Chapter 5: I'll catch you when you fall

369 29 12
                                    

Lex's POV

Hindi maalis sa isip ko yung tinext ni David. Hmmp. Hay naku! Ang mga lalaki talaga magaling lang sa salita. TSS. Isang malaking wrong move dre, kabisado ko na lahat ng lalaki.

Ngayon na ang araw na pinakakinatatakutan ko. Halos isang linggo rin ang pag-eensayo namin. Hays. Ewan ko ba kung bakit ako yung pinili nila na maging bida ng play. Wala naman akong magawa kasi kinuntsaba nila si ma'am. Hmmp. No choice tuloy ako. Buti nalang yung piniling gaganap na partner ko e bakla. Haha. Mas ayos na yon. Naging madali nalang sa akin yung pagpapractice since bakla naman siya. Sana lang talaga eh maging successful tong play. Atsaka, Sana di ko makalimutan yung lines. Mabilis ko lang naman namemorize yung line pero minsan kasi pagkinakabahan ako, namemental block ako.

Naririnig ko na yung emcee dito sa backstage. Naririnig ko na rin yung audience na mukhang excited. Tinignan ko naman si Trish tapos medyo nawala yung kaba ko ng makita siyang nakangiti sabay patong ng kamay niya sa dibdib niya. Tapos she mouthed the word na nagpapagaan ng loob namin "TIWALA GAMING LANG!"

"Go Lex! Good luck!" Sigaw Miya. Director ng play.

Ito na to. Wala ng atrasan. Kahit mainit at di ako kumportable sa suot kong gown. Tumahimik ang lahat. Nakikita ko sa mata ng manunuod na gusto nila ang play. Nasa kalagitnaan palang ay nagsisiiyakan na ang iba. Tragedy kasi ang story. Hanggang matapos ang play ay nakikita kong pinupunasan pa rin nila ang luha nila. Wala kaming ibang narinig kundi palakpakan ng mga tao. Thank you bro. Successful ang play.

" Ang galing mo Lex! " sabi ni Trish sabay yakap sa akin.

"Good job guys!" Sigaw ni Miya.

"Ang galing mo umarte Lex!" Sabi ng iba kong kaklase.

"Babaeng takot sa ipis!" Sigaw nung lalaki sa malayo. Yung tipong yung galak ko dahil tapos na yung play at natapos ito ng palakpakan ay nawala dahil sa dumating na surot.

Shet. I'm dead! He saw me acting? And wearing dress? Gosh!!

Papalapit na siya sa akin. Shems. Ano ang gagawin ko? Wait! Isip Lex! Isip! Isang bagay nalang ang pumasok sa isip ko. Exit Lex! Takbo!

'PLAAAK!'

Di ko namalayan na natapakan ko pala yung dress ko. Pero wait bakit parang wala namang masakit sa akin. Parang di ko naramdamang nadapa ako. Pero ang lakas ng lagapak na narinig ko ah.

Binuksan ko ang mata ko. Pagbukas ko nakita ko sila Trish at iba pa na nakatingin sa akin.

Nung una, di ko marinig kung ano yung sinasabi nila pero habang tumatagal, naririnig ko nalang na 'Lex, ayos ka lang?'

'Lex, tumayo ka na!'

Di ko alam kung bakit. Parang may mali. Tatayo na sana ako pero napansin ko yung nakapikit na lalaki. Shet! Si ...

Unti-unti niyang binubuksan ang mata niya. Halata na nasaktan siya. Kaya pala. Kaya pala parang wala lang sa akin na nadapa ako. Pero pano?

Umayos ako ng upo sa tabi niya. Tinulungan ko na rin siyang makaupo pero halatang nahihirapan siya.

'OMG! Si Paul ba yan? Napuruhan ata siya.'

'Nakita mo yun? Grabe! Ang bilis niya. Buti nasalo niya si Lex!'

' Oo nga. Ang lakas nga ng impact eh.'

Ano ba tong mga to? Nakakaasar na ha. Pede ba wag na kayong magkwentuhan. Tulungan niyo nalang kaya kami?

'Barakong takot sa ipis! A..yos ka lang ba?'

Nakaupo na siya pero hinahawakan niya pa rin yung likod niya. Mukhang napuruhan nga ata siya. Nagagawa niya pa akong asarin sa lagay na 'to?

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon