Chapter 14: Unexpected!

176 27 4
                                    

Lex's POV

Two weeks ng nakakaraan matapos akong pumayag na magpaligaw kay David. Ganoon pala yung feeling ng nililigawan.

Everyday niyang pinapakita sa akin na special ako. Pero parang may kulang. Di ko maintindihan.

Last Saturday nga pala, nagtaka ako kung bakit di dumalaw si Paul sa amin. Lagi namang pumupunta 'yon eh. Minsan nga Sunday pa e pero wala eh. Siguro nagsawang tumambay dito sa bahay.

Ito ako ngayon, hinihintay pa rin ang pagdating niya. Di ko kasi maipaliwanag e pero parang kulang pag wala siya. Parang di kumpleto yung araw ko pag di ko siya nakikita. Kahit tuwing sabado o linggo lang kami nagkikita. Siguro nasanay lang ako? Nasanay na lagi siyang andito.

*beep .. Beep..

From: Davidpanget

Are you bored? Want to hang-out? Go somewhere?

'Anak, samahan mo ako sa SM mamaya ha. May bibilhin ako.'

'I'm going to somewhere ma.' sagot ko.

'Mas mahalaga ba yan kaysa sa pagsama mo sa akin ha?' Hays. Inaartehan na naman ako ni mama.

'Okay ma. But is it okay if I bring someone?'

Balak ko kasing isama nalang si David. Ipapakilala ko na rin siya kay mama.

'Okay.'

To: Davidpanget

SM Dave. With my mom. Is it okay?

----- SM -----

Busing-busy si mama sa pamimili ng damit.

'Lex bagay ba?' Tanong ni mama habang pinapakita niya yung damit.

Tumango nalang ako. Lahat naman bagay kay mama eh.

'Lex.' Biglang may tumawag sa akin sa likod. Si David pala.

'Ma, si David pala.' Pagpapakilala ko kay mama.

'Hi po tita.' Inoffer ni David yung kamay niya para makipagshake hands. Hahaha. Naalala ko lang, kapag si Paul kasi pag nakikita niya si mama. Niyayakap niya ito o kaya nagmamano.

'Hi .. David. Anak may new friend ka pala. Asan si. . .'

Nagsalita na ako bago pa ipagpatuloy ni mama ang sasabihin niya. Ayaw ko kasing marinig yung pangalan nun. Nagtatampo kasi ako sa kanya.

'Ma, Tara sa NBS? May nakalimutan kasi ako eh.' Sabay kamot sa ulo ko. Tinignan ko rin si David. 'Tara David.'

Naglakad na nga kami papuntang NBS.

'Ma, siya nga pala. Nanliligaw po sa akin si David.'

Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Mali ba ang timing ko? Nakita ko namang tumingin si mama kay David at ngumiti. Nung nagpatuloy kami sa paglalakad ay tumingin sa akin si mama na parang may pinahihiwatig.

Nasa NBS na kami. Pumunta ako sa section ng mga manga. Si David naman ay busy sa pagbabasa ng accounting books. Si mama, nandun sa Novel section. Nagbabasa.

'Dad, I want this oh.'

Napatingin ako sa nagsalitang isang batang babae. Tapos napatingin sa kausap niya. Isang matangkad na lalaki. May hawig yung lalaki. Di ko alam kung saan ko siya nakita. Pero sigurado ako na nakita ko na siya. Para ngang kilalang-kilala ko siya eh.

'Anak ang ganda nentong no ..' Narinig ko si mama pero para siyang napatigil ng makita yung lalaki.

'Bernadette?' buong pagkakasabi nung lalaki.

Biglang tumulo yung luha ko. Alam ko na by that time na siya 'yon. Siya yung nang-iwan sa amin.

'Ma, Tara. Alis. Na. Tayo.' Hinila ko si mama. Pinuntahan namin si David. 'David, tara.'

'Leeeeeex. Anak.' narinig kong sabi nung lalaki.

David's POV

3 araw na akong di pinapansin ni Lex. Simula nung makita niya yung papa niya.

kasalukuyan pala akong NASA computer shop. Hinihintay ko si Paul. Maglalaro kasi kami ng DOTA. Alam niyo na, pampatanggal ng stress.

Pagdating ni Paul. Ngumiti ito pero parang pilit. Ano bang nangyayari dito? May problema ba 'to? Ang tamlay-tamlay niya at mukhang balisa.

'Oy, tol. Musta?' Tanong ko sabay hampas sa kanya. Ganoon kami magbatian eh.

'Aray!'

'Ang OA mo pare. Mahina lang naman 'yon ah.' Tumawa nalang ako sabay umupo sa harap ng computer.

'Nga pala JP, Alam mo ba na di ako pinapansin ng Prinsesa ko. Nagkasagutan kasi kami eh.'

'Bakit? Anong nangyare?'

Kinwento ko kay JP yung buong pangyayari.

<FLASHBACK>

Pagdating namin sa bahay ay dumiretso agad si Lex sa kwarto niya. Naririnig ko yung paghagolgol niya.

'Sige, iho. Puntahan mo siya at baka sakaling makinig siya sa'yo at tumigil siya sa pag-iyak.' Mahinahong sabi ng mama ni Lex.

Di ko talaga alam kung papaano ko papatahanin si Lex pero pinuntahan ko pa rin siya sa taas.

Pagtaas ko, umiiyak pa rin siya. Nasa gilid siya ng kama niya. Kitang-kita sa mata niya yung sakit, yung galit.

'Bakit ka pa nandito?' Sigaw niya sabay tapon ng unan sa direksyon ko. 'Umalis ka na.'

Di ako umalis sa kinatatayuan ko.

'Lex, tama na. Wag ka nang umiyak.' Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya kahit pilit niya akong tinataboy.

'Wala kang alam David. Umalis ka na. Di kita kailangan. Go!' pasigaw na sabi nito. 'Umalis ka na! Umalis ka na! Wala kang alam.'

'Then tell me.' Tumingin ako sa mga mata niya. 'I will listen. I will always listen. I am always here for you.'

'Pare-pareho lang kayong lahat. Lahat kayo! ! Mang-iiwan kayo. Papaniwalain niyo lang kami sa kasinungalingan tapos iiwan niyo lang kami. Manloloko kayo! Man .. Lo .. Loko! So, get out of my room. Get out! Nooooow!!'

Tinutulak niya ako palayo. Hinahagisan ng unan. Gusto ko man siyang tulungan na maalis yung galit kaso ayaw niyang magpatulong.

'Di ako katulad ng papa mo, Lex. Kung anuman yung nagawa niya sayo. Hinding-hindi ko gagawin 'yon.'

'Shut up! Sawang-sawa na akong makinig sa kasinungalingan David. Ayoko na. Please lang, umalis ka na. I want to be alone. Please!' Kitang-kita sa mata niya na nahihirapan na siya. Na konti nalang eh di na niya kakayanin.

Minabuti ko nalang na umalis para makapag-isip-isip siya. Pagkauwi ko nagtext ako sa kanya para kumustahin siya. Tumawag ako nung isang araw pero di siya sumasagot. Chinachat ko siya pag naka-online siya pero nasiseen-zoned ako.

<END OF THE FLASHBACK>

'Pare, ano bang pwede kong gawin?' Tanong ko kay JP. Ewan ko pero para siyang namumultla o talagang maputi lang talaga 'tong tropa ko?

'Pasayahin mo siya tol. Iparamdam mo na di mo gagawin yung ginawa ng tatay niya. Wag mong hayaan na masaktan siya dahil sa nakaraan.' Seryosong sagot ni Paul na tutok na tutok pa rin sa nilalaro niya. Napapansin ko na ang tahimik at ang seryoso niya ngayon. Medyo nakakapanibago.

'Salamat dre.'

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon