Chapter 18: First Kiss

135 27 3
                                    

David's POV

I remember tears streaming down your face

When I said, "I'll never let you go"

When all those shadows almost killed your light

I remember you said, "Don't leave me here alone"

But all that's dead and gone and passed tonight

Sobra yung galak ko ng pumayag si Lex. Sinayaw ko na nga siya. Oo, aaminin ko na hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Hawak-hawak ko ang kamay ni Lex. Hays. Baka basa yung kamay ko. Hahaha. Actually, di naman. Nilalamig lang. 

Just close your eyes

The sun is going down

You'll be alright

No one can hurt you now

Come morning light

You and I'll be safe and sound


Tila walang tao ang nakapaligid. Tila tanging kaming dalawa lang sumasayaw sa gitna. Mga mata'y magkatitig. Mga paa'y sumasabay sa agos ng kanta. Wala sa amin ang umiimik ngunit ramdam ko ang saya. Ang makasayaw mo ang taong gusto mo makasama sa habang buhay. Napakaganda ng mga mata niya. Kay nipis ng mga labi at kay ganda ng kulay ng balat. Isang nilalang na nilikha ng Diyos para alagaan. Sana nga ako nalang tagapangalaga niya. Dahil kung ako lang talaga, hinding-hindi ko siya sasaktan at gagawin ko ang lahat para sa kanya. 

Don't you dare look out your window darling

Everything's on fire

The war outside our door keeps raging on

Hold onto this lullaby

Even when the music's gone

Gone

Biglang umalis si Lex. Hindi ko alam kung bakit. Basta tumakbo nalang siya. Sinundan ko naman siya sa labas. Bumalik ang malulungkot niyang mga mata. Medyo malayo na rin yung hall na pinaggaganapan nung party at sobra ng dilim sa kinaroroonan namin. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya. Tumigil naman siya.

"Anong problema Lex?" tanong ko na nakatitig sa mga mata niya. 

Tumingin siya sa akin. May kung anong lungkot sa mga mata niya. Parang ang raming problema na nadarama. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Di ko napigilan ang sarili ko at di ko namalayang sinandal ko siya pader at naglapat ang aming mga labi. Di ko nararamdamang binabalik niya ang bawat paghalik ko pero isa lang ang napansin ko, ang lambot ng kanyang mga labi. Naramdaman ko nalang na parang may mali sa ginawa ko. Tinignan ko siya. May namumuong luha na sa mga mata niya kaya niyakap ko siya. 

"Shit! I'm sorry Lex. I'm sorry."

Tinignan ko ulit siya tapos I mouthed again the word "SORRY".

Tumango lang siya then I said, "Let's go home na?" Tapos tumango ulit siya.

I decided to ride her home. Nasa loob na kami ng kotse pero di pa rin siya naimik. Shit talaga! Ano ba 'tong pinaggagawa ko. Wala po akong intensyon na masama kay Lex. It's just that .. Tss. 

Lex's POV

Buti nalang wala ng pasok. -____________-" Nilalagnat po ako. Di ko makalimutan yung nangyari kahapon. Hays. Gusto ko makalimutan 'yon. Please help me! It's my first kiss, Tae!!!

Baka nagtataka kayo kung bakit ako tumakbo palabas sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin ni David. Hays. I just don't feel comfortable. May naisip kasi ako bigla noong magkatitigan kami habang sumasayaw. Yes, it was Paul. T*ng in*! That moment when I was dancing with David but I was thinking Paul. Shit mga dre. Naiisip ko na parang ang sama-sama ko, so tumakbo ako. Para na rin makapag-isip-isip. Masama ba ako kung pinapayagan ko pa rin si David magpatuloy sa pangliligaw? Ayaw ko naman siyang masaktan at paasahin.

Kagabi, nung papalapit na yung mukha niya sa akin, di ako makagalaw. Parang nakadikit na yung mga paa ko sa sahig. Nagulat na ako nung bigla niya akong hinalikan. Naramdaman ko yung bibig niya na lumapat sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong gawin. Buti nalang at hindi masyadong matagal ang paghallik niya sa akin. Pagkatapos niya akong halikan ay hindi pa rin ako makarecover kaya tulala pa rin ako hanggang makarating sa bahay. 

A/N: Thank you for reading! The next chapters will a blast. HAHAHAHA (Evil laugh) 

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon