-First year highschool-
"Welcome to section Lily!" basa ni Aristasia sa blackboard na nasa harapan niya.
New school, new classmates, new friends.
Inilibot niya ang paningin sa buong klase, syempre dahil halos lahat hindi magkakakilala, walang nag-iimikan.
Hindi niya kagustuhan lumioat sa ganitong eskwelan dahil mas gusto niya sa school kung saan pumapasok ngayon ang mga elementary best friends niya, ganunpaman, may contact pa rin sila sa isa't-isa at lumalabas paminsan-minsan.
Ayaw niya ng atensyon kaya lumipat siya sa pinakadulo, matangkad din siya kaya alam niyang palilipatin pa rin siya sa dulo kung ang arrangement ng upuan nila ay mauuna ang mas maliit ang height sakanya.
Wala pa siyang nakakatabi, masyado pa din kasing maaga, binilang niya ang nasa loob ng classroom at halos 10 pa lang silang nandoon.
Tumunog ang cellphone niya.
From:Mommy
Nakarating kana? Good luck on your first day anak, I love you.
Napangiti siya, may inis siyang nararamdaman sa mommy niya dahil hindi siya pinasok sa magandang eskwelahan pero naiinitindihan din naman niya ito, may rason kung bakit ayaw nito na doon siya pag-aralin.
To:Mommy
Nandito na po, unti pa lang kami. I love you too.
Dahil masyadong tahimik ang classroom, nag-earphones nalang si Aristasia at sumandal sa pader.
Habang nagpapatug-tog, napansin niyang umiingay na medyo ang klase, kaya pala, may dumating na, na meron magkakakilala.
Tinaggal niya ang earphones at pinagmasdan ang lalaking katabi niya, tahimik ito at naka-headphone, magulo ang buhok nito nmna akala mo'y bagong gising ngunit bagay yon sakanya, nakapikit ito at nakasandal din sa pader gaya niya.
Nakita niyang dumilat ang lalaki at tinaasan siya ng kilay, napaiwas siya ng tingin.
Nakakahiya naman! Nasabi niya sa isip.
Hindi nagtagal ay dumating teacher nila.
"Good morning, andito na ba lahat?"
Mukhang bata ang teacher nila, maganda ito ngunit di masyadong matangkad, katamtaman lamang, maputi ito at may mahabang buhok.
Chineck niya ang papel at nagbanggit siya isa-isa ng mga pangalan.
"Isaiah Fixel Montalban?"
Tinaas ng katabi niya ang kamay, nakita niyang nganga ang mga bunganga ng iba nyang kaklaseng babae.
Oh, Fixel pala ang pangalan niya.
"Trylle Gonzalez?"
"Present!"
"Aristasia Celine Garcia?"
"Present!" sigaw niya kaya napaagaw niya ang atensyon ng lahat, hindi naman siya nahihiya dahil ganon lahat ang ginagawa ng mga kaklase niya sa iba.
"Hazelline Grace Garclip?"
"Present!"
Natapos ang tawagan, tahimik pa rin ang klase nina Aristasia, nag-introduce yourself din sila kaya medyo may tawanan na nanganap.
"Okay, dahil medyo okay naman ang seating arrangement nyo, hindi ko na babaguhin, sa bawat row kayo ang magkakagrupo."
Sa classroom nila ay may apat na row, sa bawat row ay may 10 estudyante kaya naman 39 lahat ang classmates ni Aristasia.
Tiningnan niya ang mga kagrupo niya at nginitian sila isa-isa.
"Para magkakilala kayo ng maayos, gagawa tayo ng dula-dulaan, tomorrow ang acting, for now, mag-plan na kayo sa idea niyo. Nice meeting you section Lily!"
"Good bye Ms. Apple!"
Aristasia's POV
Nagform kami ng circle at nagpakilala sa isa't-isa.
Ako ang naatasang sumulat ng mga pangalan kaya sinulat ko ang mga buong pangalan nila sa papel para na rin sa magiging character nila sa gagawin naming story.
Aristasia
Luz
Kyle
Karl
Gaby
Aleyah
Mira
Cole
Klea9?
"Ah, Aris, yung katabi mo? Isasali ba natin?" nahihiyang tanong ni Klea sa akin.
"Oo nga, para makapag-simula na tayo." pahabol ni Karl.
"Ako nalang ang kakausap, Aleyah, ikaw na ang magplano for the topic," suggest ko. "Tulungan niyo nalang si Aleyah."
Tumango silang lahat at humarap kay Aleyah, ako naman ay bumalik sa upuan para kausapin ang tulog na katabi ko.
"Hoy."
Walang imik.
"Hoy!"
Wala pa ring imik.
Nilapitan ko ang tenga niya at balak na sanang sumigaw ng humarap siya sakin, nagtagpo ang ilong namin at muntik na!
Ahhhh! Masyado pa akong bata para makuha ang first kiss ko no! Na buti nalang at hindi natuloy.
Nagulat siya ng makita ako sa harapan niya kaya agad akong lumayo, iniwas ko ang tingin ko at nagpaypay sa sarili.
"I'm sorry," panimula ko.
"Tss."
"Need namin ng isa pang classmate, member ka namin, kaya makipag-participate ka." naiinis sa sabi ko, ang yabang masyado eh!
"I don't want to."
"Edi don't!" irap ko.
Napalakas ata ang sigaw ko dahil nagtinginan lahat ng mga classmates ko, ang iba ay natatawa pero pinipigilan lang nila.
Dahil sa kahihiyan, bumalik ako sa mga kagrupo ko na nakatingin sa amin ng katabi kong masungit at mayabang.
"Ah.." awkward na sabi ni Luz.
"Uhm.. Ganito nalang, family nalang ang i-act natin, syempre ang parents, ang anak, reality to about sa maghihiwalay na, na parents at kailangan masulosyunan."
"Ok so sino ang naisip mong maging parents?" tanong ko.
"Si Klea at Gaby ang magiging parents at tayo ang magiging anak."
"Masyado naman atang madaming anak." natatawang sabi ni Mira. "Maagang nabuntis si Klea at hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral at highschool lang, kailangan nilang maghiwalay dahil nagloloko din si Gaby."
"Ok, approve ako sa suggest mo." ngiti ng iba.
"Ako din!"
"Count me in," tiningnan ko ang nagsalita at nakita ko ang kaaway ko, oh yes, ituturing ko na siyang kaaway ngayon dahil hate ko ang mga masyadong mayabang.
Tiningnan niya ako ng masama dahil tiningnan ko siya ng nakataas ng kilay.
"What?" masungit niyang tanong.
"Ang pangit mo kasi,"
"What!?--"
"Okay tama na yan, let's start na, magpapa-practice pa tayo.."
Great, first day na first day, may kaaway ako.
-------
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner