Chapter Thirteen

363 8 2
                                    

Chapter 11

"Gusto mo bang pumunta ng beach?"

Maang na liningon ni Gem ang asawa. "Huh?"

Saglit siya nitong tinapunan ng tingin pero agad ding ibinalik sa daan. "Casa Quimica, one of our resorts will be celebrating its fifth year anniversary this coming weekend. Naisip kong it’s a great opportunity to spend some quality time with you now that we have decided to let our marriage work."

"Sure! Ahm pwede ba magsama ng friends? You know sina Gel," she asked

"Oo naman," then he flashed a heart melting smile.

Napangiti na rin tuloy siya. She turned her gaze outside the car's window at nakitang hindi iyon ang daan pauwi sa kanila. "Saan tayo pupunta? Hindi naman to ang daan pauwi ng bahay natin ah."

"We're going to buy some supplies, remember?"

"Pero kakagrocery pa lang natin kahapon di ba?" Aniya at nilingon ito.

Dagli itong natigilan pero agad ding sumilay ang isang ngiti sa labi at nilingon siya. "Eh di magdate na lang tayo. Let's watch a movie," then he winked at her.

Siya naman ang napipilan. Date? Magde-date sila? Shet na malagkit!!!

Di na siya nakaangal dahil naipasok na nito ang kotse sa parking lot ng isang mall. After he parked the car ay pinagbuksan siya nito ng pinto. They walked hand in hand papasok ng mall. She stared at their entwined hands. It actually felt good having his hands on hers. Nagpadala lang siya dito hanggang sa huminto sila sa ticket booth ng movie theater ng mall.

"What movie do you want to watch?" Tanong nito sa kanya pero parang wala siyang narinig because she was still staring their hands.

Nagulat pa siya nang hawakan nito ang baba niya at inangat para tingnan niya ito. "Hey."

"Ha? Ah-- ano.." Napalunok siya dahil ilang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. She blinked twice pagkuwa'y tinapunan ng tingin ang mga movie posters. The Pyramid iyon agad ang unang nahagip ng tingin niya. "The pyramid."

Bahagyang kumunot ang noo nito. "You sure?"

"Yeah. Very sure. Tagal ko na ngang inaabangan ag movie na yan eh" aniya at ngumiti pa. Pero sa totoo lang ni hindi niya alam ang movie na yun.

"Okay. I'll just go buy some tickets. Dito ka lang," anito at pinakawalan ang kamay. She almost stopped him from letting go kaso baka magtaka ito kay tiningnan na lang niya ito habang bumibili ng tickets.While waiting for Gian to come back, hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mga pinaguusapan ng ibang tao doon. Lalo na ng mga babae.

"Ang gwapo niya. May girlfriend na kaya siya?"

"Teka ,tara manood rin tayo ng sine tapos tabihan natin siya"

"Ang hot niya sa suot niyang white polo!"

Napataas siya ng kilay. Si Gian kasi ang pinag-uusapan nila dahil ito lang naman ang lalaking nakawhite polo at nakapila sa ticket booth. Eksaheradang tumikhim siya kaya napalingon sa kanya ang tatlong babaeng naghaharutan.

"Kilala mo ba siya," narinig niyang bulong ng isa nitong kasama.

"Hindi no! Baka papansin lang. Tara na bumili na tayo ng ticket baka mawala pa sa tingin natin si Mr. Hottie," ani naman ng isa at bahagya pang napasinghap. "Shucks he's coming this way!!"

Lumingon naman siya at nakitang pabalik na sa kanya si Gian, may dala rin itong malaking box ng popcorn at dalawang drinks. She gave him a very sweet smile.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon