Or so she thought...
Gem was very disappointed kinuumgahan dahil akala niya pwede na silang makapag-usap ni Gian. But it seems like maaga itong umalis ng kanilang bahay. Isang note lang ang iniwan nito na nagsasabing late na ito makakauwi kaya wag na niyang hintayin ito.
"Tss... Akala mo aantayin kita? Che! Akala ko pa naman makakasabay kitang magbreakfast," mahinang maktol niya.
She sighed as she opened the oven toaster. Buti na lang at nagiwan ito ng pang breakfast niya. Mabilis siyang naghanda sa pagpasok sa ospital na pinagtatrabahuhan niya pagkatpos niyang kumain ng agahan. Nagtaxi na lang siya papuntang SLH. She was glad na thirty minute ride lang mula sa bahay nila ang pinagtatrabahuhan. Hassle kasi para sa kanya kung masyadong malayo pag ganoon mapipilitan siyang sa doctor's and nurses home ulit tumira at ayaw naman niyang mangyari iyon. She can't afford to leave her husband behind baka kung ano pang sabihin nito. Na kesyo wala siyang pakialam. Kung siya sana ang masusunod she wants to make their marriage work.
Asus if i know ikaw lang ang makikinabang dyan sa suggestion mo ani ng isang bahagi ng kanyang isip.
Anong ako lang? Excuse makikinabang rin siya noh. May asawa na siyang maganda may instant nurse pa siya!, kontra naman ng kabilang bahagi ng kanyang isip.
She shook her head bago pa siya masiraan ng bait.
Malalaki ang hakbang niya papasok ng ospital. Sigurado siyang magiging busy ang araw niya.
"Bakla! Ang aga mo ata ngayon? An hour pa bago magsimula ang shift mo ah," bati sa kanya ng kaibigang nurse na si Jan-Jan. And yes her friend is a gay.
"Early bird catches the worm. Saka iniisip ko baka kailanganin ako sa lab. Alam mo na bigla bigla na lang hinihugot ni Doc Xander ang mahal niyang asawa," pabirong sabi niya at pumasok sa loob ng nurse's station.
Ang resident medical technologist kasi nilang si Mikee ay asawa ng kanilang resident surgeon na si Doc Xander. Lahat nga silang nagtatrabaho doon ay nabigla ng ibalita iyon sa kanila ng masungit nilang surgeon. Aso't pusa kasi ang dalawa pero kahit ganoon ang mga ito ay witness silang lahat na nurses at docktor sa pagmamahal nila sa isa't isa.
Their hospital was even dubbed as Love Hospital dahil sa romansang nangyayari sa ospital nila. Nasaksihan kasi ng ospital na iyon kung paano nabuo ang mga love story ng ilang doctor at nurse nila. Tulad na lang nina Mikee at Doc Xander. Ang resident pediatrician nilang si Doc Theijohn ay doon mismo sa playground ng ospital nila nagpropose ng kasal sa asawa nitong si Jade. Yung isa pa nilang pediatrician na si Doc Aeva, sa chapel ng kanilang ospital kinasal. Hindi na kasi nagkapag antay ang boylet nito kaya kahit may iniindang sugat ay game pa rin. Buti na lang at walang rekalmo yung paring nagkasal sa dalawa. Well they got married again in a big church pakatapos makarecover ni Zayn sa natamong sugat nito.
A smile curve her lips. Sila kaya ni Gian may mabuo rin kayang special moment sa ospital na yun?
Nangangarap ka na naman Gem ng gising. Eh ni hindi nga alam ng asawa mo kung ano at saan ka nagtatrabaho. Saka may i remind you girl arranhed marriage kayo. Sa pocketbooks at telenovela lang nagwowork ang mga ganyang scheme, kontra naman ng isip niya
Wag ka ngang nega! Magkakaroon rin kami ni Gian ng special memories dito sa SLH. Mas lalong lumawak ang ngiti niya ng maimagine kung ano ang pwedeng maging special memories nila. "Hoy bakla!"
Napapitlag siya sa tinig ng kaibigan idadag pang ibinagsak sa harapan niya ang pile ng charts ng kanilang pasyente.
"Kung makabagsak ka naman bakla ng charts parang wala ako sa harahapan mo," reklamo niya dito.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...