Chapter 14

6 1 0
                                    

"Ready na kayo mamaya?" naeexcite na sabi ni Klea. Hinahanda ang mga gagamitin niya para sa make-up namin.

Anniversary na namin ni Fixel, february 13. Bukas ang valentines day.

Isang tao na pala kami, nakakatuwa lang kasi natitiis ko yung kakulitan ni Fixel. Joke, kahit papaano, mahal ko yon.

"Ako hindi ko alam," sabi ni Aleyah. "Asan nga pala si Hazel?" tanong niya.

"Hindi daw siya sasabay ng ayos, may make-up artist ang bakla, sanaol!"

Dito sa bahay magpapalit at magme-make-up sina Klea at Aleyah, kasama na ako sa memake-upan ni Klea dahil hindi naman kasi ako marunong sa mga ganyang bagay.

"Sino ang partner mo mamaya, Leyah?" tanong ko. Hindi na naman daw kasi makakapunta si Gaby katulad last year, yun yung naikwentl niya, nagka-problema daw kasi.

"I don't know, baka si Kuya." masigla niyang sabi pero alam kong pilit yon. "Bahala siya, n-naiintindihan ko naman."

Napatunganga ako, gusto kong tanungin si Aleyah kung may problema ba sila ni Gaby pero nahihiya ako, kahit si Klea, napapansin niya iyon dahil palaging tamlay si Aleyah.

Hindi muna sa ngayon, alam ko kasi na mago-open si Aleyah ng mga problema niya pag handa na siya.

"Ahh, ikaw.. Aristasia? Sinong partner mo?" tanong ni Klea.

Alam kong ginagawa niya lang yon para masave ang awkwardess.

"Fixel,"

"Sana lahat!"

"Si Tryce, makakapunta ba?"

Umiling si Klea at halatang nadismaya. "Nope, actually nung pumunta ako sa bahay nila, may kapitbahay pala sila na kaedad natin no?"

"Ha? Malamang, subdivision ang address ni Tryce kaya may kapitbahay pala!" natatawang sabi ni Aleyah.

"Bakit mo naitanong?"

"Akala ko mga bata lang, last time kasi na pumunta ako para bigyan ng gawa konh cake si tita, nakakita ako ng kaedad ko na nakatingin sa akin."

Hindi na lang namin pinansin ang sinabi niya, tinext ako ni Fixel na susunduin niya kami mamayang 6:00

"Una kitang aayusan, Aleyah ha."

Nag-ayos na kami, naligo muna ako at nagpatuyo ng buhok, pagkatapos, minemake-upan na kami ni Klea, magaling sa ganito ang bruha, kaya di na kumuha mga magulang siya ng magm-makeup sa amin.

"Omg Aleyah! Ang pretty ha!"

Ang ganda ni Aleyah sa suot nyang red gown, yung akin bali ay yellow, pina-belle lang ang outfit, biniro ko nga si Fixel na mag-beast na lang siya pero ang sinagot niya sa akin,

"Ano tayo maga-act?" natawa ako doon.

Huling mag-aayos si Klea, siya ang make-up at hair stylist namin.

"Ang taray gurl ha, andami mong alam sa lahat ng bagay." pang-aasar ko. Nakita kong ngumisi siya. "Tryce nalang kulang." sagot niya sa akin.

Ako ang pangalawa niyang inayusan, inayos niya ang buhok ko at nilagyan ako ng light make-up, tinali ang buhok ko in bun at nag-iwan siya ng onting strands sa harap at likod pati sa gilid.

Pagka-ayos, nagsuot na ako ng gown, at hindi ko na itatanggi, maganda ako ngayon.

"Ang pretty!"

"Love it!"

Ngumiti ako sakanila. "Ngi, mas lalong mahuhulog si Fixel sayo nyan."

"Edi maganda,"

Si Klea ang huling nag-ayos, kung tutuusin, mas maganda sa akin si Klea, para siyang living barbie doll, na medyo masungit ang aura.

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now