Chapter 10: I am damn serious!

179 27 12
                                    

Lex Pov

Umalis na kaninang umaga si Trish. Di na rin ako nakatanggi sa kanila nila ni David. No choice eh. Wala naman na talaga akong close friends sa mga kaklase ko atsaka maganda yung offer ni David na tuturuan niya ako sa accounting at ibang subject na nahihirapan ako.

*beep beep

May nagtext. Sino kaya 'to?

From: DarkDemon18

(DarkDemon18-> Paul)

Hi! Musta? Pasukan na sa Monday. Kita naman  tayo oh. :)

To: DarkDemon18

Ayoko!

Fr: DarkDemon18

Awts. Punta nalang ako sa bahay niyo?

To: DarkDemon18

Utot! Di mo naman alam bahay namin eh.

Fr: DarkDemon18

Alam ko kaya :P

To: DarkDemon18

Asa! Sino niloko mo? Ge. Tulog muna ako.

Paul's POV

Tinulugan ako -____- Totoo naman eh, alam ko kaya bahay nila. Sinearch ko sa FB niya pero wala. Kaya before magsembreak, may isang araw na sinundan ko siya. Naisip ko kasi na kapag totoo na talaga 'tong nararamdaman ko, gusto ko sa bahay nila ko siya liligawan.

#5 Isang pagpapatunay na seryoso ang lalaki kung liligawan niya ang babae sa mismong bahay nila. Ito ay pagpapakita ng respeto sa babae at sa magulang niya

'Oy. Bakit ang porma mo ata ngayon JP?' Bigla-bigla nalang sumusulpot tong si David.

'Ah. Eh, may pupuntahan ako.' Nauutal kong sabi.

'Sama ako dre! Saan ba 'yan?'

'Sorry dude! Official business to eh. Next time nalang!' Pagkumbinsi ko sa kanya para di sumama.

'Okay. Ingat ka nalang dre!'

Buti nalang madaling kausap tong si David. Pinaandar ko na yung motor ko tapos pumunta na sa bahay nila Lex.

Aling Bernadette's POV

(Mama ni Lex)

Ding .. Dong ..

Sino kaya 'to? Imposible namang si Trish kasi umalis na siya. Agad-agad akong binuksan yung pintuan. Pagkabukas ko, nagulat ako dahil isang lalaking nilalang ang sinugo ng Diyos. Himalaaaaaaaaaaaa!

'Hello po tita!' Napakasoothing ng boses ng lalaking to. Sino ba 'to at sino ang hinahanap nito? Mukhang nagkamali ng pinuntahan eh

'Sino ba ang kailangan mo iho?' Tanong ko sa kanya. Wala talaga akong idea kung sino ang hinahanap nito.

'Andito po ba si Lex?' Nagulat ako ng marinig ko na ang hinahanap niya ay ang barako ngunit maganda kong anak.

'Ah. Nasa taas. Pasok ka muna. Kaklase ka ba niya?'

'Ay, hindi po.'

Hindi daw? Eh ano yung pakay niya sa anak ko? Baka isa ito sa mga nasapak ng anak ko. O kaya naman baka may utang yung anak ko sa kanya. Hays. Lex talaga oh.

'Ano palang Kailangan mo sa anak ko?'

Lex's POV

'Leeeeeex! Gising! Leex! Anak, gising na!'

Tae! Tanghaling tapat. Ma naman! Wala namang pasok ah.

'Ma, walang pasok ngayon!' Sigaw ko.

Putak pa rin siya ng putak. 'Gumising ka na dali! Bumangon ka na diyan!'

'Opo!' Sigaw ko pero nakapikit pa rin ako tapos niyakap ko ng mahigpit yung unan ko para makatulog ulit.

'Leeeex! Ano ba? May bisita ka!'

Bisita? Pinagloloko ba ako ni mama? Si Trish lang naman yung bumibisita sa akin. Bigla akong kinabahan. Naalala ko yung last convo namin ni Paul. Pero baka joke lang talaga ni mama yon para bumaba ako.

Bumaba na nga ako kahit gulo-gulo na ang buhok ko. 'Ma, ano na naman ang trip mo? Kung may iuutos ka, di mo na kailangan gumawa ng kwento.' sabi ko habang bumababa ng hagdan sabay kamot sa ulo ko at tanggal sa muta.

'Hi Lex!' boses ng lalaki sa sofa. What the -_________-"

Dali-dali akong tumakbo paakyat. 'Ma, bakit di mo sinabi na totoong may bisita? -__-"

Bumaba ako ng kunti tapos yumuko para makita ulit si Paul.

'Hoy ipis! Bakit ka nandito? Atsaka paano mo nalaman yung bahay namin? Umalis ka na nga!'

'Anak! Wag kang bastos. Bakit mo pinapaalis ang bisita mo?' sabat ni mama.

'Maaah ! !'

'Maligo ka na. Mag-ayos! Nagpaalam na sa akin ang kaibigan mo na lalabas kayo.' Sabi ni mama.

'Ha?' Pagtataka ko. Shems. Don't tell me pumayag ka ma. -__-"

'Di po ako aalis ng bahay!' Sagot ko.

'Ayos lang po ba tita kung dito nalang kami ng anak niyo? Di nalang po kami lalabas. Mukhang tinatamad na naman siya eh.' narinig ko na sabi ni Paul kay mama na mukhang seryoso.

A/N: Thank you for reading my story.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon