Starting over again

58 10 0
                                    

Lex's POV

Isang linggo na ang nakalilipas matapos ng ilibing si Paul. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Sa burol ni Paul, pumunta lahat ng mga kaibigang natulungan niya. Kahit yung mga kaibigan niya sa States ay nandoon rin para makiramay. Hindi ko akalain na marami pala ang nagmamahal sa mokong na ito.

Nandito ako ngayon sa puntod ni Paul. Hindi pa ako masyadong nakarecover sa pagkawala niya pero tulad nga ng sabi ni mama, nasa mabuting kamay na si Paul. Sabi rin ni Tita Leila na kabilinbilinan daw ni Paul sa kanila na dapat maging masaya ang lahat kahit mawala na siya. So, ito pinipilit kong ngumiti kahit mahirap.

"Hoy, John Paul Marquez!" Malakas at mariin kong sigaw sa harap ng puntod niya.

"Andaya mo!" sabi ko habang tumatawa pero ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. "Tss. Para na akong tanga dito oh, iniwan mo kasi ako eh."

Nagbuntong-hinga muna ako bago ako magpatuloy sa pagdradrama ko.

"Alam mo hindi ko akalaing kapatid kita. Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang mga ganoong bagay pero nangyayari pala talaga sa totoong buhay no? Astig! Tss. Pero hindi ako makapaniwala na magkapatid tayo kasi di hamak naman na mas maganda ang lahi ko kaysa sayo. Hehehe. Joke lang baka multuhin mo pa ako eh."

"Hays. Sorry pala kung hindi kita binigyan ng panahon para magpaliwanag. Sorry kung ang tigas-tigas ng ulo ko. Sorry ko napakafuturistic at OA ako. Sorry kasi di ako nagtiwala sayo ng sabihin mong hindi mo plinano ang lahat. Sorry kung hindi kita nasamahan sa mga huling araw mo."

Hindi ko na napigilan ang mapahagolgol. Buti nalang at ako lang ang tao dito sa sementeryo.

"Kung gusto mo akong kotongan, sige lang. Kasalanan ko naman eh. Game! Gawin mo na. Hindi ako magagalit, mahal kita eh. Ikaw kaya ang kuya ko. Tae! Hindi ako sanay pero ang saya pala na may kapatid ka. Bakit kasi hindi ko naisip ang bagay na ito noon pa? Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ito para maintindihan ko ang mga bagay-bagay? Hays."

"Gusto ko rin palang magpasalamat sa lahat. Sa panahong nandiyan ka para sa akin. Yung mga panahong hinding-hindi mo ako iniwan kahit gaano pa ako kasutil. Sa mga ngiting ibinabahagi mo sa akin. Sa mga araw na lagi mo akong pinapasaya. Salamat rin dahil ikaw ang nagging dahilan upang magkaayos kami ni papa. Wag kang mag-alala hindi ko papabayaan si Macey. Atsaka, hindi naman kami manggugulo nila mama kina papa at tita Leila. Ang totoo nga niyan para nga lang wala sa kanila ang nakaraan. Siguro dapat ganoon na nga lang yung ginawa ko agad. Kung nagpatawad lang siguro ako at tinanggap ang lahat, wala na sigurong away. Kung ganoon nga lang kadaling magpatawad, ginawa ko na noon pa lang."

"Takte! Ano bang kadramahan to! Dapat kinwekwentuhan kita ng masasaya e. Di ba dapat happy lang? Tss. Wala e, simula ng mawala ka ... Wala ng happy sa buhay ko. Joke! Baka ngiting aso ka na naman diyan pero hindi nga, wala masyadong bago ngayon sa buhay ko. Wala masyadong kakaibang nangyayari. Parang back to normal ang lahat. Isang ordinaryong estudyan -"

"Ang drama mo!" Hindi ko inaasahang bibisita rin ngayon si David.

"Hoy! Nakatitig ka na naman sa akin!"

Ay! Hindi ko pala namalayang nakatitig na naman ako sa kanya. Hay naku naman Lex! Nabigla lang siguro ako dahil ang last na pagkikita namin e noong libing ni Paul. Bale nakikita ko siya sa school kaso may kasama siyang babae eh kaya hindi ko siya magawang lapitan. Buti nalang kamo may Princess pa na kumakausap sa akin kundi mababaliw na ako.

May isang araw na nakita ko siya na kausap niya yung isang babae na sobrang sincere. Hindi ko masyadong naririnig ang usapan nila pero kitang-kita ko kung paano hawakan ni David sa pisngi yung babae. Hindi ko na pinagpatuloy pa ang panood sa kanila kasi may kung ano akong naramdaman noong makita sila. Hindi ko maipaliwanag eh. Basta 'yon na iyon.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon