Chapter 15

6 1 0
                                    

-Senior life-

"Wow, akalain mo! Naka-abot tayo ng senior?" naiiyak na sabi ni Klea kaya inirapan siya ni Aleyah.

"Bakit? Gusto mo na mamatay ng hindi pa nagc-college?"

"Timang, kala ko mabubuntis na ako ni Tryce," kinikilig na sabi niya.

"Klea!" binatukan siya ni Aleyah at sinabunutan ng mahina. "Ang bunganga mo!"

Kahit ako natuwa, ang OA lang, magdadalawang taon na rin kami ni Fixel. Nakakatuwa.

"Ito ang mas nakakaiyak," tumingin sa akin si Hazel. "Sila nagtagal, kayo ni Gaby hindi."

Umirap si Aleyah sakanya. Nakipag-break si Gaby kay Aleyah dahil sa hindi ko malamang dahilan, last year pa to, yung time na parang nag-iiba yung ugali ni Aleyah, hindi na siya nago-open ng mga problema niya at palagi siyang tulala.

"Hala pre, oo nga." sinabunutan ako ni Klea kaya pinalo ko siya sa braso. "Landi ah, sanaol."

Umirap ako, naiinis ako kay Gaby, hindi na siya nagpakita sa amin after non, lumipat ng school.

Gusto akong ilipat ni mama sa ibang school pero tumanggi ako, ayokong malayo kay Fixel at kayna Klea, at saka isa pa, maayos ang pakikitungo at pagtuturo sa school na to.

Nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko. "Morning,"

"Morning!" ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi kami nagka-alone time nung summer, buong buwan kasi niyayaya namin si Aleyah kahit saan, ang bruha ay broken-hearted.

Nakita kong may pinasok si Fixel sa bag ko. "Ano yun?" tanong ko.

"Basta, buksan mo mamaya sa bahay niyo," pinitik niya ang noo ko. "Wag kang makulit at matigas ulo, mamaya mo na buksan."

Tumango ako at ngumiti. "Pa-suspense ka pa ha, pero sige."

Pumunta siya sa upuan niya, yun yung problema, hindi na kami pwede ipagtabi dahil malayo ang apelyido niya sa apelyido ko, okay lang naman sa akin pero nung una nainis siya.

"Good morning class,"

Nanahimik ang klase dahil sa pumasok na teacher.

*

"Kaloka ha! First day ng school nagpa-activity agad si sir!" hinihingal na sabi ni Klea, nagpahabol kasi sa kaklase namin para manghingi ng hair clip. "Kala ko pa naman index card lang."

Umirap ako. "Ganun naman talaga diba? Kaya nga tayo nag-aaral."

"Nag-aaral na lang ako kasi nandyan si Tryce," malanding sabi niya.

"Shut up! Kadiri ka!"

Natawa siya sa inasal namin ni Aleyah habang pababa kami ng canteen, ang mga bruhang ito, hindi ko an alam sinong sasamahan ko, si Aleyah na broken hearted o si Klea'ng malandi.

Pagkababa namin ng canteen, nakita kong may kasama si Fixel, babae, sa tantsa ko, 4th year highchool ito.

"Sino yon?" napansin din ata ni Klea na may kasama si Fixel na babae.

"Kapatid niya?"

Umiling ako. "Dalawa lang silang magkapatid at siya ang bunso."

"Bakit mag kasama? At bakit ang landi ng hawak?"

"Ha?" hindi ko nakita yun ah! Andami na kasing nagbabaan na estudyante dahil recess time na rin ng mga oras na yon.

Hindi ko na sila nakita after! Kainis, sino na naman kayang umaaligid sa kumag na yon? Masyado pa naman siyang mabait.

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now