Chapter 11: Closer to you!

229 29 9
                                    

Third day of 2nd sem

Hays. Grabe pala talaga pag wala si Trish. Nakakapanibago. May bago akong kaklase, si Princess. Shocks! Ang ganda niya po. Nakakatibo! Oy. Wag kayong mag-isip ng ganyan. Babae po ako. Straight :)

Siya yung seatmate ko pero since di pa kami ganoon kaclose, di ko pa siya mayaya maglunch.

Bumili ako ng hamburger at juice sa canteen. Opo, nagtitipid po ako. Haha. Raming bayarin eh.

'Hoy! Pedeng tumabi?' Nakangiting tanong ni David.

'Di pwede!' Pagsusungit ko. Naglakad na ito palayo. 'Hoy! Joke lang!'

Lumingon siya at dali-daling tumabi sa akin.

'Sabi ko na e di mo ako matitiis! Hahaha.' Pang-iinis nito.

'Ewan ko sayo!'

Naging close na kami ni David. Nawawala na yung pagkaman-hater ko. Pero medyo masungit pa rin ako. Si David pala yung nagtuturo sa akin ng mga accounting subjects ko. I mean siya yung tutor ko. Baka isipin niyo e siya yung prof ko.

Lagi kaming nag-aasaran ni David. Natural na sa amin 'yon. Para kaming aso't pusa. Maraming naiinis sa aking girls kasi maraming nagkakacrush kay David dito sa College namin.

'Hoy! Alis ka na nga!' sabi ko sa kanya.

'Awts. Di ko pa nga naeenjoy yung date natin eh.' ang hilig talaga nentong mang-asar.

'Tse. Dali na! Umuusok na naman yung ilong ng mga may crush sayo.'

'Hahaha. Hayaan mo sila. Ikaw naman yung crush ko.' Nakangiting sabi nito.

'Ewan ko sayo. Crushin mo mukha mo.'

'Joke lang.'

Ito ang maganda dito kay David eh. Siya palagi ang talo. Lalo na pag nagdedebate kami sa mga bagay-bagay. Maliban nalang sa accounting.

'Nga pala sa Friday may group project kami. Di kita mamimeet.' sabi ni David.

'Buti naman. Nakakasawa na rin yung mukha mo eh.'

'Awts. :('

Di po totoo na nakakasawa yung mukha ni David. Yung totoo nga e nasasanay na ako na lagi siyang kasama. Para ko na siyang best friend.

Lex's POV

Sabado na naman. Inagahan ko talaga ang paggising kasi baka may bisita na naman eh. Every Saturday kasi pumupunta si Paul. Ginagawang tambayan na ata tong bahay. Di kami nagkikita tuwing pasukan. Busy kaming pareho eh. Atsaka magkaiba kasing college eh. Everytime na pumupunta 'yon dito sa bahay e nanggugulo. Karaniwang ginagawa namin e nagchechess. Scrabble. Movie marathon. Tapos minsan pupunta lang dito sa bahay para matulog. Ang Tae talaga nung lalaking 'yon.

'Oy. Pogi!' Naririnig ko yung mga tropa ko sa labas. Kaaga-aga natambay tong mga to. Sino pala yung sinabihan nalang pogi? Sumilip ako sa bintana at nakinig sa usapan.

'Mukhang napapadalas ang dalaw natin ah. Nililigawan mo ba si Lex?' pag-uusisa ni Evan.

'Di pa nga eh. Di ko pa siya natatanong ng pormal.' sagot ni Paul.

Tae! Tama ba yung narinig ko? Shemay! As in? Joke ba 'yon? Wait. Nag-uusap pa sila.

'Naku! Di ka nun papayagan. Di basta-basta nagtitiwala sa lalaki 'yon eh. Hahaha. Kahit marami siyang tropanv lalaki.' Sabi ni Ben. Tama ka Ben. Buti alam mo.

'Ganun po ba? Di naman ako nagmamadali. Hihintayin kong pagkatiwalaan niya na ako.' Mariing sagot ni Paul. 'Sige. Una na ako mga dre.'

Agad-agad akong tumakbo pa puntang kusina kasi alam ko ilang saglit nalang e kakatok na si Paul.

'Tao po! Auntie? Lex?'

'Leeeeeex!' -______________-" si mama talaga oh. Makasigaw. ' si Paul ata yung kumakatok. Pagbuksan mo.'

'Opooo!'

Binuksan ko na yung pinto at pagkakita ko sa kanya eh nakangiti siya ng malapad.

'Hi! Musta?'

Di ko pa nga sinabing "PASOK KA" pero pumasok na agad tong ipis na 'to. Feel at home lang ang peg?

'Bakit ka na naman nandito?'

'Mangugulo ulit.' sabi niya sabay dila. Tae! Bigla nalang siyang naglakad papuntang hagdanan.

'Oopps. San ka pupunta?' Hila ko sa kanya.

'Sa taas malamang.' Sagot nento sabay takbo pataas.

Grr. Adik talaga to.

'Hoy! Wait. Wag kang pumunta sa taas.' Hinabol ko siya. Hays. Ang gulo ng kwarto eh. Di ko pa 'yon naayos. Ano bang gagawin niya sa taas?

Nung dumating kami sa taas hinatak ko yung braso niya.

'Saan ka pupunta?' Sabay pingot sa tenga niya. Ang brutal ko no?

'Araaay! Aray Lex!' Binitiwan ko yung tenga niya tapos biglang lumabas si mama sa kwarto.

'Auntie, si Lex po oh. Piningot ako.' Sumbong niya na parang bata. 'Pupuntahan ko lang po sana kayo para sabihin na may friend ako na gusto mag-order ng cupcakes eh' nagpaawa effect pa 'tong ipis na 'to.

'Lex. Why did you do that? Bakit mo naman piningot si Paul? Ilan bang box ba ang kukunin Paul?' sabi ni mama.

Ma, ako ang anak mo. Bakit parang siya ang kinakampihan mo? Tss. It's unfair.

Paul's POV

Hahaha. Ang lakas ko talaga kay auntie. Pagbaba namin agad, tumingin sa akin ng masama si Lex. Hahaha. Dinilaan ko naman siya. Para kaming bata. Haha. Ang sarap kasing asarin ni Lex.

'Tita, kaya niyo po bang gumawa ng cupcakes na may design na race car. 'Yon po kasi yung gusto ng tropa ko eh.'

'Oo naman. Ako pa.' Sagot ni tita.

'Pwede po bang tumulong ako sa paggawa?'

'Wag na. Baka masayang yung ingredients eh.' sabat ni Lex na nakaupo sa sofa.

'Hahaha. Wag mo siyang pakinggan Paul. Sige, tumulong ka.'

Yeees! Hahaha. Ang cool talaga ni auntie.

'Lex. Turuan mo muna si Paul.

'What?' sigaw ni Lex. Nakakatuwa yung reaksyon niya. Since di naman siya makahindi sa mama niya, tinuruan na niya ako.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon