Maaga akong nagising kinabukasan, nag-ayos ako kaagad at nagbihis ng maganda.
Pagkababa ko, agad akong nagpaalam kay mama, mabuti nalang hindi na siya nagtanong kung saan ako pupunta.
Sa isang malapit na coffee shop kami magkikita ni Fixel, pagka-pasok ko doon, agad ko siyang nakita sa pinaka-dulong upuan.
Nahihiya akong lumapit. "F-Fixel.."
Pagka-kita niya sa akin, agad pumormal ang pag-upo niya at naglahad ng upuan, meron na ring kape sa harap ko.
Awkward.
"Kamusta ka na?" panimula niya.
"A-Ayos lang naman.. Ikaw?"
"I'm fine."
Fine. Maayos siya. Pero ako kasi hindi.
Tumingin siya sa akin, may gusto pa siyang sabihin pero parang gusto miya lang na una akong magsasalita, hindi na ata siya nakatiis dahil siya na talaga ang unang nagsalita.
"Aristasia," hinawakan niya ang maliit na kutsara at hinalo iyon sa tasa. "I want a closure."
Nanigas ako. Closure.
"C-Closure? Sure!"
Tiningnan niya ako. "Sobra akong nasaktan ng iniwan mo ako, alam mo ba 'yon?"
"I'm sorry--"
"Wait. Let me finish, please?" pakiusap niya, tumango ako.
"Akala ko nung panahon na iniwan mo ako, yun yung panahon na ayoko nang lumabas. Gusto ko nalang magkulong, naisip ko, pupunta ka kaya pag nalaman mong hindi ako kakain? Pupunta ka kaya pag nalaman mong malungkot ako?"
Yumuko ako.
"Tinaboy ko sina Klea.. Lahat sila, ikaw lang ang gusto ko, ikaw lang ang gusto kong makita, nag-antay ako.. Pero wala, walang dumating."
"Umuwi ang parents mo, natuwa ako, akala ko, magkaka-ayos na tayo at magkaka-balikan pero hindi, hindi ka pala sumama, naisip ko nga kung sumama ka baka pwedeng LDR nalang tayo eh, kaya naman kitang antayin."
"Umiiyak na naman ako, para na 'kong bakla kakaiyak, kada nakikita ko mukha mo sa kwarto ko, iiyak na namna ako,"
"Naisip ko, kung bibitawan kita, mawawala yung sakit, hindi pala, masakit pa rin, pero binago ko yung sarili ko, inuna ko muna yung pag-aaral ko,"
"Then I met Eyana."
Tumulo ang luha ko, hindi niya iyon napansin dahil pati siya, nakita kong teary-eyed din.
"Ibang-iba. Magka-iba kayo, kung tahimik ka, si Eyana maingay, kung masungit ka, si Eyana mabait, kaya ayoko sakanya, pero hindi, hindi ko pa rin napigilan."
Magpapa-tuloy na sana siya pero pinatigil ko. "Stop." ngumiti ako sakanya. "Alam ko na, ngayon ako naman."
Tumango siya. "Alam kong galit ka sa akin, hindi ko sinasadya, pero nasaktan din ako." panimula ko. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo pag nalaman mo na aalis kami, na doon na ako mag-aaral sa ibang bansa."
"Ayokong masaktan kita, ayaw kong iwan ka na may hinanakit sa dibdib mo at umiiyak, kaya naisip ko, mas maganda kung mag-hiwalay nalang tayo--"
"At sa tingin mo hindi mo ako nasaktan?" tiningnan niya ako. "Mas masakit yung naisip mo kaysa sa dapat mong gawin."
Natahimik ako.
"Yung mga sinabi mo sa akin para tantanan kita, yung mga ginawa mo para layuan kita ng hindi ko alam kung anong problema, mas masakit yon alam mo ba?" hinilot niya ng sentido niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit kung bakit ka iniiwasan? Naisip ko, nakahanap ka ng iba, na totoong nandiri ka sa akin."
"That's not true--"
"Tapos na iyon."
Oo nga, bakit ko pa irerecall. Naiiyak na naman ako.
"Oh, masaya ka naman ngayon diba?"
"I am." ngumiti siya. "Pero alam kung hindi ganoon kasaya pag ikaw nag kasama."
Ouch.
"E-enjoy ka naman diba? Maayos naman kayo?"
"Oo. Pero iba siya pag nag-aaway kami, hindi katulad mo na nagpapasuyo."
Ngumiti ako.
"M-Mahal mo na s-siya diba?"
Ngumiti siya ng matamis. "Oo," nakita kong nagning-ning ang mga mata niya. "Pero alam kong hindi yun katulad ng pagmamahal ko sayo, iba ang sayo, iba ang sakanya."
Tumayo siya at naghanda nag aalis pero tumingin siya sa akin at ngumiti.
"I'm sorry for everything Aristasia, sorry kasi hindi kita inantay,"
"It's fine." pagsisinungaling ko.
"Alam kong makakahanap ka ng lalaking mamahalin mo ulit, kasi ako, nahanap ko na, alam kong makakahanap ka pa ng lalaking mas gwapo sa akin." tumawa ako. "Pero alam kong wala na."
"Just kidding, salamat sa lahat, sa pagiging first crush ko, first girlfriend ko, at pagiging first love."
"Aristasia. You are the person I loved before." ngumiti siya ng mapait. "I was so in love with you."
"Stay strong sainyo in Eyana, I hope kayo na talaga."
"Susubukan namin," ngumiti siya.
He waved goodbye at lumabas na ng coffee shop, pagkalabas na pagkalabas niya, agad na tumulo ang luha ko.
Closure.
Ang sakit.
Tumingin ako kay Fixel na pasakay na sa sasakyan niya, hindi na siya ulit lumingon, hindi na siya lumilingon gaya ng dati.
"Fixel,"
Patuloy na tumutulo ang luha ko.
"I love you. I will not stop loving you. Endlessly."
-------
Thank you so much! :))
Sana suportahan niyo pa rin po ako sa aking future stories. Love you all! :))
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner