Chapter 27: The end is near!

109 18 2
                                    

David's POV:

Di ako makapaniwala sa narinig ko galing sa mga bibig ni Lex. Joke lang ba lahat ng narinig ko? O totoo bang magkapatid sila ni Paul? Paano nangyari 'yon? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa inihayag ni Lex. Sa totoo lang di ko alam ang dapat kung maramdaman. Dapat ba akong matuwa dahil magkapatid sila? Hindi eh, hindi ako makasarili para maging masaya habang ang taong mahal ko ay nasasaktan at nagdurusa. Dapat ba akong magalit kay Paul? Totoo ba talaga na plano lang lahat iyon? Pero hindi naman iyon ang nakita ko nung magkasama sila. Siguro ang dapat kong maramdaman ngayon ay maawa kay Lex dahil siya talaga ang nahihirapan. Siguro dapat ngayon ay nasa tabi ako ni Lex para damayan siya. Pero paano? Simula ng malaman niya 'yon, bumalik ang dating Lex. Yung babaeng mailap sa lalaki. Yung totoo niyan, hindi na rin siya nakikipag-usap sa iba. Kahit nga sa mga babae eh. Wala na siyang pinagkakatiwalaan ngayon. Tatlong araw na siyang lumiliban sa klase.

Bumibisita ako tuwing pagkatapos ng klase pero laging sarado ang bahay nila. Kumakatok ako at ang bumubungad palagi sa akin ang kanyang ina. Laging sinasabi ni Tita na ayaw daw ni Lex ng kausap. Di daw siya lumalabas ng kwarto niya. Kumakain lang daw siya kapag gusto niya pero karaniwan daw na umiiyak lang ito sa kwarto niya.

Ngayon, napagpasiyahan ko na na alamin ang lahat. Ano ba ang totoo? Gusto kong malinawagan. Gusto ko ng matapos ang paghihirap ni Lex. Kung totoo man lahat ng sinasabi ni Lex, di ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo ni Paul. Tang ina niya! Pinagkatiwala ko ang taong mahal ko sa kanya tapos gagaguhin niya lang?

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Paul ay bumungad sa akin ang mga pulang mata nila tito at tita. Lumapit sa akin si Macey tapos niyakap ako.

"Kuya Dave, si Kuya -" humagolgol si Macey.

Ano bang nangyayari dito? Oo nga pala, hindi ko nga pala alam ang tunay na kalagayan ni Paul kasi noong last na dapat bibisita ako sa kanya, ay ang araw ng makita ko si Lex na umiiyak.

Tumingin ako sa direksyon ni Paul. Di ko inaasahan ang bubungad sa akin. Di ko na napigilan ang luha ko. Nawala bigla yung galit ko sa kanya. Ang makita ang bestfriend mo sa kalagayan na 'yon? Takte! Anong nangyari sa kanya? Gusto ko siyang suntukin ngayon, hindi dahil sa galit ako sa kanya dahil sa planong sinasabi ni Lex kundi dahil naiinis ako sa kanya dahil pinabayaan niya ang kanyang sarili.

"Dave!" tumingin siya sa akin at ngumiti ng pilit. Tang ina! Nagagawa pa niyang ngumiti? Tinignan ko siya ng galit.

"Tito, ta, ano pong sakit ni Paul?" diretso kong tanong sa kanila.

Lalong humagolgol si Tita. Pinapatahan naman ni Tito si Tita.

Kahit hindi nila sabihin sa akin, parang alam ko na na delikado ang lagay ni Paul. Sa pangangatawan palang niya ay halata na nahihirapan na siya. Ramdam ko na rin na hirap siyang huminga.

"Tito? Tita?" tanong ko ulit sa kanila. Gusto ko pa rin malaman ang sakit niya.

"Meron siyang Leukemia Dave. Stage 4," pahikbing sabi ni Tita. "Masama ba kaming magulang? Hindi namin siya naalagaan. Matagal na pala niyang iniinda ang sakit na 'to."

"M-ma."

"Bakit di mo sa akin sinabi Paul?" tanong ko sa kanya ng di tumitingin sa mata niya.

Di siya sumagot.

"David, maikli nalang ang natitirang panahon ni Paul. Di siya nag-uundergo ng chemo at iba pang treatment. Siya mismo ang nagsabi na wag na. Na tama na! Sabi niya, naging masaya naman daw siya sa buhay niya. Salamat daw sa inyong mga kaibigan niya na hindi siya iniwan sa oras na wala kami. Pero may huli siyang pakiusap. Gusto niyang makita si Lex sa huling pagkakataon." sabi ni Tito.

Medyo nag-init ang ulo ko.

"Tss. Susuko ka nalang ng di pa sinusubukan ang isang bagay? Paano kung pwede pa palang humaba ang buhay mo? Mag-isip ka nga Paul?" pasigaw kung sabi sa kanya. Ngayon nakatingin na ako sa kanyang mga mata. Naglalamlam na ang kanyang mga mata. Di siya umiiyak pero alam kong umiiyak siya sa loob-loob niya.

"Atsaka, paano mo makikita si Lex? Gago ka ba? Di ka ba talaga nag-iisip? Sa tingin mo ba gusto ka pa niyang makita matapos mo siyang lokohin ha?"

"Kailanman di ko siya niloko Dave. Di ko magagawa 'yon!" mahinang ani ni Paul.

"Totoo ang sinasabi niya Dave." sabi Tito.

A/N: Sorry late update! Thanks for reading :)



Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon