Chapter Eight

301 5 0
                                    

Gian woke up a little light headed the next morning. Wala na sa tabi niya ang asawa. Mukhang maaga ang shift nito sa ospital. Napatingin siya sa cellphone na nagriring.

"Hello?"

"Good morning po Sir. Sorry to disturb you pero may mga papers po dito kailangan ng pirma niyo. Dapat po kahapon pa ito kaso nang tumawag po ako dyan sa bahay niyo at si Mrs. Altamirano po ang nakasagot at sabi niya nga ay may sakit ka. But if you want sir dadalhin ko na lang dyan sa bahay nyo yung mga papers."

"No, no its okay. Papasok na ako ngayon. Ihanda mo na sa table ko yung mga papeles."

"Okay Sir."

"Would that be all, Hazel?"

"Yes Sir. Sige po sir. Good morning ulit." after that he hang up.

Pumunta na siya ng banyo para maligo at makapaghilamos. Nagulat pa siya ng may makitang post it note sa salamin ng banyo.

Wag masyadong magbabad sa shower baka mabinat ka :), the note said.

Iiling iling na lang siya. He took a quick shower at naghanda nang pumasok. Pero nagulat ulit siya nang makitang nakahanda na ang isusuot niya. May post it ulit iyon na nakadikit sa hanger.

Hi! I took the liberty na pumili bg isusuot mo. Grabe ah. Dinaig mo pa si Jun Pyo sa dami ng long sleeves at amerikana mo sa closet. But i think this baby blue sleeves and dark gray suit will make you more handsome ;)

Napangiti na lang siya at isinuot ang inihanda nitong damit para sa kanya. Sinipat niya ang sarili sa salamin at tama nga ito mas gumuwapo siya sa suot niya. Pasipol sipol siyang bumaba at dumiretso ng kusina. May nakatabing breakfast na para sa kanya. At may note ulit.

Gooood morning Mr. I-hate-medicines-and-injections :). I prepared breakfast for you. Light breakfast nga lang baka mabigla ang tiyan mo at bumaliktad ulit, bumawi ka na lang ng kain mamayang lunch. Di na kita inantay. Tumawag kasi yung ospital kaya pinapaearly shift ako today. But anyways I hope you are already feeling well. Nga pala inihanda ko na yung IINUMIN mong GAMOT. Siguraduhin mong iinumin mo yan kundi patay ka sa akin mamaya. O siya sige Au revoir.

Have a happy and prosperous day.

P.S

Wag masyadong magpapagod.

 

Mrs. Altamirano

Hindi niya alam but something warm touched his heart. No one ever showed him such caring aside from his mom. He put the note on his attache case at kinain ang ang inihanda nitong breakfast. Pikit mata rin niyang ininom yung gamot na inihanda nito. Naalala niya kahapon.

Abo't abot ang pilitan na nangyayari kapag oras na ng paginom niya ng gamot. Buti na lang at malakas ang convincing powers nito at pasensyosa. She really deserved to be a nurse.

He arrived at his office an hour later. Agad naman siyang sinalubong ng kanyang sekretarya. 

"Good morning Sir. The papers are already in your table. Shall i make you coffee?" tanong nito sa kanya.

"No don't bother nakapag breakfast na ako sa bahay."

"Ah okay Sir let me read your schedule for today," anito at sinimulan nang basahin ang schedule niya. "You have a meeting with the VP for Financial at 10 o’clock and a meeting with the board at 4:30 in the afternoon.That would be all Sir. You are free from one to four," anito nang matapos basahin ang schedule niya sa araw na iyon.

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon