Chapter 4: Liligawan kita babaeng takot sa ipis!

390 30 12
                                    

Humagalakpak sa tawa si Trish! Hindi makamove on si Trish. Nagkwentuhan sila ni David. Naririnig ko pa nga na sabi ni Trish 'hahaha. Nadali mo best friend ko dun ah. Sabi ko nga sa kanya buti di panty yung sinabi mo.'

Naririnig ko namang tumatawa si David. 'Hahaha. Yon talaga dapat sasabihin ko kaso mukhang tomboy tong best friend mo, baka masapak pa ako.'

'Sinabi mo pa. Ang bitt...' Tinakpan ko yung bibig ni Trish tapos ngumiti ng pilit kay David.

'David, mukhang kung anu-ano na yung nasasabi ng best friend ko kaya una na kami.'

Hinila ko na si Trish. Pumunta kami sa malapit na tambayan. At least dito, malawak tapos halos lahat ay nagrereview kaya TAHIMIK.

'LEXD'SUPERIOR00!! ' nagulat ako ng may sumigaw. Kakasabi ko lang ng tahimik tapos may sisigaw? Imba naman oh. Wait! Si Paul ba yon? Humarap ako sa direksyon nung sumigaw. Shit. Si Paul nga. Ang lakas ng sapak nentong lalaking to ah. Tinignan ko si Trish. Shemay! Nakanganga! Tapos nakangiti. Sigurado ako na kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak nito.

No choice. Pinuntahan ko agad yung lalaking 'yon.

' Takte! Ano bang problema mo?' Medyo mahinang sabi ko. Ayaw ko ngang mag-iskandalo dito.

'Chill ka lang dre.' Sabay ngiti. Yan na naman yung pamatay niyang ngiti. Siguro ang raming nabibiktima ng ngiti nito.

'Kita mo nga naman. Pinagtagpo talaga tayo ni Bro. Hahaha.' Hirit pa nito.

'Pinagtagpo your face! Umalis ka na nga! '

' hahaha. Ang ganda mo naman magalit. Atsaka, bakit ako aalis? Kakarating ko palang eh.' Ngumiti siya lalo. Yung nakakalokong ngiti. 'Atsaka, tambayan ko yung pinagtatambayan niyo nu.'

'So, aalis na kami.' Tumingin ako kay Trish ng "Tara na look" tapos tumingin ulit kay Paul 'nga pala, don't dare to call me using my username again, IPIS!'

OM! Saan nanggaling yung ipis? Ewan. Biglang lumabas sa bibig ko. Siguro kasi para siyang ipis. Pakalat-kalat.

' what did you say?' Sabi niya sabay tawa. 'Akala mo ikaw lang magaling mag-english ha. Hahaha. Anyway, I am not a cockroach. Hahaha. Babaeng takot sa ipis.'

'FYI. Di ako takot sa ipis at lalo na sayo.' Sabay dila. Lumakad na kami ni Trish ng sumigaw ulit siya ng

'Liligawan kita babaeng takot sa ipis.'

Huminto ako at tumingin sa kanya. Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. You're dead ipis! Subukan mong magpakita at titirisin kita ng parang kuto.

'Lex. Let's go? Nakatingin na yung mga tao oh.' Kalabit ni Trish sa akin.

Pagkaalis namin. Mga 5 meter palang eh tili na ng tili si Trish.

'My gosh Lex. You look cute together! Siya yung friend mo sa FB di ba??' Nagtatalon-talon siya sa tuwa sabay hampas sa akin.

'Naku Trish. Tumigil ka nga. Para kang t*nga diyan eh.'

'Aminin mo, ang lakas ng dating niya nu?'

Totoo naman. Ang lakas naman talaga ng dating niya kahit nakaT-shirt lang siya. Pero kabwisit lang. Dalawang paepal ang nakita ko ngayon. Bitter na kung bitter. Parepareho naman sila eh.

'Ewan ko sayo Trish. Wala lang magawa sa buhay yon.'

'Naku Lex! Tama na nga yang pagiging bitter mo sa mga boys. Di lahat ng mga lalaki ay manloloko. Atsaka, do you heard what he said? He is going to court. Omg!'

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon