Special Chapter

54 1 0
                                    

"I don't want to."

"Edi don't!"

Unang araw may nambubulabog ng umaga ko, kainis, alam nyang ayaw ko, ayaw ko. Halatang papansin eh.

Akala ko mangungulit pa siya, kaso nag-walk out, tiningnan ko siya at nakitang umiirap habang nagsasalita ang isa naming kaklase.

Aristasia. Aristasia Celine ang pangalan niya, nakita ko sa papel dahil nilagay ang pangalan ko, pareho pa kaming narrator.

Masungit, maarte, palaging irita.

Hindi ko alam kung ganun ang ugali niya dahil naging kaibigan naman niya yung iba naming kaklase.

Inaasar ko siya dahil hindi niya ako pinapansin. After lang noong nangyari sa role play magsusungit na siya?

"Ang ingay ng babaeng 'to tumawa."

Tinitingnan ko siya habang nakikipagtawanan sa mga kaklase namin, nung nakita niya akong nakatingin, umiwas ako.

Dahil hindi siya namamansin at palaging iba ang trato niya kaysa sa mga kaklase namin, inaasar ko siya.

"Ano ba!"

"Accept mo na kasi ako sa facebook!"

"Ayoko nga!"

In-add ko siya sa facebook, tiningnan ko kasi yung mutual ni Klea at nakita ko ang pangalan niya, hindi na nga kami friend sa personal, kahit sa facebook hindi?

"Ganda naman pala."

Nagulat ako sa sarili ko, kailan ko pa siya ni-aadmire? Hindi naman siya kagandahan.

Palagi ko yang sinasabi sa sarili ko pero palagi pa rin akong nahuhuli ni mama na may iniistalk na babae.

"Wow 'nak, crush mo?"

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni mama.

In-accept nya ako, tuwang-tuwa ako non, ako na ang nag-presinta na magluto ng hapunan para sa amin ni mama, hindi ko alam bakit.

Agad-agad ko siyang chinat nung gabi na inaacept niya ako, napansin ko na kahit sa chat ang sungit-sungit! Sobrang tipid at tagal pa ng reply.

Nasaktuhan na may date kaming magbabarkada, sinadya kong sumama na dapat ayaw ko dahil mas gusto kong magkulong sa bahay, ang kaso ay kasama siya.

Naglalaro kami ng basketball nina Cole ng makita ko siya na nahihirapan makakuha sa claw machine, agad akong lumapit doon.

"Bakit ka ba nandito? Akin na yan, shooo!"

Hindi ko siya pinansin, instead, kinuha ko yung mga token niya at nag-try na kuhanin yung gusto niya sa loob ng claw machine.

Ang problema eh hindi ko makuha! Ang kaya ko lang ay yung malaki-laking stuff toy dahil tinuruan ako ni kuya noon.

"Luh, feelingero! Kina-cool mo yan?"

Mas nainis ako, kaya in the end, hinila ko siya at doon ako kumuha ng stuff toy sa malaking claw machine, madali ko lang na nakuha iyon.

"Oh." binigay ko sakanya yung stuff toy na nakuha ko. "Bakit ito?" tanong niya pa.

Mas gusto kong nakikita yung naasar niyang mukha kaya naisipan ko siyang asarin.

"Mukha ka kasing unggoy kanina."

Sinapak niya ako. "Dzuh! Cute naman itong nakuha mo ah! Pasalamat ka cutie yung nakuha mo kung hindi binalibag na kita."

Tiningnan ko ang mukha niyang naiinis. "Cute nga."

"Ako naman, dahil tinulungan kita, tutulungan mo ako maglaro!"

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now