Chapter 20: Let's unfold it!

146 23 2
                                    

David's POV

New year na! Ang ganda ng mga firework display. Ang ingay pero ang saya. Yung mga bata nagsisitalon. Nakitalon na rin yung matatanda. Baka daw may pag-asa pa silang tumangkad. May ilan sa mga kapitbahay namin na nagvivideoke. May ilan naman na nagpapaputok. Yung karamihan sa tropa ko, naglabas ng kaldero, sandok, planggana at yero. Yun yung ginamit nila. Umiikot sila sa bawat street para mag-ingay. Siyempre kasama ako sa kanila. Di kasi ako pinayagan na pumunta kina Lex. Gusto nila mama at papa na magkakasama kami eh. Pero sabi nila pwede naman akong pumunta after naming salubungin yung bagong taon.

Gustong-gusto ko talagang makasama si Lex sa pagsalubong ng bagong taon. Sabi kasi nila na yung taong kasama mo sa pagsalubong ng New Year ay ang mga tao na makakasama mo buong taon. I want her to be that person. But I want her to be with me not just for a year but for the rest of my life.

23 minutes nalang before mag-one. Siguro naman di pa tulog si Lex. Kinuha ko yung susi sa kwarto ni papa.

"Pa, pahiram muna ng car. May pupuntahan ako." Sigaw ko para marinig ako ni papa na kasama yung kumpadre niya. Nagshoshot sila eh.

"Ingat ka anak." sabi ni mama ng nakangiti.

"Ge ma."

Sumakay na ako sa kotse. Kung iiestimate ko yung time para makarating sa bahay nila. Mga 10 mins andoon na ako. Di naman traffic ngayon.

Pinaharurot ko yung sa sasakyan. Mabilis naman akong nakarating sa bahay nila. 12 mins. Haha. Mali yung estimation ko. Pinarada ko yung kotse sa may bakanteng lote. Medyo malayo pa sa bahay nila.

Excited na talaga akong makita siya. I miss her. Di kasi siya dito nagpasko.

Naglalakad na ako papunta sa kanila. Napatigil ako sa aking nakita. Shit! Totoo ba 'tong nakikita ko? Tang in*!

Ang sakit malaman ng totoo. Hindi. Hindi pala, mas masakit makita ang totoo. Ang saklap mga dre. Pero may mas sasakit pa ba kung di mo malaman na lahat ng pinaniniwalaan mo ay kasinungalingan lang pala.

Di ko na pigilan ang sarili ko.

*Boogsh*

Lex's POV

Natapos na rin ang putukan. Ang saya talaga. Ang rami kong tawa kanina. Adik kasi si Paul eh.

(Flashback)

Sa kwarto

Paul: Hali ka na!

Ako: Anong gagawin natin dito? Di pa tapos yung Bebot! Balik na tayo!

Paul: Gusto mong sumaya New Year mo di ba? Gawin na natin 'to.

Ako: Ha? Pinagsasabi mo?

Paul: Basta pumasok ka nalang! Minsan lang natin to gagawin.

Pagpasok ko sa kwarto, agad siyang nagtanggal ng damit. Habang tinatanggal niya yung damit niya, tinakpan ko yung mata ko.

Paul: Ang OA mo. Nakita mo na tong napakamacho kong katawan ko kanina eh.

Tapos tinanggal na rin niya yung pantalon niya. Shems. Nakaboxer short nalang siya. Ang hot niya. Este anong balak niya?

Tapos lumapit siya sa akin. OMG! Akala ko ba di pa siya ready para dito.

Paul: Hoy! Akin na!

Ako: (nagtataka) Ha?

Paul: Yung dress!

Ako: hahahaha. Magdredress ka?

Paul: Oo nga! Pero dito lang. Para sayo. Magdamit ka rin ng panglalaki para patas.

Ako: Hahahaha. Sure.

Nagbihis na nga siya tapos ako nagbihis na rin. Pinatong ko nalang yung damit ko. Nung makita ko siya, Tae! Hahahaha. ashtig! Ang cute niya. Hahaha. Tawa ako ng tawa kasi as in para siyang babae.

Kinuha ko yung make up kit ni mama sa aparador.

Ako: Hoy! Paul, upo. Dali!

Paul: Anong balak mo sa akin?

Ako: Memake-upan kita! Faster!

Sumunod naman siya tapos minake-upan ko siya. Shet! Nakakainlove tong lalaking to. Kung naging babae lang siguro maraming manliligaw dito.

Paul: Ikaw din.

Tapos minake-upan niya ako. Nilagyan niya ako ng balbas. Hahaha. Gwapo ko! ^______^

Tapos nagpicture kami. Tapos gumawa kami ng video. Hahaha. Siya nagbabakla-bakla. Sumasayaw-sayaw siya ng parang makarena. Tapos ako naman kumanta. You know naman kung gaano ako kasaklap kumanta, di ba? Bale boses lalaki ang peg ko. Basta tawa kami ng tawa hanggang mapagod.

(End of the flashback)

Ngayon, ihahatid ko na si Paul pauwi.

"Salamat Paul. Pinasaya mo ako ng sobra-sobra!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"I am the one who should say that Lex. I'm lucky to spend my New Year's Eve with you." Nilagay niya yung noo niya habang sinasabi ito.

Ang lapit na ng mga mukha namin sa isa't-isa. Konting-konti nalang at. Di na pala konti kasi hinalik na talaga niya ako. Napapikit nalang ako. Tapos di ko namamalayang hinahalikan ko na siya pabalik ng biglang ..

*Boogsh*

Anong ginagawa ni David dito?

"Tang-ina mo pare! Gago ka!" sigaw ni David. Habang si Paul naman ay napaupo sa lakas ng impact ng pagkakasuntok ni David.

Akmang susuntukin ulit  ni David si Paul pero inawat ko na siya.

"Tama na David."

"Sorry Dave." Narinig kong sabi ni Paul.

"Sorry? Tang-in* mo pare! Ginago mo ko. Put*! Pinagkatiwalaan pa naman kita tapos aahasin mo ko! Shit! All this time niloloko mo pala ako. Takte! Paano mo nagawa sa akin to JP" hawak-hawak ko pa rin si David.

Papatayo palang si Paul, nang biglang ..

*Boogsh*

Nakawala si David sa pagkahawak ko.

"Para yan sa panloloko mo sa akin. Gago! Bestfriend pa naman kita!"

"At ito naman sa pag-agaw mo sa kanya!"

*Boogsh*

Napasigaw na ako ng "Tama naaah!".

Mangiyak-ngiyak na ako ng makita kong sobrang bugbog na bugbog na si Paul. Umiyak na ako ng tuluyan dahil nagkakaganyan sila dahil sa akin.

Tumigil naman si David nung sumigaw ako. Tumingin siya sa akin tapos tumingin kay Paul na wala ng malay atsaka lumayo dito.

Nilapitan ko si Paul. Shocks! Wala na siyang malay. Tinapik-tapik ko siya para gisingin kaso di siya nagreresponse.

"David!" Tawag ko kay David sabay tingin sa kanya. "David, di na siya nagre .. response." Nanginginig na sabi ko.

"Tulungan mo ko. Please!" Pagmamakaawa ko.

"Dalhin na natin siya sa ospital." Ramdam ko na umaagos na yung pagpatak nung luha ko.

A/N: Thanks again for reading :)

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon