Chapter 10.5

197 26 5
                                    

Seryoso ba talaga 'tong lalaking ito? Tss. Makaligo na nga. Mga halos 20 minutes rin ako naligo, nagsipilyo at nag-ayos. Di ako sigurado kung naghihintay pa 'yon sa baba. Nagdamit ako ng simple. Nakajersey shirt tapos maong na short.

Pagbaba ko, di na ako nagulat na andoon pa rin siya sa sofa. Ang nakakainis pa nun e nakangiti siya nung pagbaba ko. May nakakatawa ba sa akin? May mali ba sa damit ko? Sh*t naman.

'Hoy? Anong nginingiti mo dyan? Atsaka ano bang pinunta mo dito?'

'Gusto kasi kitang makita eh' sabay hagod sa batok niya. 'Yayain sana kitang lumabas kaso ayaw mo. Kahit maglaro lang sana ng DOTA.'

'Wew!'

Kung anu-ano pa yung rason nento. Edi sana nakipaglaro nalang siya through garena o kaya makipaglaro sa iba.

Nagbago bigla yung mukha niya.

'Sige. Aalis nalang siguro ako. Galit ka ata e.'

Naku! Mukhang nainis at nainip ata siya kaya aalis. Hmmp. Kasalanan ko bang pumunta siya dito?

'Huwag ka munang umalis.' Sigaw ko. 'Naghintay ka ng matagal tapos aalis ka? Baliw!'

Di ko talaga alam kung bakit ko pa siya pinigalang umalis. Shemay! Ayan tuloy parang nagspark yung mga mata niya. Tapos napangiti talaga siya ha.

'Anong balak mong gawin?' Tanong ko.

'Di ko alam eh.' Ngumiti lang siya. Jusko Lord! Bakit nakakaloka 'tong ngiti nentong lalaking to.

'Manuod ka nalang ng movies.'

'Ako lang?' Usisa nito

'Edi tayo!' sagot ko

'Tayo na?' Nakangiting sagot nento.

Tss. Anong klaseng tanong yan dre! Nakakabanas ha.

'Ewan ko sayo! Mamili ka nalang diyan. Nu bang gusto mo horror o action?'

'Love story.' Seryosong sagot niya.

'Yuck dre. Kalalaki mong tao!'

Iniwan ko muna siya. Nagbake muna ako ng cookies at munchkins. Busy si mama sa taas nagcocomputer para sa business niya. Nagbebenta kasi siya ng cakes, cupcakes, cookies, accessories and beauty products through online eh. Yan yung kinaabalahan niya tuwing saturday at Sunday.

Pagkatapos kong mabake yung cookies at gumawa ng munchkins. Bumalik ako sa sofa. Agad niyang inabot yung CD na napili niya. Di ko na tinignan kung ano yon basta sinalang ko na sa CD player. Baka corning love story na naman 'to.

Umupo ako sa sofa at niyakap yung unan. Nasa magkabilaang dulo kami. Nagulat ako ng magplay na. The Miracle in Cell #7? Sabi niya love story? Bakit ito? May tinatago palang CD na ganito si mama. Di ko pa napapanuod to eh.

'Akala ko ba love story?' Tanong ko sa kanya. Tinignan ko yung expression niya. Ang seryoso niya ngayon. Grabe! Ang gwapo pala niya talaga. Kaya pala marami sa mga kaklase ko ang nagkakagusto dito.

'Love story naman yan ah.' Seryosong sagot niya na nakatingin pa rin sa TV.

'Di kaya.' Pagpupumilit ko.

'Love story yan. Ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak at ang pagmamahal ng anak sa kanyang ama. That's true love.' Tumingin siya sa akin ngumiti.

Killer smile. I just died! Joke. Grabe! Ngayon ko lang napansin na seryosong tao pala tong nasa harap ko. Naalala ko nung time na kailangan ko ng isang kaibigan at andoon siya para maging pader ko. Ngayon ko lang nalamang malalim pala siya kung mag-iisip. Ngayon ko lang sasabihin to pero kakaiba siya. Marahil iba siya sa mga lalaking iniisip ko.

Paul's POV

Malapit ng matapos yung pinapanuod namin. Kanina pa kami tahimik na nanunuod pero kanina ko pa talaga napapansin ang paghikbi ni Lex. Tama nga ako, umiiyak siya. Mukhang di na niya napigilan yung pag-iyak niya. Kinuha ko yung panyo ko tapos pinunasan yung luha niya. Natapos na yung movie eh iyak pa rin siya ng iyak. Kaya ang ginawa ko ay niyakap ko siya.

'Adik ka. Akala ko tigasin ka? Yan lang iniiyakan mo na? Paano pa kaya kung aa totoong buhay manyari yan, Edi mauubusan kana ng luha?' Dahan dahan kong inalis yung pagkakayakap ko sa kanya. Nakita ko naman na medyo tumatahan na siya pero kumuha pa rin ako sa kusina ng tubig para sa kanya.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon