Sorry

91 10 0
                                    

David's POV

Hindi ko inaasahang makikita ko muli siya. Nasa park ako noon ng may tumawag ng pangalan ko, akala ko nananaginip lang ako ng makita ko siya. Akala ko hindi totoo yung slow-mo, na sa TV lang iyon nangyayari pero tae totoo talaga pala. Ang astig! Kasi noong tumalikod ako para tumingin sa direksyon ng tumawag sa akin, unti-unting bumabagal ang galaw at kilos ng paligid. Yung tipong ramdam mo yung hampas ng hangin sa mga puno, yung paggalaw ng mga ito, pagkahulog ng mga dahon at rinig na rinig mo ang mga huni ng mga ibon kasabay pa ng dahan-dahang paglapit sayo ng isang napakagandang babae. Sh*t! Para akong nasa langit.

Wala pa ring kupas ang ganda niya. Siya pa rin yung babaeng minahal ko noon. Ang kanyang ngiti'y hindi nagbago.

"Hi!" Nakangiting bati nito. Bakit ganoon kahit gusto kong iwasan ang mga tingin niya dahil may kaunting kirot pa rin dito sa puso ko ay hindi ko magawa.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan ko na siyang niyakap. Kahit gaano kalaki ang galit ko sa babaeng to, minahal ko pa rin siya at sobrang miss na miss ko na 'to. Kahit gaano kasakit ang pag-iwan niya sa akin noon, mas tumitimbang pa rin ang masasayang alaala namin noon.

"Namiss kita." Salitang lumabas sa bibig ko.

"Ako rin." Kitang-kita sa mga mata niya na masaya  nga itong makita ako.

Ang totoo niyan, wala akong narinig na sapat na rason galing sa kanya ng maghiwalay kami. Isang araw, nagising ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Hindi ko akalain na ang tatawag sa akin ay si Ciara. Sinagot ko agad ito at nagulat ako sa sinabi niya noong mga panahong iyon.

"David, sorry. Sana mapatawad mo ako, gusto ko ng makipaghiwalay."

Hindi ako nakapagsalita ng marinig ko mula sa kanya ang mga salitang iyon. Agad-agad niyang ibinaba ang telepono niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at dahan-dahang tumutulo ang mga luha ko sa aking mga mata.

Bigla akong bumalik sa realidad na magkasama na pala ulit kami ngayon.

"Kumusta ka na?" tanong ni Ciara sa akin. "Sorry David. Kasi ... Ang totoo niyan."

Hindi ko hinayaan na ipagpatuloy ni Ciara ang sasabihin niya.

"SSsssh .." tinakpan ko ng dalawang daliri ang kanyang bibig. "Hindi pa ako handa para marinig ang mga bagay na yan. Ang mahalaga, kasama na kita." Muli ko ulit siyang niyakap ng mahigpit.


LEX's POV

"Lex, halika dito." Tawag ni David sa akin.

Napaharap naman ako sa kanila. Biglang tumingin yung babae sa akin. Noong una ay nakatingin sa akin ito ng masama pero agad naman siyang ngumiti ng kinausap siya ni David. Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti.

Lumapit si David sa akin at hinila niya  ako papunta sa babae.

"Lex, si Ciara nga pala." Pagpapakilala sa akin ni David sa babaeng kasama niya.

"Ciara, si Lex, new bestfriend ko."

Bigla naman nilahad ni Ciara ang kamay niya. Hindi ko alam pero wala akong ganang makipagkamay sa kanya.

"Ahaha," Pilit na tawa ni David. "Ganyan talaga yang si Lex, Ciara pagpasensyahan mo na."

"It's ok, Dave." Sagot ni Ciara na diretsong nakatitig kay David.

"emm ...," Paubo kong sabi. "David, tulungan ko muna si Tita ha. Ciara, mauna na ako."

Tumango lang si David. Si Ciara naman ay biglang nagsalita, "I want to help too. Can I, Lex? David?" Tumingin siya sa akin at kay David na parang humihingi ng approval sa amin.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon