Chapter 8: Plan!

189 30 5
                                    

Tricia's POV

Yes! Nabigyan na rin ako ng pagkakataon na magsalita dito sa story. Anyway, ang saklap lang kasi ito na ata yung last na pagkakataon ko. Huhuhu.

Abalang-abala ang mga tao sa party. Umalis ako sandali kanina pero bumalik naman agad. Nandito ako sa may gilid. Di ko makita si Lex kaya umupo muna ako dito.

Biglang may tumawag sa akin. Sigurado naman akong si Lex 'yon. Di ko alam kung paano ako titingin sa kanya. Ngayon ko na kasi balak sabihin sa kanya yung bagay na dapat matagal ko ng sabihin.

'Trish kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba nagpunta?'

Ngumiti ako sa kanya. Pero di ko pa rin mapigilang malungkot.

'Oh? Bakit ang tahimik mo diyan? Di ako sanay!'

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakakainis! Sayang yung eyeliner ko. Hahaha. Nagagawa ko pang magbiro. Hmmp.

'Hoy! Ano bang nangyayari? Trish!' Medyo mataas na yung tono ng boses ni Lex. Alam kong sobra na siyang nag-aalala. Bakit di ko masabi? Bakit?

Niyakap ko siya ng mahigpit. Narinig ko nalang na sabi kong 'Mamimiss kita.'

Kumalas si Lex sa pagkakayakap ko tapos tinignan niya ako sa mata. Tumingin naman ako sa malayo.

'Hahahaha. Nagbibiro ka nu? Akala mo madadali mo ako sa joke mo ha. May paiyak-iyak ka pa diyan.'

'I'm sorry Lex!' Pahikbing sabi ko.

'Ugok ka talaga ang rami mo kayang kasalanan sa akin. Ano doon ang pinagsosorry mo? Stop crying na. I'll forgive you'

Alam kong dinadaan niya lang sa biro pero nangingiyak na yung mga mata niya.

'I don't think you'll forgive me after saying this, Lex!'

'Tae naman Trish! Ano ba yon? Go ahead, spill it out!' Sa pagsabi niya nun di ko alam kung paano ko sisimulang sabihin.

'I'm sorry Lex. I'm sorry. Alam kong promise natin sa isa't-isa na gragraduate tayo sa same university but I'm sorry. I can do it anymore. I'm moving .. to States. I'm going with Xander.'

Tinignan ko yung reaksyon ni Lex.

'With Xander?'

'My mom asked Xander na sunduin ako since magbabakasyon nga siya dito. Actually, matagal na sinasabi ni mommy na pag-aaralin niya ako sa States. Marami daw opportunities dun. She's going to send me sa university na maganda yung standards.'

Di ko maintindihan yung reaksyon niya. Basta tumahimik siya bigla.

'Kailan ka aalis?' Nakayukong sabi niya.

Di ako makasagot. Natatakot ako dahil pag nalaman niya, siguradong magagalit at iiyak siya. Kilala ko 'tong best friend ko, lalaki man siya kung kumilos pero ang fragile niya.

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

'Trish! Kailan?!!!'

'Sa Saturday na.' Mahinang sabi ko.

'What? Tapos ngayon mo lang sinabi? Shit Trish! Magbestfriend tayo dba?'

' Ngayon lang ako nagkalakas ng loob Lex!'

Iyak na ng iyak si Lex.

'Matatanggap ko naman Trish. Pero dalawang araw nalang Trish! Dalawang araw! So kapag di ka nagkalakas ng loob, magigising nalang ako na wala ka? Ganoon ba? Paano ko masusulit yung mga natitirang araw mo dito sa Pilipinas.' Pahikbing sumbat ni Lex.

'I'm sorry Lex! I'm ... ' Nagulat ako ng biglang tumakbo si Lex. Masyado siyang mabilis para maabot ko. Alam ko rin na paghinabol ko siya, lalo lang siyang tatakbo palayo.

Masama ba akong kaibigan? Tanging hangad ko lang naman ay wag siyang masaktan. Alam ko na kahit maaga kong sinabi sa kanya parehas pa rin ang magiging reaksyon niya.

Lex's POV

Nakakainis si Trish! Nakakainis! Ito ako ngayon tumatakbo habang umiiyak pagkatapos sabihin ni Trish na pupunta na siya sa States. Naiinis ako sa sarili ko. Wala naman akong karapatan na sigawan si Trish kaso tae! Ang hirap di magalit! Siya lang yung malapit kong kaibigan tapos aalis pa siya. Alam kong maganda naman ang hangarin ng mama niya. Di ko lang talaga matanggap na aalis na siya sa sabado.

Nagulat ako ng biglang may tumigil na van sa harap ko tapos may lumabas na apat na naka-itim na mask na lalaki. Di ko namalayang papalapit na sila sa akin. Tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko at hinila pasakay sa van pagkatapos nun di ko na alam ang sumunod na pangyayari.

'Pare! Tawagan mo na siya!'

'Ito na.'

Nagising ako bigla pero teka nasaan ako? Nakita ko yung apat na lalaking nag-uusap. Shit! Oo nga pala, kinidnap nila ako.

Nagtulug-tulugan muna ako at nakinig sa usapan nila.

'Hello! Boss, nakuha na namin siya. Di ba sabi namin sayo tutulungan ka namin. Hahahahaha.'

Nakakairita yung tawa nung nagsasalita. TSS. Sino ba 'tong boss nila? Kung sino man siya, mamatay na sana siya. Dapat makaisip na ako ng plano para makatakas.

'Hahaha. Tinext na namin sayo yung plano. Gawin mo nalang!'

Ano daw 'PLANO'? May balak ba silang irape ako? Shit! Mga lalaki talaga. Kailangan ko ng makaalis sa taling 'to. Kapag nakawala ako sa taling 'to, madali nalang ang lahat sa akin. Marunong kaya akong magkarate.

May naramdaman akong matulis na bagay sa likod. Dahan-dahan kong kinikiskis yung tali sa likod habang tinitignan sila. Tulog na yung isa, kanina pa kasi sila umiinom. Yung isa naman halatang antok na. Hihintayin ko nalang silang makatulog lahat para di ko na kailanganin ang karate skills ko.

Since naghihilik na sila, ito na yung time ko para tumakas. Pero bago ako tumakas may nakita akong uling sa gilid. Inapak-apakan ko 'yon tapos kinuha ko yung sapatos ko tapos pinahid ko sa braso nila. Gusto ko sana sa mukha kaso nakamask pa rin sila eh. Muntik na magising yung isa buti nalang madilim kaya nabalik niya yung tulog niya.

Hahahaha. Nasa akin rin ang huling halakhak. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makakita ako ng tricycle. Sumakay ako at nagpahatid sa bahay.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon