya. Hindi naman siguro siya pinagtitripan nito. And the fact the he owes her. Subukan lang niya at suntok ang abot nito sa kanya.
"Whatevah sistah!"
Natawa na lang siya at hinila ito. "Tara na nga! Tulungan mo na lang kami ni Doc Aeva sa pagra-rounds, para may clown kami for the tsikitings."
Gem sighed and looked at her wrist watch for the nth time. Naasar na rin siya.
"Oh ano bakla akala ko ba may date kayo ng asawaness mo? Anong oras na day? Kanina pa tapos ang shift nating dalawa," Jan-Jan said and rolled his eyes.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...