Chapter 26: Hindi!

109 19 1
                                    

David's POV

Di ko ineexpect na ito ang bubungad sa akin.

Napagpasyahan ko na bisitahin si Paul. Nag-aalala na kasi ako sa kanya eh atsaka nabalitaan ko na dumating na daw sila Tito at Tita.

Papalapit na ako sa room ni Paul ng biglang lumabas si Lex. Nagtataka ako kung bakit siya tumatakbo at umiiyak. Sinaktan ba nila si Lex? Ayaw ba ng family ni Paul Kay Lex? Shit! Ano ba talagang nangyare? Di na ako tumuloy sa kwarto ni Paul. Dali-dali akong tumakbo at hinabol si Lex.

Dito naman ako magaling eh, ang humabol. :(

Hinihingal na ako pero hinahabol ko pa rin siya.

"Leeex!" Sigaw ko. Alam kong narinig niya ako pero di siya lumingon.

Nasa parking lot na kami ng ospital. Di ko alam kung bakit dito siya dinala ng mga paa niya.

Lumapit ako sa kanya.

"Lex, ano bang nangyare?"

"Huwag kang lalapit please! Parang awa mo na," Humahagolgol na si Lex. "Wag mo akong paasahin na may lalaki pa na di manloloko kasi nakakatanga. Shit! All this time akala ko nakahanap na ako ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo. Yung di ako lolokohin."

Habang sinabi ni Lex to, naiisip ko na mayroon namang lalaking handang mahalin siya ng totoo at kailanman ay walang balak na lokohin siya. At AKO 'yon. Kaso alam ko namang si Paul naman talaga ang mahal niya at alam kong di sasaktan ni Paul si Lex. Di siya ganoong tao.

"The heck! Ngayon, I know na this is all just a plan,"

Plan? Ano ba talaga ang nangyare? Anong plano?

"Wait!," lumayo ito sa akin. "Shit! Siguro you're part of it? Siguro plinano niyo talaga 'to no? Ano ha? Plinano niyo?," Dinuduro-duro niya ako.

"Bakit di ka makasagot ha? Kasama ka no? Kasama ka ba?" Sigaw niya habang hinahampas ako.

"Ano bang sinasabi mo Lex?"

"Wag ka ng magmaang-maangan pa David! Kasama ka eh!" Nagwawala na siya.

"Bakit? Ano bang ginawa ko ha? Anong ginawa ko sa kanya? Ang sakit eh. Tang-Ina! Alam na alam niya yung kahinaan ko eh."

Iyak siya ng iyak. Nakaupo na siya sa sahig. Gusto kong lumapit pero alam kong lalo lang siyang magwawala.

"Lex. Tama na! Umuwi na tayo!"

"Tama na? Tama na ha?" Sigaw niya. "Madali lang sabihin yan kasi wala ka sa posisyon ko David. Di mo naiintindihan kasi di ka pa naman nasasaktan!"

Gusto kong sumbatan si Lex. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasaktan. Ilang beses na akong nasaktan. Ilang beses na akong nadurog. Siguro di ko lang napapakita pero Tae nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kasi nakikita kitang nasasaktan.

Nasasaktan ako kasi walang kang ibang bukang bibig kundi si Paul.

Nasasaktan ako kasi pinipilit kong ipinapakita na seryoso ako pero binabalewala mo.

"Nasasaktan rin ako Lex."

Humagolgol ng humagolgol si Lex. Lumapit na ako sa kanya. Napansin ko na nanghihina na siya. Iyak lang siya ng iyak hanggang nakatulog na ito. Binuhat ko siya at isinakay sa kotse ko.

Lex's POV

Ang sakit! Nagmukha akong tanga! So it's just a plan ha! Well, he won. They won. Minahal ko siya eh. Nagpaloko ako.

The mere fact na pinaibig niya ako. Pinaniwala na di siya tulad ng inaakala ko. Sabihin sa harap ko na mahal niya ako at walang makapagpipigil ng pagmamahalan namin. Shit! Kasinungalingan.

Pero di ko pa rin lubos maisip na magagawa niya iyon sa akin. Everytime na pinapakita niya na mahal niya ako, yung effort, pag-aalaga at pag-aalala niya, lahat 'yon ramdam ko na totoo. Kaya masakit malaman na it's just a plan.

Siguro kasabwat niya si papa. Este yung lalaking 'yon. Siguro inutusan niya si Paul na gawin yung bagay na 'yon. Tinuruan niya siguro kong paano mambola, magpaasa at manakit na tao.

Actually, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung nagagalit ako sa kanya kasi pinaniwala niya ako na totoo yung mga pinapakita niya o nasasaktan ako kasi ang tatay niya ay ang tatay ko. Na magkapatid kami. Na yung nanay niya na sobrang bait sa akin ay ang babaeng umagaw sa tatay ko kay mama. O nagagalit pa rin ako sa ta -- sa lalaking 'yon kasi ang saya-saya niya kasama ang ibang pamilya pero kami iniwan at hinahayaan nalang niya basta-basta. Hindi ko na alam kung ano ang rason ko kaya sumabog na ako.

Naiinis rin ako sa sarili ko kasi di ko maamin na matagal na akong namamalimos ng pagmamahal ng ama. Na kaya ko sinusubukan na wag magpakita ng kahinaan kasi takot na takot akong masaktan. Na kaya asal lalaki ako kasi ayaw kong makita nila na lampa-lampa ako. Binago ko ang sarili ko kahit di ako masaya sa ginagawa ko kasi ayaw kung kaawaan ng iba.

Minulat ko ang aking mata. Nasa sofa ako ngayon ng bahay namin. Nilibot ng aking mga mata ang buong sulok ng bahay. Nakita kong may kausap si Mama. Si David.

Napatigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin.

"Anak, ayos ka lang ba? Sabi ni David nakita ka niyang tumatakbo palabas ng kwarto ni Paul habang umiiyak. Ano bang nangyare?"

Humagolgol ulit ako sa iyak. Ang totoo niyan. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak pero di ko pa rin mapigilan eh.

"Ma, niloko niya ako. Sa simula palang pala e alam na niya na magkapatid kami."

Ngayon alam ko na ang rason kung bakit talaga ako umiiyak. Oo, di ako makapaniwala na yung taong mahal ko ay pinaglaruan ako. Umiiyak ako dahil hinayaan ko ang sarili kong durugin ng isang lalaki. Siguro kung pinanatili ko yung paniniwala ko na walang lalaking di manloloko, di ko siya hinayaang pumasok nalang basta-basta sa buhay ko.

Nagulat ako sa expression ng mukha ni David. Di siya makapaniwala sa narinig niya. Ibig sabihin ba nito na di niya alam yung totoo? Na di siya kasama sa planong ito?

"A.. nong sinasabi mo na magkapatid kayo? Paano nangyare 'yon?" Tanong ni David.

"So di ka talaga kasama sa pagplaplano nila? Sorry kung hinusgahan kita kanina."

"Plano?!" Medyo pasigaw niyang tanong. Makikita rin sa mga mata niyang galit na galit siya.

Pero bakit? Wala naman siyang dahilan para magalit kasi ako yung dehado dito. Ako yung nasaktan. Di ba dapat masaya siya kasi di kami magkakatuluyan ng best friend niya.

"Tell me Lex! Anong yung ginawa nila sayo?"

Sa tingin ko nag-aalala lang talaga si David pero ayokong maloko ulit kaya mas maganda kong di ko nalang paniniwalaan ang pinapakita niya.

"I think they plan for it. Siguro alam na ni Paul na magkapatid kami kaya gumawa siya ng plan kaya siguro pinaniwala niya ako sa kanyang magagandang salita. Kinuha niya yung loob ko para maisagawa nila nung lalaking 'yon ang mga plano nila."

"Baka naman nagkakamali ka anak."

"What ma? Nagkakamali? But I heard Paul saying the word 'PLAN' kaya di ako pwedeng magkamali."

A/N: Sorry for this UD. Mukhang maikli eh. Pero thanks for reading it!

-Totoo kayang plano lang ang lahat?

What do you think guys? Well, baka nga. Siguro galit si Paul kay Lex lalo na sa mama nito kasi kabit siya ng daddy niya. Tulad sa mga teleserye. Kadalasang nangyayare yon pero abangan niyo kung ganun rin ba ang mangyayare sa kwentong ito. :)

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon