Chapter 31: Is it the end?

75 13 0
                                    


Paul's POV


Pinipilit ko pa ring tumawa kahit alam ko sa sarili ko na wala na. Siguro hinanda talaga ako ng Diyos para sa araw na ito. May mga taong hindi naaappreciate ang halaga ng kanilang buhay sa mundo. Laging nagtatanong kong bakit ganoon ang nangyayare sa buhay nila. Laging nagagalit sa Diyos sa tuwing nakakaranas ng kalungkutan at kahirapan. Nagtataka ako sa mga taong ito kasi wala silang alam kundi ang magalit at kamuhian ang Diyos imbes na magpasalamat sa ipinahiram nitong buhay sa kanila. Na naranasan nilang mabuhay sa napakagandang mundo na kahit napakagulo at kumplikado ay pwede mong gawing simple ang pamumuhay mo kung saan makakapulot ka ng aral, magkakaroon ka ng maraming kaibigan at magiging masaya ka. Hindi man ito ang pinapangarap natin na buhay o mundo, pero ito ang buhay na nababagay sa atin.




Lex's POV


Ilang minuto lang akong umidlip e nawala na si David. May nakita akong sobre sa mesa kaya kinuha ko ito baka kasi galing ito kay David.


Tinignan ko ang liham na nakasulat. Di ko inaasahan na ganito kahaba ang nakasulat. Tinignan ko agad ang dulo nito para malaman kung kanino galing ang sulat na 'to. Galing kay Paul?



Dear Lex,


Una, gusto ko sanang magsorry. Kung nalaman ko lang siguro ang lahat ng mas maaga, siguro hindi magkakaganito ang lahat. Siguro di ka masasaktan ng ganito. Sorry. Pero gusto kong malaman mo na lahat ng pinakita ko noon ay totoo. Walang halong biro ang lahat ng mga 'yon. Totoong minahal kita. Totoo 'yon. Kahit ngayon na nalaman ko na kapatid kita, mahal pa rin kita. Siguro dahil na rin sa magkaptid tayo ay hindi na pwede yung tulad ng dati pero kahit ganoon natutuwa pa rin ako kasi pwede pa rin naman kitang mahalin. Pwede pa rin kitang alagaan.


Sana maaga ko na laman na kapatid kita, hindi ngayon na mahina na ako. Na di na kita kayang protektahan. Sorry rin pala kung hindi ko pinaalam sayo ang kararamdaman ko. Ayoko lang na mag-alala ka sa akin noon. Ayoko rin na kaawaan mo ako.


Lex, siguro pag nabasa mo na ito, nanghihina na ako kaya gusto kong sabihin sayo na gusto kitang maging masaya. Sana pag wala na ako, wag mong kalilimutan na maging matatag at hayaan mo sana ang iyong sarili na buksan ulit ang puso sa iba. Gusto kong maging masaya ka. Gusto ko bago ako mawala sa mundong ito, mapasaya ko naman ang kapatid ko. Gusto kong makabawi sayo para na rin siguro sa sakit na naramdaman mo noong panahon akala mong pinabayaan ka ni papa. Walang ama ang kayang iwan ang kanyang anak ng walang dahilan Lex. Mahal ka ni papa Lex. Nakikita ko 'yon sa kanyang mga mata.


P.S. Lex, wag mo sanang pababayaan ang bestfriend ko. Ugok man yan pero seryoso yan magmahal.

Love, Paul


Dali-dali kong tinanggal ang suwero na nakakabit sa akin. Ininda ko nalang ang sakit at agad tumakbo palabas ng kwarto. Nakasalubong ko ang isang nurse at pilit niya akong pinababalik sa kwarto ko.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon