The next day, they woke up in each other’s arms. Noong una akala niya nanaginip lang siya but when Gian gave her a good morning kiss, she knew that it wasn't a dream.
Magkasama pa silang bumaba at nagpaluto ng breakfast. Then she saw Tin, kasama nito ang asawa nitong si JD at anak na si Jaydi. She was smiling at her. She smiled back and mouthed 'thank you.' Tumango naman ito and mouthed back 'welcome'.
"Saan mo gustong pumunta ngayon," tanong sa kanya ni Gian. Naglalakad lakad sila sa town proper ng Sagada nang magkahawak kamay.
"Gusto ko sana puntahan yung Big Falls, kaso sabi ng napagtanungan ko hindi daw muna pinapayagang pumunta doon. Nagkasunog daw kasi and the elders of Sagada are performing a ritual to cleanse the falls. Sa Bokong Falls na lang kaya? O kaya naman magsimba muna tayo sa St. Mary's Chruch. Tapos pwede nating puntahan yung hanging coffins." Sagot niya dito.
"I'll take the second one. I want to thank the Lord for the new beginning of our marriage" nakangiting sabi nito.
Pumunta muna sila sa Municipal Hall para kumuha ng tour guide. Mahirap na kasi baka magkandaligaw ligaw sila at baka mapahamak. Hindi naman nila kabisado ang Sagada.
Pagkatapos makakuha ng guide ay diretso na sila sa simbahan. The church was old but still beautiful. Kakaibang atmosphere. Like the place was so solemn and so peaceful. She took some pictures of the outside of the church bago sila pumasok. They lighted a candle. She closed her eyes as she utters a silent prayer.
Dear God,
Salamat po dahil binigyan niyo ako ng lakas ng loob para masabi kay Gian ang nararamdaman ko. Salamat din dahil nagkalinawan na kami sa wakas. Thank you for giving us the chance to be happy. I know na hindi pa to ang ending, we are just beginning a new chapter of our life. Please give us guidance as we journey to this new path. Amen.
After offering a prayer and taking some pictures dumiretso na sila sa sunod na pupuntahan, ang the hanging coffins. Dumaan sila sa town cemetery na kung tawagin ay Mt. Calvary. Sabi ng guide nila ay may trail na diretso sa hanging coffins after ng sementeryo. Nagtaka pa nga sila dahil may mga nakita silang bakas ng sulo sa ilang puntod doon. Their guide said na iyon ang nagsisilbing kandila na sinisindihan ng mga kaanak ng mga nakahimlay doon. It took them more or less fifteen minutes to walk from the church hanggang sa matanaw na nila ang ilang mga hanging coffins. Tinanong pa sila ng tour guide kung gusto nilang makita ng malapitan ang mga hanging coffins, kailangan daw nilang bumaba sa may cliff. Of course she said yes, but Gian said no. Baka daw masyadong matarik. Siyempre patatalo ba siya? Kinulit niya ng kinulit ito hanggang sa pumayag ito. Natatawa na lang ang tour guide nila.
Halos trenta minutos din sila doon, admiring the coffins and taking some pictures. Inexplain din sa kanila kung bakit nakahang ang mga coffins. Sabi ng guide nila tradition daw ng mga Igorot iyon. Igorots believed that through that way their deceased love one is closer to heaven.
Pagkatapos ay bumalik na sila sa town proper para maglunch. After taking their lunch ay dinala sila ng tour guide sa Bokong falls or small falls. She can't help but to admire the place. Malinaw ang tubig not to mention tila may yelo sa sobrang lamig. Parang mga bata nga sila ni Gian na nagwiwisikan ng pagkalamig lamig na tubig. Hinayaan lang sila ng kasama nilang tour guide. Hindi rin nagtagal ay bumalik na sila sa Guesthouse pagkatapos ng kaunting picture taking at kulitan. Hapon ma rin kasi at lumalamig na not to mention bumababa na rin ang ulap.
The next two days they continued exploring Sagada. They went to Sumaguing cave at nagpicnic rin sila sa Lake Danum. Sinubukan rin nila ang isa pang Sagada's pride food na yogurt. Kung hindi pa tumawag ang ama ni Gian ay wala sana silang balak pang bumaba. Nasa Baguio pala ito kasama ng ama niya at ng mga kaibigan nila. Susunduin daw sila ng helicopter para mapabilis ang byahe. Sa Baguio na daw sila magsicelebrate ng Pasko. May resthouse kasi doon ang mga Altamirano.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...