Tears from the sky!

59 3 3
                                    


LEX's POV

Kasalukuyan akong nandito sa library ngayon, may hinahanap kasi akong libro para sa project namin. Atsaka, hinahanap ko rin yung libro ni Jeffery Deaver na Mistress of Justice na nakita ko noong isang araw dito. Tinago ko 'yon para walang makakita eh kaso pagbalik ko sa tinaguan ko, wala na. Badtrip! Gusto ko pa naman sanang basahin yon.

Kanina, nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng libro ng biglang napansin ko si Dave na kanina pa tingin ng tingin sa labas. Napadungaw tuloy ako sa bintana. Kaya pala, umuulan na naman. Pagkatapos kong dumungaw, bumalik ako sa pagbabasa noong librong hawak-hawak ko para hanapin yung kailangan kong impormasyon na gagamitin ko sa project namin. Ilang minuto lang ay may narinig na akong nag-"pst". Agad-agad akong lumingon. Si Dave pala. Bakit kaya? Naghandgesture siya na nakaturo sa labas. Noong una hindi ko maintindihan, saka lang nagsink in na ang ibig niyang sabihin ay may pupuntahan siya noong nagsalita siya ng mahina na babalik daw siya. Saan naman kaya siya pupunta? May payong kaya yung mokong na yon?

DAVE's POV

Pinaandar ko agad ang aking motorsiklo at agad-agad ipinaharurot ito papunta sa park na dating tagpuan namin ni Ciara. Lumalakas na ang ulan. Nag-aalala ako kay Ciara, baka kasi nandoon pa siya at naghihintay sa akin. May payong kaya siya? Baka wala. Hindi mahilig magdala ng payong 'yon pero kung meron man, hindi pa rin kakayanin ng payong na yon ang ulan ngayon dahil may kasabay itong hangin. May bagyo ba? Bakit pa kasi siya nag-iisa doon. Atsaka kung gusto niyang makipag-usap sa akin bakit hindi nalang sa school?

Basang-basa na ako sa ulan. Nang makarating ako sa park, agad-agad kong pinatay ang makina ng aking motorsiklo at agad hinanap si Ciara. Wala ng tao sa park maliban doon sa isang babaeng nakaupo sa bench. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit sa kanya. Baliw talaga tong babaeng ito. Hindi nga nagdala ng payong.

"Hoy. Uwi na tayo!" mga salitang binitawan ko matapos ko siyang kalabitin. Nakayuko kasi ito.

Bigla siyang tumingin sa akin at nagulat ako sa tumambad sa akin. Ang kanyang mga matang lumuluha kasabay ang pagluha ng kalangitan.

Pinilit ko ang sarili kong magbigay ng pekeng tawa sabay sabi ng mga salitang ito "Kaya pala umuulan eh, umiiyak ang prinsesa." Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang aking kamay. "Tama na. Halika na, ihahatid na kita sa inyo. Basang-basa ka na oh."

Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw ng mga sandaling iyon. Para bang namiss ko yung mga panahon na ang mga yakap niya ang sumasalubong sa akin kapag katapos ng klase. At ang paghalik ko naman sa noo niya ang kanyang paborito sa lahat ng ginagawa ko sa kanya. Gusto ko man gawin yon ngayon sa kanya pero may mga bagay na pumipigil sa akin. Siguro maganda na rin na hindi ko iparamdam sa kanya na special pa rin siya sa akin para hindi siya umasa na maibabalik pa ang dating kami.

"Dave, ako nalang ulit? Tayo nalang ulit please. Mahal na mahal kita!" Kitang-kita ko sa mata ni Ciara ang sakit na pinagdaraanan niya pero wala akong magawa ngayon kundi ang pag masdan lang siya.

"Ano ba ang dapat kong gawin Dave? Tell me! Handa akong gawin ang lahat para bumawi at maipakita sa'yo na seryoso na ako-" Humahagolgol na pagmamakaawa niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. "Dave, I just need a second chance. Please! Hindi mo na ba ako mahal? O kaya gusto man lang ha?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ang nararamdaman ko pa rin sa kanya ay pagmamahal.

"Dave, please answer me. Tell me? Hindi pa ba ako sapat? May kulang pa ba sa akin?" Hinawakan niya ang aking mukha. Nagtama ang aming mga mata. Gusto ko sabihing sapat na kung anong meron siya. Na wala ng kulang sa kanya pero ayaw lumabas ng mga salitang ito sa bibig ko.

Hinaplos-haplos niya ang aking mukha.

"Dave, hindi na ba ako yung babaeng gusto mo makasama sa pagtanda? Hindi ba nangako tayo sa isa't-isa noon, na kahit hindi ko na matandaan ang pangalan mo, sasamahan mo pa rin ako at magpapakilala ka sa akin ng paulit-ulit? Natatandaan mo pa ba yon? Tapos nangako ako na kahit wala ka ng ngipin, ikikiss pa rin kita. Tapos sabi mo bubuo pa tayo ng isang basketball team tapos lumaki yung mata ko noong pagkasabi mo noon, tapos bigla mong sinabi na joke lang, siyempre sapat na yung tatlo kasi alam mong mahirap magpalaki ng makukulit na chikiting? Ang totoo niyan, ays lang sa akin kung bumuo tayo ng basketball team kasi alam kong magaling yung magiging coach nila." Habang sinasabi ni Ciara ang mga salitang ito, naaalala ko yung mga panahong sinabi namin ito sa isa't-isa. Oo, nangako kami noon. Pero ngayon, hindi ko alam kung mapapanghawakan ko pa ang mga pangakong iyon. Matapos ng ginawa niya at at sa mga nangyare sa buhay ko mula noong nawala siya, sa tingin ko hindi ko na matutupad ang mga iyon.

"Sorry." Kotang-kota na ako sa pagsabi ng salitang ito.

Hinalikan ako ni Ciara. Hindi ko na pigilan ang sarili ko at di namalayang humahalik na ako pabalik sa kanya. Natigilan ako sandali ng maalalang mali ang aking ginagawa.

"Ciara, wait!" Nilayo ko siya ng konti sa akin. "Sorry. Pero may mahal na akong iba at ayaw kitang saktan. Kaya please, palayain mo na ang sarili mo. Baka hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Baka mas makakita ka ng taong mas deserve ang pagmamahal mo. Lalaking hindi mo pagdadalawang-isipan na iwanan. Kasi Ciara, hindi na ako yung Dave na nakilala mo noon. Marami na ang nagbago."

"Si Lex ba ang dahilan? Siya ba?" Medyo pasigaw niyang sabi.

"Oo, Ciara." Ayoko na siyang paasahin pa kaya nararapat lang na sabihin ko na ang totoo.

"Bakit siya? Bakit hindi nalang ako ulit? Bakit?" Napaupo na siya sa sobrang kakaiyak.

"Tama na yan Ciara! Tara na, lumalakas na ang ulan. Baka magkasakit ka pa." Sinubukan ko siyang yayain umuwi na kaso hindi pa rin siya napapagod umiyak hanggang ang mismong katawan na niya ang bumigay.

Bigla nalang siyang nawalan ng malay. Tae! Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ako tatawag ng tulong ngayon? Walang masyadong tao ngayon? Kinakabahan na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabihin niyo nang tanga pero iniwan ko muna siya sa saglit para humanap ng tricycle. Buti nalang may dumaan agad na tricycle. Agad ko itong pinara. Binalikan ko agad si Ciara at agad binuhat papasok dito.

"Kuya, sa malapit na ospital po please."

-----

LEX's POV

Nainip ako sa paghihintay kay Dave sa library kaya tinext ko siya pero hindi ito nagrereply. Napaisip tuloy ako kung saan pumunta iyon. Sabi niya babalikan niya ako eh pero ang tagal naman niya. Hays! Tinext ko yung mga tropa niya. Buti nalang yung isang tropa niya, matino kausap at nalaman ko kung saan ang eksaktong lokasyon niya.

Pumunta ako doon sa park na sinabi ni Eric, tropa ni Dave kahit umuulan. Napag-isip-isip ko kasi na baka walang payong iyong mokong na 'yon. Atsaka, gusto ko sana siyang yayain na kumain sa isang kabubukas na restaurant malapit sa amin eh. Sabi kasi nila masarap at may promo sila. Sayang rin naman kung di namin susubukan yung pinagmamalaki nilang dish.

Nang makarating ako sa park, nabitawan ko agad yung payong na dala-dala ko dahil na rin sa nakita ko. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit tumakbo ako palayo ng makita ko 'yon. 

Bakit nga ba? Wala naman akong karapatang maramdaman itong ganito.

A/N: Guys, ito palang muna. Pero dadagdagan ko po itong chapter na ito. Merry Christmas guys :)



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon