Chapter 28: Destiny

103 16 1
                                    

Paul's POV

Kailanman ay di ko niloko si Lex. Totoong mahal ko siya. Mahal na mahal pero ...

Ilang araw na ngang di bumibisita si Lex mula ng malaman niya na magkapatid kami. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman niya ngayong nalaman niyang magkapatid kami. Marahil galit na kayo sa akin dahil sa nalaman niyo. Masama ba ako kung sasabihin ko na wala kayong karapatan para husgahan ako? Di naman, di ba? Ang totoo po niyan, hindi ko po talaga alam. Hindi ko plinano ang lahat. Sadyang mapaglaro lang ang tadhana at pinaglapit kami ng landas at nahulog ako sa kanya. Wala akong balak na paglaruan ang feelings niya. Lalung-lalong wala akong balak na saktan ang taong pinakaingat-ingatan ko. Kahit ako di makapaniwala sa nalaman ko. Totoo po iyon. Siguro kaya malapit ang loob ko sa kanya kasi .. Tae! Magkapatid pala kami.

Flashback:

Tumakbo si Lex palabas ng kwarto ko. Di ko maintindihan kung bakit pero parang may mali akong ginawa. Tumingin ako kay papa. Parang may dapat akong malaman na hindi niya sinasabi.

"Pa, anong nangyayari?" tanong ko kay papa. Nakaface palm pa rin siya.

"Pa!" sigaw ko.

Di siya tumingin sa akin pero tumingin siya kay mama. Ano ba ang ibig sabihin nito?

"Dear, don't tell me she's your daughter?" tanong ni mama na medyo gulat.

Tumango lang si papa. Shit sabi ko sa isip-isip ko. Kaya pala! Kaya pala ganoon nalang ang reaksyon ni Lex nung makita niya si papa. Kung ako ang nasa kalagayan ni Lex, ganoon rin ang magiging reaksyon ko. Alam kong sobra ang galit niya sa papa niya. Hindi ko alam ang buong istorya pero alam kong kinamumuhian niya iyon dahil iniwan sila nito. Kaya rin siya naging man-hater ng matagal dahil rin sa papa nito na siya rin palang papa ko. Tae talaga! Bakit kailangan pa kasing ang tatay ko pa ang tatay niya! Bwiset!

"Bakit di ko alam na may anak ka pala Pa!" galit na pagkakasabi ko.

Bumabalik sa alaala ko kung gaano kami kaclose ng mama ni Lex yung tipong tinuring ko na rin si Tita na pangalawa kong nanay tapos-. Kaya siguro noong una kong makita si Lex ay magaan na ang loob ko sa kanya kasi magkadugo kami. Pero sana hindi nalang eh, sana hindi nalang kami magkapatid para walang problema. Noong una kong malaman ang katotohanan e di ko talaga matanggap pero kailangan e. Masaya na rin ako at nakilala ko si Lex, kahit magkapatid kami.

Ipinaliwanag sa akin ni papa ang lahat. Alam pala ni mama ang lahat ng mga ito maliban lang kung sino ang anak ni papa kay Aling Bernadette. Wala naman na akong magagawa kasi nangyari na ang lahat. Hindi ko na maibabalik ang panahon. Ang tanging magagawa ko nalang ay mabuhay sa kasalukuyan at sulitin ang nalalabi kong araw sa mundo.

<End of the Flashback>

Ikwenento ko kay David ang buong nangyari pati na rin ang katotohanan na itinago sa akin ng aking mga magulang.

"Tol, hindi ko talaga intensyon ang saktan si Lex! Hindi ko plinano lahat. Hindi lang siya ang nagulat sa pangyayari, kahit ako! Wala akong kamalay-malay na magkapatid kami. Kung sa tingin niya ay may nagawa akong kasalanan, handa akong humingi ng tawad. Dre, kakaunti nalang ang araw ko para maipakita sa kanya na masaya ako na kapatid ko siya. Gusto ko sulitin ang natitira kong oras na kasama ang pamilya ko at kabilang siya doon. Dre, tulungan mo ako. Kausapin mo naman siya oh. Ipaintindi mo naman sa kanya ang lahat. Please!"

"Tol, mahirap ata yung gusto mo. Hindi lang siya galit sayo! Galit siya sa mundo tol! Kung alam mo lang kung gaano siya nasaktan. Pero para sa'yo tol, sige susubukan ko." sabi ni David.

"Salamat tol. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Siguro kong nalaman ko ng maaga na magkapatid kami, hindi na ako manggugulo sa kanya. Siguro masaya na sila ni David ngayon. Siguro hindi na siya mahihirapan sa sitwasyon ngayon. At kung nalaman ko lang ng mas maaga, ako na mismo ang magsasabi sa kanya. Wala naman kasi akong karapatan na linlangin pa siya. Ano bang makukuha ko kung paniwalain ko pa siya sa isang kasinungalingan, di ba? Totoong mahirap tanggapin na may kapatid ka sa iba pero ano pa bang magagawa natin doon? Nangyare na eh. Atsaka, hindi na rin siguro ako magrereklamo lalo na't isa namang mabait at mabuting tao ang magiging kapatid ko. Swerte ko pa nga kasi siya ang kapatid ko eh. Masaya ako na nakilala ko siya kahit ilang saglit lang.

Ang masaklap nga lang pinagtagpo kami ng tadhana sa maling paraan. Ayan tuloy hindi maganda ang kinalabasan ng pagtatagpo namin. Kung maaari lang siguro hilingin sa Diyos na burahin niya yung kwento tungkol sa amin at palitan ng magandang istorya. Yung tipong sana pinaglapit na lang kami at nalaman na agad namin na magkapatid kami para walang problema o kaya naman sana di nalang kami magkapatid para happy ending na pero wala e. Naisulat na ng Diyos kung ano na ang nakatadhana sa atin. Nasa atin nalang iyon kung tatanggapin nalang natin o gagawin ang kabaliktaran.

David's POV

Kung hindi ako naglakas loob na kausapin si Paul siguro hanggang ngayon ay hindi ko malalaman ang totoo. Tang ina! Sisisihin ko talaga ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya ng di ko nalalaman. Kahit na nagalit ako sa kanya noon dahil parehas kami napupusuan, hindi ko pa rin maiitatanggi na nag-aalala ako sa kanya. Para ko na siyang kapatid kaya handa akong gawin lahat para sa kanya. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi tulad nga ng pagkakakilala ko sa kanya, hindi niya pinabayaan si Lex at totoo talaga ang pinakita niya noon sa kanya.

"Dave!"

Si Princess pala.

"Bakit Princess?" tanong ko sa kanya. Mukha kasi siyang nagmamadali at may mahalagang sasabihin eh.

"Si Lex -."

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon