Chapter Eleven

302 4 0
                                    

Kanina pa nagpapagulong gulong sa higaan si Gem. It was already past nine in the morning pero feeling niya gabi pa. Tinatamad siyang bumangon at isa pa, ayaw niya talagang lumabas ng kanyang kwarto at makaharap si Gian. What happened last night was... a little too much for her.

Let's make our marriage work

Let's make our marriage work

Let's make our marriage work

"Letsugas kawali!!!"impit na sigaw niya at napabalikwas ng bangon "Waahhh!! Utang na loob lang Gem! Wag mo nang isipin pa ang nangyari kagabi! Imagination mo lang yun. Tama imagination mo lang yun."

She kept chanting na imagination niya lang iyon baka sakaling mawala na sa isip niya ang nangyari kagabi. Mayamaya ay bumangon siya at nagtuloy tuloy sa banyo.

She took a quick shower at nagsuot ng pambahay. Kasalukuyan siyang nagsusuklay nang mahagip ng tingin niya ang laundry basket niya. Konti pa lang naman iyon pero tila siya sinapian at basta na lang kinuha iyon at lumabas ng banyo.

"Makapaglaba na nga lang tutal wala naman akong pasok ngayon sa ospital. Nakaalis na naman siguro si Gian para pumasok sa opisina magte-ten na eh," aniya sa sarili.  Dala dala ang kanyang maruruming damit ay lumabas na siya ng kanyang kwarto.

She was humming her favorite song while on her way to the laundry area. Paliko na siya papuntang kitchen para doon dumaan papuntang laundry area ng..

"Holy shit!" gulat na naibulalas niya at napaatras pa ng bahagya.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat eh prenteng nakaupo sa may kitchen counter si Gian. He was reading the morning newspaper and a cup of coffee was in front of him.

Nag-angat ito ng tingin. "Good morning."

"A-nong ginagawa mo dito," nauutal na sabi niya.

Shet! Parang tambol ang kabog ng dibdib niya ng ngumiti ito sa kanya.

"I'm having coffee as you see."

Oo nga naman. Stupid lang Gem? Kita mong may kape sa harapan niya.

"I-I mean di ba dapat na sa opisina ka na sa mga oras na ito?"

He folded the newspaper he's holding at inilapag iyon sa counter saka naginat. "Tinatamad akong pumasok eh."

Napatanga siya dito. Si Gian Altamirano tinatamad? Ameyzing!

"Pero paano ang mga trabaho at empleyado mo?"

He chuckled. "Mrs. Altamirano, hindi guguho ang Oragons Lmtd kahit wala ako. My men already know what to do. Mano ba namang umabsent ako kahit isang araw."

"Ahh..okay," nasabi na lang niya at dire-diretsong nilampasan ito. Dahil feeling niya kapag nagtagal pa siyang kaharap ito ay baka maghyperventilate na siya.

"Hindi ka ba magbebreakfast muna bago mo harapin niyang mga labahan mo?"

She stopped in the middle of her tracks at napaisip. Oo nga di pa ako nagbebreakfast at kanina pa nagaalburuto ang tiyan ko. Paano 'to?

"Ah, mamaya na lang pagkatapos ko nito. Di pa naman ako nagugutom," aniya na hindi ito nililingon. Tuloy-tuloy na siyang pumunta sa laundry area at hindi na niya inantay ang sasabihin nito.

Wala nang nagawa si Gian kundi ang sundan na lang ng tingin ang papalabas na bulto ng kanyang asawa. He took his cup of coffee and took a sip pagkatapos ay napailing siya.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon