Chapter 19

5 1 0
                                    

"How are you?"

Ngumiti ako kay Vina, siya ang bestfriend ko dito sa US, siya lang ang nakakalam ng lahat, sakanya ko lang sinabi.

"I'm fine, still pretty though."

Natawa kaming dalawa, fil-am ang lahi ni Vina at thankful talaga ako na may nakilala akong pinay agad dito, nung mga una kasi grabw pa 'yong adjustments na nagagawa ko eh.

"Weh? Wala ka bang nam-miss?"

Natahimik ako pero umiling din, nagsisinungaling ako, nami-miss ko na silang lahat, lahat ng pinagsamahan namin, nam-miss ko an si Fixel.

3rd year college na ako, 1 taon na labg, graduate na, isa nalang. Pero natatakot ako, natatakot ako na baka wala na akong balikan.

"Talaga lang ha?"

Ngumiti ako, simula ng umalis ako, nagpalit ako ng number at account sa lahat ng social media ko, dine-activate ko rin lahat para hindi na sila magkaroon ng balita sa akin.

One time inistalk ko silang lahat, they all glow up, lalo na si Fixel, mas lalo siyang gumwapo, pero palagi siyang may kasamang babae.

Seyana ang name, maganda, nagselos ako dahil nalaman ko na siya pala yung kapatid ng dating classmate na friend ni Fixel noong elementary.

Wala na akong communication sakanilang lahat, kahit sina Klea at Hazel o si Aleyah, wala.

"You miss them?"

Ngumiti ako ng malungkot, hindi ko naman maiitatanggi yon diba? Ang hirap mag-adjust sa lugar na wala sila tapos malayo pa.

Alam ko galit sila ngayon, hindi ako nagparamdam, hindi ako nagsabi, ayokong unahan nila ako sa pagsabi kay Fixel dahil baka mapigilan niya ang pag-alis ko.

I still remember my first year here, sobrang lungkot. Sobrang hirap. Umuuwi sina mama sa pinas kada christmas and new year, pati summer, pero hindi ako sumasama dahil wala akong mukhang maiharap.

"Anak? Bakit ka ba nagmadaling pumunta dyan?" naga-alalang sabi ni mama pagkatawag ko sakanya sa new number ko. "Anong ginawa mo?"

"Ma, please, don't tell them."

"What!?" nakita ko ang galit sa boses niya. "Hindi nila alam na aalis ka?"

"H-hindi."

"Anak! Pa'nong? Sasabihin ko kayna Fixel!"

"Ma! No! Hindi niya dapat malaman! Ayokong masaktan s-siya, ma.. Please."

Narinig kong bumuntong-hininga si mama. "Ma, umalis na kayo dyan, baka pumunta pa sila."

"Pero--"

"Please."

Narinig ko ang end button.

Pagkarating  namin, agad na bumalot ang malamig na hangin sa akin, ibang-iba sa lamig na nararamdaman ko sa pilipinas.

I miss them already.

Pagkarating sa suite, agad kong dineactivate ang account ko sa lahat ng social media accounts ko, hindi ko na chineck ang mga provate message nila sa akin kaya hindi ko alam kung meron o wala.

Pinalitan ko rin ang email ko. Ayokong makasakit. Ayokong masaktan.

Maayos kaya si Fixel?

Hindi ko alam.

Sa simula ng klase, mas lalo akong nanibago, yung feeling na walang sisigaw sayo pagkarating mo? Yung walang kukurot ng pisngi mo dahil tulala ka?

Pag break time, wala akong kasama, namimiss ko yung kaingayan nina Klea, pero alam kong galit na sila ngayon.

Doon ko nakilala si Vina.

"Bakit mag-isa ka?"

Nagulat ako kasi nagsalita siya ng tagalog. "Nagt-tagalog ka?" gulat kong tanong.

Ngumiti siya. "Oo naman, hindi ba obvious?"

Ngumiti ako pabalik. "Hindi ko trip magkaroon ng kaibigan."

"Hindi mo trip kasi may namimiss ka."

Napalingon ako sakanya. "Pa'no mo naman nasabi?"

"Halata sa mukha mo."

I smiled sadly. "Maysado na bang halata?"

Tumango siya. "Mind to share your story?" tumabi siya sa akin at nagbigay ng candy. "Makikinig ako."

Si Vina lang ang palagi kong kasama, may mga kaibigan pero nakakusap lang, hindi ako masyadong nakikipag-usap.

Pag time ng assignment, si Fixel na naman ang nasa isip ko, siya ang palaging nagtuturo sa akin pag nahihirapan ako.

Kainis, ito na naman, umiiyak na naman ako.

Fixel.. I miss you so much.

-------

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now