What is this feeling?

48 8 0
                                    

Lex's POV

Hays. Pagpasok ko palang sa school ang rami ng nakatingin sa akin. Ano bang problema nila? Hindi naman ako masyadong maganda para pagtinginan. I really mean it. Hindi kaya may dumi ako sa mukha? Tinignan ko agad yung mukha ko sa cellphone ko. Wala namang dumi ah. 

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa college namin. Tss. Naiinis na ako sa mga tumitingin sa akin at nagbubulungan. Ano bang problema ng mga ito?

"That girl, di ba siya yung hinarana ni David noon? Halata namang wala pa siya sa kalingkingan ni Ciara." narinig ko yung dalawang babaeng nagbubulong-bulungan. Hays, ate nagbulong ka pa, rinig ko naman. Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin ng harapan? Wait, tama ba yung narinig ko? Ciara? Don't tell me, dito na siya mag-aaral?

Sabagay, mayaman naman ang angkan niya kaya hindi na imposible na dito na siya papasok kahit kalagitnaan na ng semestre. So, kung nandito siya siguradong magkasama sila ni David ngayon. Ano pang papel ko? Tae, lex! Ano bang pinag-iisip mo? Wag mong sabihing nagseselos ka? hmmp .. Nagseselos nga ba ako? Totoo namang mas close na sila dahil sila ang unang nagkakilala kumpara sa amin ni David. Atsaka, sobra pa ang pinagsamahan nila. To think na naging sila noon, fo sure may nararamdaman pa sila hanggang ngayon. 

Tinapik ko ang mukha ko para magising sabay bulong sa sarili ng  "Lex, bestfriend ka niya okay. Bestfriend ka lang niya. Suportahan mo kung kailangan. Wag praning."

Pagdating ko sa classroom, nakatingin sila sa akin at biglang tumingin sa likod. Sinundan ko naman ang tingin nila at nakita na nasa likod pala si Ciara. Hay jusko! Ang swerte ko naman talaga, oo. Syempre, sarcastic yon! Ayoko sana talagang makita si Ciara eh kasi hindi magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. 

Dumiretso agad ako sa upuan ko which is malapit lang sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko siya pabalik. Mukha naman siyang mabait, siguro mali lang ako ng first impression sa kanya kaya hindi magaan ang loob ko sa kanya. 

After noong first subject, may 30 minutes kaming bakante bago yung next class.

"Do you want to go to the canteen?" nagulat ako noong tanungin ako ni Ciara. Nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. Siguro kaya siya nagustuhan ni David kasi ang ganda niya at laging nakangiti. Kung titignan mo rin kung paano siya manamit, sobrang simple pero napakafashionista. I mean, magaling siya pumili ng damit. Tulad ngayon, nakaplain white off-shoulder siya tapos nakajeans na kulay blue. Samahan pa ng wedge sandals at relong puti. Hindi rin siya yung tipo ng babae na kulang nalang ay gawing coloring book yung mukha. Mukhang nagfoundation lang siya ng konti at naglipstick ng pink tapos nakapony lang siya ngayon. Siguro kung lalaki rin ako, liligawan ko rin siya. Totoo namang para siyang diyosa. Natitibo na ata ako.

"Lex, are you okay?" Bigla akong nagising sa realidad.

"ha?" tanong ko.

"Just want to ask you if you want to go to the canteen with me?" Galing sa malambing na boses ni Ciara. 

"Ah. Sure." Tumayo ako tapos sumunod sa kanya.

Shems. Nakakahiyang tumabi sa kanya. Hindi naman nagkakalayo yung height namin kahit nakawedge siya, Nakakahiya kasi para lang niya akong alalay. Ako na ata ang reyna ng insecurities. Tignan niyo naman po ang damit niya sa damit ko. Gusto niyong malaman ang suot ko? Simpleng T-shirt na medyo maluwang, jeans, rubber shoes. Atsaka, hindi ako nagmemake-up kahit na sabihin nila na medyo oily na yung mukha ko at namumutla ako.

"So, paano kayo nagkakilala ni David?" Tanong ni Ciara. Nakangiti pa rin siya pero hindi ang mga mata niya.

Wait! Paano nga ba kami ni David? Ah. Naalala ko na! Yung adik na yon, hindi ko makakalimutan yung araw na yon. Nakakabanas yung mokong na yon. 

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon