"Omg super galing natin!" naiiyak kunwari na sabi ni Mira. "Tara, sabay-sabay na tayong kumain!"
Kami kasi ang itinanghal na best performer kuno, dahil sa nagawa naming acting, naging narrator ang peg ko, kasama ko si enemy.
Yes enemy na ang tawag ko sakanya, kase all the time na nagpa-practice kami, inaasar niya ako at nag-aaway kami.
"Medyo magulo kung tayong lahat ang maga-act, mas maganda kung may dalawang magk-kwento." pahayag ni Karl.
Tumango ang iba naming ka-grupo, ang iba naman kasi, sumasang-ayon nalang kaya medyo magaan sa pakiramdam.
"Ako nalang, okay na sa akin ang mag-narrate," tumango si Karl sa suggestion ko. "Hays, kala ko walang mag pa-participate."
"Isa nalang!" sabi ni Aleyah, tumingin siya sa iba naming ka-grupo at halos lahat sila ay nag-iwasan ng tingin.
"Hala di pwede ako, medyo bulol ako pag nag-kwento, lam mo na!" natatawang sabi ni Klea, nakita kong umirap si Aleyah at bumulong kay Mira. "May crush ang bruha doon sa group 1 kaya magpapasikat daw siya."
Natawa ako sa narinig.
"Ako nalang."
Napatingin ako sa nagsalita, nakita kong lumiwanag ang mukha nina Mira, lalo na si Klea dahil siguro akala niya, siya ang ipipilit.
"Wait, what!?"
"O sige! Ano bang pangalan mo? Ng mailgay namin dito," kinuha ni Karl ang papel na hawak ko.
"Isaiah Fixel,"
"Isaiah Fixel," pang-gagaya ni Karl at nagsulat sa papel ko.
"Ano ba pwede naming itawag sayo?"
"El, kahit ano bahala kayo."
Umirap ako sa kunwaring pagma-magandang kalooban niya.
Okay alam kong masama ang mag-conclude, pero ganon akong tao eh!
"Okay El, ito yung script niyong dalawa ni Aris, bahala na kayo kung sino ang naatasan bawat stanza na sasabihin niyo.'" paliwanag ni Aleyah na tinanguan lang niya.
Lumayo ng kaunti sina Aleyah para mag-practice, iniwanan kami para makapag-practice din mamaya, inirapan ko ang papel na hawak niya.
"Oh, ito ang line mo," paliwanag niya at nilagyan ng underline gamit ang ballpen niya ang magiging line ko. "Sali't-salitan tayo bawat stanza, para fair, at di masabing hindi ka marunong magbasa."
Tiningnan ko siya ng nakaka-insultong tingin. "Wow, ano sa tingin mo? Slow reader ako? Excuse me!"
Natawa siya sa sagot ko, "Malay ko bang marunong kang magbasa kasi di ka naman tumututol sa suggestions ko."
Inirapan ko ulit siya. "Excuse me! Makakatungtong ba ako ng grade 7 kung di ako marunong magbasa!?"
"Malay ko sayo, di naman kita kilala."
"Ang kapal mo! Kala mo gwapo!"
"Eh sa totoo naman,"
Ayoko maging pabebe kaya tinalikuran ko nalang siya at nag-isip ng pwedeng ipang-asar.
"Oh, sige na, marunong kanang magbasa, kunin mo na tong line mo,"
Hindi pa rin ako humaharap.
Don't get me wrong, hindi ako nagpapabebe hindi dahil sa pogi siya, okay? Dzuh, bwct talaga ako sa lalaking to.
"Tapos na kayo?"
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner