"Please, gusto ko lang naman ipakilala ka sa parents ko eh," narinig kong pakiusap ni Elaine kay Fixel.
Nag-aaway sila palagi, kung dati kami yung nag-aaway, sila naman ngayon, kainis nga eh, dati naman close sila, dapat kasi kami yung nag-aaway eh.
"Ayoko nga Elaine,"
"Sige na,"
Mas lalo akong nainis, manhid ba itong si Elaine at nakitang ayaw nga ni Fixel? Manhid din ba silang dalawa dahil hindi nila ako nakikita?
"Ayoko nga,"
Isang buwan na silang ganyan, ewan ko ba, simula ng nag-away kami mas lalong dumikit sakanya si Elaine, pero si Fixel hindi na siya pinapansin, sa totoo lang dati pa lang hidni na namamansin si Fixel kay Elaine, ako lng ang nagpipilit dahil masyadong nakakainis yung matinis nyang boses.
"Please,"
Iniwan ko sila doon, kabanas, mas okay na yung malayong nag-uusap sila kaysa naririnig ko yung pabebeng boses ni Elaine na namimilit.
Pumunta ako ng canteen, di naman sa palaging gutom pero napapadalas yung baba ko dahil sa inis ko sa dalawa.
Bumili ako ng isang biscuit at juice, pampalamig na rin ng ulo.
"Penge!" tumabi sa akin si Kyle.
Binigay ko sakanya yung natirang biscuit, kainis, dapat lumalayo ako kayna Fixel eh, kaso lumalapit naman yung mga bubwit nya.
"Ang unti naman!" reklamo nya.
"Ikaw na nga humihingi, ikaw pa may ganang magreklamo!"
Inakbayan nya ako, inipit niya ako at idinikit sa mukha niya, hindi ako makawala kaya tinapakan ko yung paa niya, pero hindi ata siya nasakitan kaya sumuko na ako.
"Kyle ano to?"
Napabitaw sa akin si Kyle, nakita ko ang gulat sa mukha ni Fixel, parang galit na ewan or something.
"Oy wala pre! Wala!" naglapag si Kyle ng pera sa akin, tinanggap ko agad kasi alam kong utang nya yon.
Ngumiti sa akin si Kyle ng hilaw, nagtaka ako sa asta niya, parang ngayon niya lang naman nakitang galit si Fixel, eh halos buong araw yan nagbubuga ng apoy dahil sa away nila ni Elaine.
"Sibat na ako,"
Umalis sa harap namin si Kyle, si Fixel naman, tumabi sa akin at ginawa ang ginawa sa akin kanina ni Kyle.
"Ano ba!" saway ko.
Sumunod naman siya.
"Bakit mo ako iniwan doon?"
"Bakit kailangan pa ba kitang antayin?" sarkastikong tanong ko.
"Luh, nagtatanong ako tapos magtatanong ka din?" tumawa siya ng malakas. "Wag ganon,"
Umirap ako at iniwan siya sa canteen, kainis, parang pinaparating niya na mas magandang makita ko ang away nila ni Elaine.
Pag-akyat ko, nagkakagulo yung mga kaklase ko sa isang sulok, dahil sa wala na ring magawa, naki-tsismis ako.
"Anong meron?" tanong ko.
Natigil sila sa pag-sigaw. "Ito kasing si Erick, kaya naman pala hate na hate si Jelly, kasi may gusto pala sakanya!"
Nagsigawan muli ang mga kaklase ko. "Yieee!" tili ng mga babae.
"Ha? Pano niyo nalaman?" tanong ng iba kong kaklase na nakiki-usyoso din.
"Si Sean!"
"Narinig namin sa cr, pinapanood niya yung video na kumakanta si Jelly! Tapos inagaw niya yung vid, naka-save pa kamo sa gallery niya!" sigaw ng mga kaklase naming lalaki na mga tsismoso.
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner