Chapter 30: Letter

64 14 0
                                    

KINABUKASaN

Lex's POV

Umalis si Mama para bumili ng pagkain namin. Naririto pa rin ako sa ospital kasama si David. Di siya pumasok ngayon para bantayan ako. Pinapasok ko naman si Princess. Pinilit ko talaga silang pumasok pero di ko mapilit si David kaya si Princess nalang yung pumasok. Ayokong maging pabigat sa kanila.

"Lex, can we talk?" tanong ni David. Alam niyo ba na ang pinakaayaw ko na salita sa mga panahon na ito ay ang mga salitang yan? Natatakot kasi ako eh.

Tinititigan niya pa rin ako hanggang ngayon. Hinihintay niya siguro ang sagot ko sa tanong niya. Ang totoo niyan naaasar na ako sa mga mata niya. Para kasing may mga laman ito. Na waring may gustong sabihin.

Handa na ba ako sa tatanungin niya o kaya sa anumang sasabihin niya? Hindi ko alam kung handa na ba ako. Sa mga nakaraang araw, lagi na lang akong umiiyak. Nagtatanong sa sarili kung bakit. Kung ano ba talaga ang problema.

"Lex, please," ano ba ang bumabagabag kay David? Ano ba ang gusto niyang sabihin? "Just listen."

"Ano bang gusto mong sabihin?"

May choice pa ba ako? Siguro nga handa na ako sa lahat. Sana lang talaga.

"Lex, si Paul," Di pa niya natatapos ang sasabihin niya pero tumulo na agad yung luha ko. Potek na luha to. "Kinausap ko siya. Ang totoo niyan, kinwento niya lahat sa akin. Lahat-lahat. Hindi niya sinasadya ang lahat Lex. Hindi niya alam Lex na .. magkapatid kayo."

Ayokong magsalita. Ayoko rin basta-basta maniwala. Pero kahit pinipigilan ko ang nararamdaman ko, lalong umaagos ang mga luha ko.

"Lex, gusto ka niyang makita."

"Hindi ko alam kung kaya ko David! Di ko alam. Mahirap eh. Ang hirap!"

"Lex, kailangan ka niya," may tumutulo na ring luha sa mga mata ni David. Siguro naninibago ako kasi di ako sanay na makakita ng lalaking umiiyak. "Galit ka pa rin ba sa kanya dahil akala mo niloko ka niya o dahil magkapatid kayo?"

"Hindi ko nga alam eh. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit hanggang ngayon ay di ko matanggap."

"Ang alin?"

Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya.

Napaface-palm nalang ako.

"Hindi ko alam kung bakit di ko matanggap na magkapatid kami. Kung bakit nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko ng walang dahilan. Feeling ko ako yung mali. Ako yung di makaintindi. Ako yung di makatanggap na hanggang doon nalang kami. Masama ba ako?"

"Lex,wag ka ng umiyak. Di ka masama. Wala kang kasalanan sa lahat. Hindi lang siguro natin inaasahan na mangyayari ito. Tahan na."

Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit nangyayare lahat ng ito.

Hinawakan ni David ng mahigpit ang kamay ko. Gusto kong magpasalamat kay David sa lahat. Kasi lagi siyang nandito sa lahat ng bagay. Na kahit minsan di niya ako iniwan sa tuwing kailangan ko ng isang kaibigan.

"Lex, wag ka sanang mabibigla, okay?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"May Leukemia si Paul Lex. Stage 4."

Ano? Hindi ako makapagsalita sa nalaman ko.

David's POV

Pinapatahan ko si Lex dahil alam kong nabigla siya sa sinabi ko. Alam kong masama sa kalagayan niya ngayon ang maistress pero kailangan niya talagang malaman ito.

Mga ilang minuto lang ay nakatulog na siya. Naalala ko yung sobre na binigay ni Paul sa akin. Sabi niya ibigay ko daw ito kay Lex.

Iniwan ko nalang ang sobre malapit sa kama niya at umalis na. Nagawa ko naman na siguro ang kailangan kong gawin.

--

Nandito ako ngayon sa park na madalas kong pinupuntahan.

"David!" Lumingon ako at nakita yung sumigaw na babae. Bakit siya nandito?

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon