Chapter 23: How can I say Goodbye?

191 22 3
                                    

David's POV

"David!!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yung pangalan ko. Sino kaya yung tumawag sa akin?

Hindi ko alam pero parang nagslow-mo ata ang galaw ng mundo. Nagulat ako sa tumambad sa akin. Napakaganda talaga niya. Sadya ata talagang mapaglaro si tadhana. Kita ng iniiwasan ko na siya eh. Makaalis na nga!

Tae! Pero bakit parang di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Una, baka dahil nakatingin at papalapit na siya sa akin. Pangalawa, baka dahil miss na miss ko na siya. Yung totoo niyan, gusto ko na siyang yakapin.

"David, hoy! Ayos ka lang?" Biglang nagsnap si Princess, kaibigan at kaklase ni Lex na girlfriend ng kaklase ko na si Enrique.

"Ah .. Eh ."

Shet! Bakit ako nauutal?

"Hay naku! Andito lang si Lex, nauutal ka na?" pangbibiro niya.

Hinawakan ko nalang yung batok ko. Nakakahiya, di ko talaga alam ang isasagot ko at di ko alam kung paano makikitungo kay Lex.

"Wanna join us? My treat!"

"Hehe. May gagawin pa ako eh!" Actually, wala talaga akong pupuntahan. Gusto ko lang umiwas. "So, una na ako." Hinarang ako ni Princess.

"Dali na! Please?"Nagpout pa 'to.

"Sorry ta .."  Di ko natapos yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si Lex.

"Sige na David. Sumama ka na. Namimiss na kita eh."

Biglang tumahimik ang buong mundo. As in tahimik. Di rin nakapagsalita si Princess eh. Nagulat siguro sa sinabi ni Lex. Tumingin lang siya kay Lex tapos biglang tumingin sa akin.

"Este namimiss ka na namin. Di ba Prin?" Lex corrected. Tapos binigyan niya ako ng nakakainlove na ngiti.

"Ah. Okay. Miss na rin kita eh. Hahaha. Joooke! Sasama naman talaga ako, nahihiya lang kasi ako kanina pero since mapilit kayo, tatanggi pa ba ako? Grasya yan eh!"

"Yown, sasama naman pala eh. I'll call Enrique to come. Oh Di ba, double date na ang peg natin."

Ano? Double date? Loko-loko talaga si Princess. Alam naman niya siguro yung nangyare sa amin ni Lex di ba? Ang bilis kaya kumalat ng balita. Naririnig ko nga yung mga babae na fans ko. I mean, di sa nagmamayabang pero totoo namang may mga fans ako dahil nga sa banda atsaka gwapo kaya ako at matalino pa. Wait! Humangin ba? Pero totoo, naririnig ko sila na pinag-uusapan si Lex pagdumadaan ito. Nakatago akong pinapakinggan sila. Marami silang binabatong masasamang salita kay Lex kahit di nila alam yung buong istorya. Sa tuwing makakarinig ako ng ganoon, gusto ko silang sigawan at sabihing mali sila. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako pag di siya masaya. Pag nakikita siyang nahihirapan at pag nakakarinig ng maling akusasyon sa kanya.

Kaya lang naman ako sasama kasi kaibigan ko pa rin naman si Lex. At ayoko na maramdaman niya na binabalewala ko siya. Baka nagtataka kayo, Oo, gusto ko siyang iwasan pero gusto ko sa pag-umiwas ko, di siya masasaktan. Akala ko di niya ako pipigilan kanina. Akala ko wala lang talaga ako sa kanya. Pero noong marinig ko na namimiss niya ako at gusto niyang sumama ako sa kanila, natuwa talaga ako. Lalo akong nahihirapang alisin yung nararamdaman ko sa kanya. Lalo akong nagkakagusto sa kanya habang tumatagal ang pagsasama naming dalawa.

'Tara. Natawagan ko na si Enrique, susunod na lang daw siya.' Sabi ni Princess.

Sumakay kami sa kotse ni Princess. Nasa front seat si Princess. Tapos kami ni Lex nasa likod. May driver pala si Princess. Ang yaman nila. Actually, yung pupuntahan naming cafe e pagmamay-ari ng pamilya nila.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon