Chapter 6: Hanggang text nalang ba?

276 29 6
                                    

David's POV

Shet! Makalimutan ko na ngayon yung play nila Lex! Ang busy kasi ng araw na 'to eh. Di ko nga rin nakita si Paul. Mukhang di naman niya pinanuod yung play. Everytime na may event, lagi yung nasa computer shop. Mas pipiliin pa nung maglaro kaysa umattend sa mga events o program.

Aaminin ko na! Kaming mga lalaki, mas pipiliin pa naming maglaro ng DOTA o iba pang online games kaysa pag-aksayahan ng oras ang mga ganung bagay. Kaya maswerte ang mga babae kapag prinaioritize sila ng mga boys kaysa sa online games o barkada.

Wait! Matawagan nga si Lex.

(Ringtone)

L: HELLO!

D: Hi Lex! Ku ..

End call.

What the! Ano bang naiisip ng babaeng to.

1 message from Alexandra

'Anong kailangan mo?'

D: Gusto lang kitang kumustahin.

Send.

A: okay lang ako. Ayon lang ba? Inaantok na ako!

D: (Ang aga naman niyang matulog) OK. Goodnight! :)

2 minutes left.

D: tulog ka na?

A: ano pa bang kailangan mo?

D: Di ka pa pala tulog. Text muna tayo!

A: ayoko!

D: Alam mo para kang tae!

A: what the! Tae?

Alam ko na 'yon talaga ang magiging reaksyon niya. Ito lang ang alam kong paraan para makausap siya ng matagal eh.

D: Oo, Tae :)

A: tss.Wala akong time makipagbiruan dre.

D: hahaha. You know why? Kasi you 'stool' my heart!

*stool -> stole

A: alam mo Tae ka rin!

D: yun oh. At bakit naman?

A: Ang sarap mong iflush sa inidoro. Hahaha

Hahaha. Bakit ba ako nag-expect na sweet rin na pick up yung ibabalik niya sa akin -___- hays

D: k.

A: Hahahahahahahaha

43 minutes left

Lex's POV

Tss. Nakakainis! Ewan ko ba kung bakit ako naghihintay ng reply nung lalaking 'yon! Pero parang naoffend ko ata siya dun sa text ko. Hmmp. Itext ko kaya? Baka naman isipin nun na may gusto ako sa kanya. O kaya naman baka talagang plano niya talaga to. Pero di eh. Lampas 30 mins. na. Magsorry kaya ako? Magmumukha naman akong weak pag ganun. Ano bang gagawin ko?

Typing ..

Oy.

Delete. Delete. Masyadong maikli.

Typing ..

'Gising ka pa?

Delete. Delete.

'Sorry

Delete. Delete.

Retyping ...

'Sorry. I didn't mean it.

Send.

As I expected, he reply smiley.

Oct. 03

Hays. Mukhang busy si Trish ngayon sa pag-entertain ng boyfriend niya. Wait! Baka iba yung iniisip niyo ha. Wag ganun. Mabait na bata yung best friend ko. Kababalik lang kasi ni Xander galing states kaya hinayaan ko munang magsama yung dalawa. Si Xander yung boyfriend niya. Isang taon yung agwat nila. Long distance relationship sila pero nag-uusap naman sila sa FB o sa Skype. Wala akong tiwala kay Xander lalo na't di sila masyadong nagkikita. Mamaya lumalandi na pala siya sa iba. Subukan lang niyang paiyakin Ang best friend ko at ako mismo ang bubugbog sa kanya.

Half-British. Half-Filipino si Xander. Gusto niyo malaman ang love story nila? Mahabang kwento pero sobrang exciting. May pagshonga-shonga kasi yung best friend ko eh. Kung gusto niyong malaman, sabihin niyo kay Ms. Author na ilabas na yung story nila.

Since wala si Trish at mamaya pang 2:30 ang klase ko. Minabuti ko nalang na tumambay sa library. Akala niyo siguro accounting books o marketing textbook ang babasahin ko 'no? Haha. Di po ako kasing sipag ng inaakala niyo pero di po ako b*b*. Mabilis lang po talaga akong matuto kaya minsan isang basahan o turo lang e nagegets ko na.

Nilabas ko na yung manga ko. May bagong release kasi ng "Tokyo Ghoul" kaya bumili agad ako. Mga 15 minutes lang 'to sa akin.

'What?' Napalakas na sabi ko. Nabitin kasi ako sa binabasa ko.

'Pssssh!' Saway sa akin ng librarian.

Tumungo nalang ako. Tss. Nakakahiya! Sinubsob ko yung ulo ko sa manga sa lamesa. Hays. Maghihintay na naman ako ng matagal para sa next release.

Nagulat ako ng biglang parang may tumabi sa akin. Narinig ko lang yung ingay ng paghila ng upuan. Di ko pa nakikita kung sino kasi nga nakapikit ako. Pagmulat ko biglang bumulaga ang mukha ni David.

'Ikaw?' Napalakas ko ulit yung sabi ko kaya tinakpan ko agad yung bibig ko.

Tinignan ko yung librarian tapos nakita ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman siyang sumenyas ng 'wag maingay!'

Tapos may dumating na grupo ng mga lalaki. Ewan ko pero papunta sila dito. Anong meron? Dito ba talaga sa direksyon ko sila papunta? Bakit andito si David?

'Hey, David!' Sabi nung mukhang lider nila.

Tumayo si David tapos nag-appear sila. Yung tipong magtropa na ngayon lang nagkita.

Tapos biglang tumingin yung isang lalaki na may eyeglasses sa akin tapos ngumiti ng nakakaloko. Yung tipong may binabalak ng masama. Problema nito?

'Hoy, David? Girlfriend mo?' Tanong nung nakasalamin na lalaki.

Di umimik si David pero seryoso yung mukha niya.

'Oy. Siguro hindi 'no?' Sabat nung mataba sa kanila. 'Pakilala mo na sa amin!'

Magsasalita na sana si David pero inunahan ko na siya. 'Pwede ba! Di kami magboyfriend. Di nga kami magkaibigan, boyfriend pa nga! Umalis na nga kayo dito. Nagbabasa ako!'

Di naman ganoon kalakas yung boses ko pero dahil tahimik ang lugar, rinig na rinig kami.

'Miss. Kanina ka pa! Kindly please go outside at doon kayo mag-usap ng mga kaibigan mo!' Sabi nung librarian.

Shet. Napagalitan tuloy. And correction Ms. Librarian, di ko sila kaibigan.

Kinuha ko na yung mga gamit ko tapos lumabas pero habang naglalakad eh tinititigan ko sila ng masama.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon