Chapter Two

413 5 0
                                    

                                                                2

"Ang ganda talaga ng anak ko ah."

Napangiti si Gem nang marinig ang tinig ng kanyang ama. She turned around and greeted her father with a smile on her face.

"Asus kung makabola si Papa wagas. Porke't naayusan ako at nakasuot ng isang magandang gown," pabirong sabi niya dito.

Lumapit naman sa kanya ang ama at marahang umiling-iling. "Hindi ka binobola ng papa mo. You really look beautiful today my dear."

"Aba syempre naman po 'Pa. Kasal ko kaya ngayon kaya dapat ako ang pinakamagandang dyosa sa simbahan mamaya."

Right. Its her wedding day today. Hindi niya alam pero part of her is excited and part of her is scared. First time niyang makikita ang groom niya sa personal. Magugustuhan kaya siya nito? T-teka bakit niya nga pa yun iniisip. Erase erase.

Napatingin ulit siya sa ama nang hawakan ang dalawa niyang kamay at hinalikan pagkatapos ay niyakap siya nito.

"I'm sorry 'nak."

Naguluhan naman siya sa sinabi nito. "Bakit ka naman magsosorry 'Pa?"

"I'm sorry kasi dahil sa akin naipit ka sa kasalang ito."

She felt something pinched in her heart. Nagsisimula na ring mamuo ang luha sa kanyang mata.

"Ano ka ba 'Pa. Okay lang ako 'no. I'm sure naman na may malalim kayong dahilan kaya ipakakasal niyo ako kay Gian. Saka okay lang talaga gwapo naman siya eh."

"Basta 'nak pasensya ah. Sana mapatawad mo si papa."

Now she really is confused at naiiyak na talaga siya kaya bago pa tuluyang bumagsak ang luha niya ay kumalas na siya sa pagkakayap dito.

"Papa naman 'wag ka na ngang magdrama. Mamaya nito magkaiyakan tayo masisira ang make up ko, papangit ako. Ano na lang ang sasabihin ng groom ko sa akin pagnakita niyang hulas na ang make up ng kanyang bride?" patawang sabi niya at marahang ipinhahid ang luhang nagbabadyang umalpas sa mata niya.

"Ikaw talagang bata ka," tatawa-tawang wika ng ama niya.

Saka naman bumukas ang pinto ng suite niya at iniluwa ang dalawa niyang kaibigan.

"Oh, tama na nga ang drama Tito. Baka masira ang make up nitong si Gem at imbis na magandahan ang groom ay baka biglang magtatakbo iyon dahil nagmukahang witch na si Gem," ani Gelyne sa kanila.

Natawa naman ang kanyang ama sa turan ng kaibigan.

"O siya maiwan ko na muna kayo. Alam kong may konting chikahan pang magaganap bago kayo bumaba," ani ng ama niya at tinungo ang pinto. Pero bago ito tuluyang lumabas ay liningon ulit sila nito. "Wag kayong masyadong maingay ah. Nasa kabilang suite lang si Gian baka isipin niyang nabubiuwang na ang kanyang bride kaya maingay. Sige kayo baka biglang umatras iyon," iyon lang at lumabas na ito ng hotel suite niya.

Bigla naman siyang napabaling sa katabi niyang dingding. Nasa bilang kwarto lang si Gian? Ibig sabihin all along nasa katabing suite lang ang groom niya?! Naman bakit nagyon lang sinabi ng ama niya eh di sana kagabi o di kaya'y kanina niya pa sinilip ito at least man lang nakausap niya ang binata bago sila magmartsa sa altar. I wonder kung gaano siya ngayon kagwapo wearing his white suit. He-he-he.

"Hoy Gemelie Suarez, tigilan mo nga yang kakatitig mo sa dingding. Wala kang xray vision kaya kahit anong titig mo dyan hindi makikita ang groom mo," boses iyon ni Gelyne.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon