Chapter 9: Freedom wall

229 28 7
                                    

Lex's POV

Friday

Nandito ako sa malapit na park ngayon. Minabuti ko munang mag-isa. Mas nakakarelax rin kasi ako pag nakakakita ng mga batang naglalaro.

'Miss, pwedeng umupo?'

Nakatingin ako sa malayo kaya di ko nakita yung nagsalita pero sumagot nalang ako ng 'oo'.

'Kanina ka pa nakatingin sa malayo ah. May problema ba?'

By that time, lumingon na ako. What the! Anong ginagawa dito ng taong 'to?

'Hoy! Nakatulala ka na naman! May problemaka ba? Atsaka, bakit di mo kasama yung babaeng lagi mong kasama?'

Tss. Pake ba nitong lalaking 'to?

'Wag mo nga akong kausapin!'

'Tss. Halata namang kailangan mo ng kaibigan na pwede mong kausapin at pagsabihan ng nararamdaman mo ngayon.'

'Shut up! We're not Friends.'

'Tss. Ganito nalang. Isipin mo nalang na pader ako. Na di kita naririnig. Na di mo ako nakikita. Isipin mo na sinasabi mo lang lahat sa hangin. Game?'

'Ewan!' Pagtataray ko.

'Sige na. Alam mo ba na sabi nila na mas madali at maganda magsabi ng problema sa iba kasi di ka nila huhusgahan. Makikinig lang sila hanggang matapos ka. Di naman nila alam yung tinutukoy mo kaya oks lang plus hindi ba mas magaan sa pakiramdam kung mailabas mo yan kaysa itago?' seryosong sabi ni Paul.

Ewan ko kung bakit pero di ko maiexplain yung nararamdaman ko. Naiinis ako sa lalaking to pero parang ang gaan-gaan ng loob sa kanya. Yung tipong sabihin na man-hater ako pero iba eh. Iba siya. Parang may nagtutulak sa akin na kaibiganin siya. Na isiping di siya nabibilang sa mga lalaking manloloko. Yung pwede siyang pagkatiwalaan.

Tumahimik siya bigla. Oo nga pala, kinareer niya ang pagiging pader. Nakatingin lang siya sa akin. Ako naman, di ko na talaga mapigil. Gusto ko na talagang ilabas yung nararamdaman ko.

'Nakakainis siya!' Mahinang sabi ko sabay tingin sa kanya. Akala ko magrereact o magtatanong siya pero tahimik lang talaga siyang nakikinig.

'Bwiset talaga! Nakakainis! P*t*! Kagabi niya lang sinabi sa akin. Tae ! Siya na nga lang yung kaibigan ko tapos iiwan niya pa ako? Oo naiintindihan ko naman pero sh*t bukas na! Bukas na siya aalis. Paano na ako? Ang hirap kasing tanggapin.' Habang sinasabi ko 'to di ko maiwasang mapaluha.

Inabot niya yung panyo niya. Tinignan ko siya saka kinuha yung panyo.

'Hahaha.' Pilit na tawa ko. 'Takte! Bakit ba ako nag-open sayo? Hahaha'

'Kasi gwapo ako?' Biro niya. 'Hahaha. Joke lang. Nga pala kung ayaw mo akong maging kaibigan, I am willing to be your wall anytime.' Sabi niya sabay ngiti.

Ayan na naman yung ngiti niya na nakakahawa.

'Ang corny mo.' Nakangiting sabi ko. 'Pero salamat ng marami. Sa pasukan ko nalang isauli tong panyo mo. Sorry!'

'Ayos lang. Sige, una na ako.'

Di pa siya nakakalayo nang tumigil siya.

'Nga pala, di naman sa nakikialam. Kung ako sa'yo imbes na magmukmok ka, pupuntahan ko siya tapos ieenjoy ang natitirang time. Ge. Bye.'

Dumiretso na siya sa paglalakad.

Ang sarap ng feeling na may napagsasabihan ka ng mga ganoong bagay. Natutuwa rin ako na sa lalaki ko pa talaga nasabi 'yon. Di ko alam pero unti-unti na atang nagbabago ang tingin ko sa mga lalaki pero di ibig sabihin noon na magtitiwala nalang ako basta basta sa kanila.

Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon