Chapter 2: Great Idea!

349 29 13
                                    

David's POV:

David Dela Cruz. 18. Bachelor of science in Accountancy. Transfery.

Takteng babae yun ah. Siya na nga yung nakabangga tapos tutulungan na nga, ayaw pa. Tae!

Sa sobra niyang pagmamadali naiwan na niya yung wallet niya. Buti nga sa kanya. Bwisit! Maglibot siya sa buong campus para lang mahanap to.

Sabihin niyo na pakialamero ako pero

nacurious ako kung magkano o ano ang laman ng wallet niya kaya tinignan ko. May dalawang malulutong na P500. At P26 pesos. May BPI ATM card pa. Tinignan ko yung picture niya. Maganda naman pala eh, masungit lang talaga siya. Pero may kakaiba sa pictures niya eh parang may pagkatibo. Sayang naman kung magiging tibo lang 'to.

Binasa ko yung pangalan na nakalagay sa isang picture. 'Alexandra Marie Rodriguez' So, Ito pala ang name niya.

Lex's POV:

Pagkatapos akong sermunan ni mama ay agad-agad akong pumasok sa kwarto.

Di ako galit kay mama dahil pinagalitan niya ako. Galit ako sa kumuha ng wallet ko. Binuksan ko agad yung computer para maglaro ng LOL- league of legends para mawala yung pagkabanas ko sa pagkawala ng wallet ko.

Binuksan ko muna yung fb ko. 1 friend request. John Paul Marquez. View profile. Mukhang matino naman. View timeline. Mukhang mabait naman at DOTA player. Accept.

2 minutes after. Message from John Paul Marquez.

'Hi.'

Di ko siya nireplyan tapos tumunog ulit yung chat box ko.

'Oy. Reply naman oh. Napulot ko wallet mo. I'll give it to you tomorrow.'

Rereplyan ko ba o Hindi?

'K. Auditorium. 9 am.' Send ...

' OK beautiful.'

Takte! Ayos na eh. May pahabol pa. Hindi ko na siya nireplyan. The fact that I already knew where my wallet is. It's a great news.

- - - - - -

Hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki. Mas madali nalang kasing paniwalaan na halos lahat ng lalaki ay manloloko kaysa masaktan ulit. May mga kaibigan pa rin naman akong lalaki kasi sila yung kalaro ko sa LOL, DOTA, basketball at chess. Pero di pa rin ako gaanong nagtitiwala sa kanila. Mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon.

'Ingat sa biyahe Lex!' Sigaw ni Evan. Ang chickboy ng tropa.

'Di ko kailangan ng ingat mo Evan.' pagtataray ko.

'Pre, si Lex lang ata ang di tinatablan ng karisma mo ha.' Panunukso ni Marion.

Totoo namang makarisma si Evan. Ang rami ngang humahabol sa kanya eh. Pero pansin ko naman na seryoso siya makipagrelasyon. Yung iba kasi fling fling lang. May one time, nakita ko siyang umiiyak. Nakipagbreak daw kasi yung gf niya. Kahit di ganun kalaki yung tiwala ko sa boys, may malasakit pa rin naman ako sa kapwa kaya kinomfort ko siya. Minsan lang ako makakita ng lalaking umiiyak. By that time, kinalimutan ko muna yung mga bagay na nagbibigay sa akin ng dahilan para magalit sa boys. By that time, sinubukan kong maging mabuting kaibigan.

Pagdating ko sa harap ng Audi ay nakita ko agad si Paul. Actually, nakatalikod pa siya pero sigurado ako na siya 'yon.

'Oy.' Humarap ito. 'Yung wallet ko?' Pagmamadali ko sa kanya na ilabas ang wallet ko.

Ngumiti lang siya sa akin. May kung anong force na tumutulak sa akin para ngumiti pabalik sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Inabot na niya sa akin ang wallet kaya nagpasalamat agad ako. Di ko na siya hinayaan pang magsalita kaya umalis na ako.

David's POV:

Hahaha. Ang galing ng idea ko. Ginamit ko yung fb ng best friend kong si JP. Siya na rin yung nagbigay kay Alexandra ng wallet niya. Nasa likod lang ako ng pader habang binibigay ni JP yung wallet kay Alexandra.

' Takte David! Ano bang klase ng babae yun?' Medyo inis na sabi ni JP.

' hahaha. Ang ganda niya no? Maldita lang.'

'Oo na. Maganda siya. Don't tell me popormahan mo? Naku! Sinasabi ko sayo mahirap mapainlove yun.' Mukhang nababasa ni JP yung nasa isip ko ha.

Kung anong magnet yung tumama sa akin mula ng magkita kasi kami nung supladang babaeng yun. Para siyang paborito kong pagkain na lagi kong hinahanap. Shit. Ano ba tong pinag-iisip ko.

'Tara pare, vacant ko. Magdodota muna ako.' Narinig ko nalang nasabi ni JP. Actually, may ibang rason ako kung bakit ako sasama.

Computer shop.

'Dre. Maglalaro ka naman ng DOTA, dba? Pahiram FB ha.' Di na sumagot si JP at binuksan na niya yung FB niya. Alam ko naman di ako matitiis nun.

' si Alexandra na naman?' Tanong ni JP. 'tol, nagseselos na ako ha' pagbibiro nento.

Nakita kong offline siya. Oo nga pala, may klase.

'I add mo na kasi.' Nagulat ako kay JP. Busy sa paglalaro pero napansin pa rin ako.

'Inadd ko na pare. Pero baka di ako iaccept'

' Tang*! Inaccept nga ako. Ikaw pa kaya? Sa gwapo mong yan tol? Mana ka kaya sa akin. Ilaro mo na nga lang yan.' Pang-aasar ni JP.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon