Chapter 12: Can I date you tonight?

182 29 5
                                    

David's POV

Busy ang lahat ngayon. May event na hineld yung college namin na para sa mga bisita from different universities. Di pa namin business week pero parang ganun yung mangyayari. Parang mini fair kumbaga. May banda silang inimbitahan. Kami namang mga estudyante ng CBAA eh nagrupo. Ang swerte nga eh kasi pinaglalapit kami ng tadhana ni Lex.

Nga pala, di ko maalala kung nabanggit ko sa inyo na may banda ako. Bale, siguro natatandaan niyo yung mga tropa ko. Oo, kabanda ko rin sila. Hindi sasama si Paul ngayon eh, ewan ko ba. Nung mga nakaraang araw eh, busy. Kung di busy, laging nagkukulong sa condo niya. Di ko na nga masyadong nakikita eh. Nung last ko siyang nakita eh ang putla-putla. Siguro nasobrahan sa kakalaro ng DOTA. Di masyadong nakakatulog.

Bale mini-cafe yung tinayo ng grupo namin. Ang ganda ni Lex sa damit niya. First time ko siyang makitang nakadress.

Ayos naman yung naging takbo nung cafe. Since overnight yung event at morning shift kami, free kami mamayang gabi. Mamayang 8:30 kasi magsisimula yung rakrakan.

Lex's POV

Kakatapos lang ng shift namin ni David. Andito ako ngayon sa likod ng building namin. Ito na yung naging tambayan ko nung umalis na si Trish maliban sa library.

*beep .. Beep ..

1 message received . . .

From: Davidpanget

Oy.

To: Davidpanget

Oh?

From: Davidpanget

Can I date you tonight?

I really don't expect that message. Di ko alam ang isasagot ko. Siya yung kauna-unahang nagyaya sa akin makipagdate. Atsaka may event, paano niya ako idedate? Wait. Tongak talaga ako. Para ko kasing kinokonsider na pwede kaming magdate. I really don't have the idea kung paano makipagdate. First time nga di ba?

To: Davidpanget

Date ka diyan? May event kaya! Baliw

From: Davidpanget

Tapos naman na yung shift natin eh. Manunuod lang tayo ng mga banda. Bibilhan rin kita ng favorite mo. Deal?

To: Davidpanget

Utot. Di nga ako marunong makipagdate eh.

From: Davidpanget

Umm, you'll learn it later. :) so, is it a yes? Just a friendly date. Please.

To: Davidpanget

Nope.

From: Davidpanget

Awts. :'( Dali na please :(

To: Davidpanget

Dang emo mo! Di na daan sa akin yan!

From: Davidpanget

:( ok

To: Davidpanget

Hahaha. Hanap ka nalang ng kadate mo.

Ilang minutes ng nakakalipas pero di siya nagrereply. Hays. Andito na naman yung feeling ko na parang may ginawa akong kasalanan. Hays. Asar naman oh.

David's pov

Kapag pinahahalagahan mo ang isang tao, di mo 'to matitiis lalo na kapag sa tingin mo may ginawa kang mali. Kukulitin mo siya hanggang sa malaman mo na okay lang siya. Di ka titigil hanggang sa malaman mo na di naman talaga siya galit.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon