Chapter 24: Afraid!

145 20 3
                                    

Lex's POV

Grabe ang tuwa ko nung makita ko ulit si David kahapon. Akala ko di na kami magkikita. Akala ko di na niya ako papansinin. Ang totoo niyan, namiss ko talaga siya. Di kaya ako sanay na wala siya. Di ba nga since umalis si Trish siya na ang lagi yung kasama ko kaya nakakapanibago nung di kami nagkikita.

Nauna ako umuwi kahapon. Pagbaba ko sa jeep na sinakyan ko eh dumiretso ako sa park na malapit sa paradahan ng sasakyan pero tumigil muna ako at umupo. Gusto ko munang mag-isa. Palaisipan pa rin kasi sa akin kung bakit umiyak yung babaeng nurse doon sa ospital. Sino ba 'yon? Bakit siya umiiyak? Marahil sa kalagayan ni Paul kaya siya napaiyak ng ganoon. Pero sino siya para umiyak ng ganoon? Atsaka, ano ba talaga ang sakit ni Paul. Bakit ayaw niyang sabihin sa akin? Kulang nalang mabaliw ako sa kakaisip kung ano ba talaga yung sakit niya. Ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan.

Kung alam niyo lang kung gaano nagbago ang kanyang pangangatawan. Naiiyak ako sa tuwing nakikita siya. Medyo tumanda na ang kanyang mukha. Pumayat kasi siya. Sa tuwing ngingiti siya, sinusubukan kung di mapaluha at ngumiti nalang sa kanya pabalik.

Natatakot ako. Ayoko ng maiwan ng minamahal sa buhay. Masakit. Di ko na siguro kakayanin.

Iniisip ko ang mga bagay-bagay na ito doon sa park. Di ko namalayang may mga lalaki na pala sa harap ko at biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Pilit nila akong hinihila pero nagpupumiglas ako. Wala na akong lakas sa mga panahong yon. Punong-puno ang isip ko at di ko alam ang gagawin sa pagkakataong iyon. Nagulat ako ng bigla kong nakita si David. Pinagsasapak niya yung mga lalaki pero hinawakan siya sa likod nung isang lalaki. Di siya makawala sa pagkakahawak nito. Pagkakataon iyon ng mga lalaki na bugbugin siya. Naaawa ako habang pinagmamasdan ko siya. Sinubukan kong lumaban pero hinang-hina ako. Gusto kong tulungan si David na medyo duguan na pero wala akong magawa. Naiilagan ako nung lalaking sinusuntok ko tapos bigla niya akong sinampal. Napaupo ako sa lakas ng pagkakasampal niya. Naririnig ko naman si David na sumisigaw. Mukhang nakatakas siya sa pagkakahawak noong lalaki tapos may narinig akong sumigaw na lalaki sa kabilang direksyon. Mukhang matanda yung nagsalita. Nahihilo na talaga ako noong time na 'yon kaya bumagsak ako sa lupa. Di ko man nakikita pero ramdam ko si David yung lumapit at bumuhat sa akin.

Dinala niya ako sa kotse na gamit niya.

"Lex! Lex, are you okay?" Naririnig ko siya pero nanginginig ako sa lamig kaya di ako makasagot.

Kinapa niya yung ulo ko.

"Shit! Nilalagnat ka Lex."

Nararamdaman kong kinakabahan siya. Pilit kong minulat yung mga mata ko at binuka ang bibig para sabihing ayos lang ako.

Nakikita kong natataranta siya.

"Wait. Basa ka baka lalo kang magkaskit."

Tinignan niya isa-isa yung mga lagayan sa kotse. May nakita siyang damit na panlalaki.

"Lex, suotin mo 'to oh." Tumingin siya sa mga mata ko. Ginaw na ginaw na ako kaya kinuha ko yung damit. Tumalikod naman siya agad kaya nagpalit na ako ng damit.

"Salamat."

Humarap na siya sa akin.

"Sige na. Magpahinga ka na. Ihahatid na kita sa inyo."

"Ayos ka lang ba? Basa ka rin. Atsaka, napuruhan ka ata."

"Huhubarin ko nalang tong damit ko at papahinaan ang aircon. Meron namang maliit na tuwalya dito. Wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako. Magpahinga ka na."

Pinikit ko na nga yung mga mata ko.

Pagmulat ko, nasa malabot na kama na ako. Paano ako napunta dito? Anong oras na ba? Tinignan ko yung orasan, 2:34 a.m. na. Pipikit na sana ako ulit pero may nahagip yung mata ko. Anong ginagawa ni David dito?

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon