Chapter 7: Rivalry

274 28 6
                                    

David's POV

Shet. Nawala yung diskarte ko! Grabe naman kasi tong tropa ko. Sakto pa naman kung kailan ako magmomove doon sila pumasok sa eksena.

Lumabas na nga kami ng library dahil pinagalitan kami. Loko-loko kasi sila eh!

'T*ng *n* naman mga pare! Wrong timing naman kayo eh.'

'Pinagsasabi mo?' Sabi ni Migi. Yung pinakalider ng tropa namin. Actually, kasama sa tropa namin si Paul.

'Pare, popormahan ko na sana eh!'

'Aray!' Binatokan ako ni Migi.

'Para saan 'yon?' Tanong ko habang kinakapa yung binatokan niya.

'lalaki ka ba?' Nagulat ako sa tanong ni Migi. 'Para kang bakla! Wala kang lakas ng loob ipakilala sa amin yung popormahan mo. Kung gusto mo talaga siya bakit di mo pinangalandakan sa amin na gusto mo siya.'

'Ang hina mo tsong!' Sabay ni Jayson, yung nakaeyeglasses sa tropa namin.

Ano bang pinagsasabi nila? Ano bang alam nila sa panliligaw? O sa pag-ibig? Tss.

'Alam ko na yang iniisip mo dre. Anong akala mo sa amin? Marunong din kaming umibig. Kahit gaano kami kaloko-loko. Minsan yung pag kaloko-loko pa nga namin yung ginagamit namin para mapansin kami ng taong mahal namin eh.' Nagulat ako sa sinabi ni Gab, yung pinakaloko-loko sa amin pero siya yung pinakamalalim sa amin.

'Sh*t nagsalita na naman si Gab!' Sabi ni Migi. 'Don't worry David tutulungan ka namin. Hahaha.' Dagdag nito.

Di ko sila maintindihan. Ano bang nakain nila? At paano nila ako tutulungan?

Lex's POV

Ang bilis ng araw. Feeling ko mukhang mabibitin pa ata yung sembreak namin. November na naman. And as usual, may Halloween party.

So, ito ako ngayon nakasuot ng black robe. Tapos nagwig ng white hair. Tapos minake-upan ako ni Trish. Nilagyan niya ng mga sugat at dugo ang mukha ko.

Habang siya naman ay nakawhite dress at may pakpak na tila anghel. Si Xander naman ay nakadevil attire. Si mama naman ay nakared gown. Parang demon ang peg niya. Oha! Wag ka! Matanda man o bata, kasali sa party at dapat magcustome.

Nasa kalagitnaan ng party ay biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext. Sino naman kaya 'to?

Pagkakita ko, si David pala yung nagtext. Naging close kami ni David sa text. I mean sa text lang kami nag-uusap. Naiinis pa rin ako sa kanya pero wala e, bored ako kaya nirereplyan ko nalang siya. Almost a month na rin akong di nagbukas ng Facebook at naglaro ng DOTA. Atsaka okay lang naman na replyan siya kasi sa text, there is no emotions attached on it. At halos lahat ng pinag-uusapan namin e about accounting o kaya principles of life. Kung ano yung purpose natin sa mundo, mga ganoong topic. Kaya natuto ako sa kanya. Kapag iniiba niya yung topic, tinutulugan ko siya.

'Happy Halloween!' Text niya.

To: DavidPangit

'Happy Halloween rin!'

Send...

'Gawa?'

To: DavidPangit

'May party dito sa amin!'

Send..

'You're swear costumes?'

To: DavidPangit

'Oo, bakit?'

Send.

'Wala lang! Ikaw na siguro yung pinakamagandang multi o aswang sa buong mundo. '

May biglang tumawag. Unknown. Sino kaya 'to?

'Hello. Sino to?'

'Awts. Ang sakit naman! Nakalimutan na agad ako ng prinsesa ko.'

Binabaan ko na siya. Alam kong di ako nagkakamali. Si Paul 'yon. Wait? Paano niya nakuha number ko? Imba!

Binasa ko na yung message ni David sa akin. Di ko kasi nabasa ng maayos kanina.

Di ko na siya nireplyan pagkabasa ko. Nonsense rin kung papatulan ko pa yung kumag na 'yon.

Paul's POV

Hmmp. Ang suplada talaga nung babaeng 'yon oh. Ewan ko ba kung bakit kahit ganun siya eh di siya maalis sa isip ko?

Ilang araw ko siyang di nakikita o nakakausap. Di na siya nagfFB tapos busy naman sa school. Minsan tinitignan ko nalang siya sa malayuan. Sinusulyapan kung baga.

Aaminin ko, pinagtritripan ko lang talaga siya nung una kaso t*ng *n*! Parang ako yung natrap sa pantritrip ko. Ayan tuloy, ni walang gabi na di ko siya iniisip.

Isang araw hiniram ko yung cellphone ni David. Nakita ko na nagkakatext sila. Di ko alam kung bakit pero kinuha ko yung number ni Lex. Naiinis ako sa sarili ko. Alam kong mali pero bwiset, gusto ko na ata talaga siya.

Paano kung dumating ka rin sa puntong 'to? Yung tipong parehas kayo ng gusto ng best friend mo? Anong gagawin mo? Shet. Naguiguilty ako. Oo, pinahahalagahan ko yung pagkakaibigan namin pero nangangahulugan ba 'yon na dapat di ko na subukan na ipakita kay Lex na gusto ko siya?

'Paul, napapadalas ata ang pagiging bangag natin ha.' Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Si David pala. Kasalukuyan kaming nasa comp shop.

'Ha?'

'Sabi ko kanina ka pa tulala diyan! Ano ba ang iniisip mo?' Di ko alam ang isasagot ko. Tumingin ako sa monitor ng PC at di umimik.

'Nga pala, nakatext ko si Lex kanina kaso di na nagreply nung tinext ko na siya na siguro ang pinakamagandang aswang sa mundo. Nagalit ata!'

Nainis ako nung sinabi niya 'yon! Naiinis ako dahil baka masira yung pagkakaibigan namin dahil sa isang babae. Naiinis ako dahil baka maunahan niya ako kay Lex pero biglang may nagsabi sa akin na wala akong karapatang mainis dahil sa umpisa palang, alam ko na si David ang nauna kaysa sa akin. Na siya ang may karapatan magalit dahil ako itong t*ng* na umiibig sa babaeng gusto niya.

'Don't be interested to her dre!' Di ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang 'yon. Bigla-bigla nalang lumabas sa bibig ko.

Napansin kong nabigla si David.

'What do you mean dre?' Tanong nito. Iba na yung tono ng pananalita niya.

'Hahahaha' tumawa nalang ako ng malakas at pabirong sinabi sa kanya 'Hahaha. Mas barako pa sa'yo tignan 'yon eh. Mahihirapan ka dre. Marami pa naman diyang mas interesting na babae' gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Kasi para sa akin si Lex na ang pinakainteresting na babae sa buhay ko.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon